April 22, 2024
Paggawa ng toner gamit ang bulaklak ng gumamela

Paano gawing TONER ang GUMAMELA

Sharing is Caring

Maraming benepisyo sa balat o kutis ang gumamela. At dahil sa mga benepisyong iyan, naisipan kong i-try na gumawa ng toner gamit ang sangkap na ito. At kung pag-uusapan ang pinakasimple at pinakamadaling paggawa ng gumamela toner, gumawa lamang ng gumamela tea.

Maglaga ng bulaklak (pwedeng dagdagan ng dahon) o ibabad ito sa mainit na tubig. Pag ito ay malamig na, ilagay sa isang bote. Meron ka ng DIY Toner gamit ang halamang ito. At para tumagal ang shelf life nito ng lima (5) hanggang isang linggo, ilagay ito sa ref. Gamitin ito pagkatapos maghilamos ng mukha, 2 beses sa isang araw. 🙂

Ganyan kadali gumawa ng DIY toner gamit ang gumamela o iba pang klase ng mga spices & herbs.

Pero siempre maganda rin na i-upgrade ang halamang ito at maglagay ng iba pang sangkap sa ating toner bukod sa tubig. Mga sangkap na magbibigay ng moisture, pampakinis at iba pang ingredients na maaaring magbenepisyo ang balat. ito ay para ma-maximize ang potential ng halamang ito sa ating skin care.

Meron akong ilang toner recipe gamit ang gumamela flower, isang simple at isang medyo upgraded na formula dahil meron itong light peeling effect.

Iba’t ibang toner gamit ang bulaklak ng gumamela

Simpleng Gumamela Toner

Para sa simple at basic sa paggawa ng toner gamit ang bulaklak ng gumamela, heto ang mga sangkap na kakailanganin;

Mga Sangkap

  1. Gumamela tea- 80 grams
  2. Allantoin- 0.5grams
  3. Witch-hazel- 20 grams
  4. Preservative- q.s

Paraan ng paggawa

  1. Ilagay ang 80 grams na gumamela tea sa hot water bath.
  2. Pag ito ay maligamgam na, ilagay ang allantoin. Antaying ito ay matunaw.
  3. Hanguin mula sa hot water bath pag ang allantoin ay tunaw na.
  4. Ilagay ang witch-hazel hydrosol.
  5. I-check at i-adjust ang Potential of hydrogen
  6. Ilagay ang preservative. Ilipat sa isang bote at maaari na itong gamitin.
Paggawa ng toner gamit ang bulaklak ng gumamela

Gumamela Toner with LACTIC ACID

Para naman sa recipe na ito, gagamit tayo Lactic acid. Makakatulong ito sa problema sa balat kagaya ng dark spots, hyperpigmentation, dull skin, wrinkles at iba pa.

Mga Sangkap

1.Gumamela tea- 50 grams

Tea na gawa sa bulaklak ng gumamela.

2. Aloe vera leaf juice extract- 23 grams

3. Gumamela extract- 5 grams

Extract na gawa sa Gumamela flowers para sa DIY skin and hair care products.

4. Lactic Acid, 80 %- 2 grams

5. Preservative- q.s

Paraan ng paggawa

1.Ilagay ang gumamela tea sa hot water bath. Painitin ito ng at least 40 degrees centigrade. Hanguin sa apoy.

2. Ihalo ang aloe vera leaf juice extract.

3. Isunod ang gumamela extract.

4. Ihalo ang lactic acid.

5. I-check at i-adjust ang PH, ang PH goal ay between 3.0-4.0.

6. Ilagay ang preservative. Haluing mabuti.

7. Ilagay sa isang bote.

Ready na gamitin ang gumamela toner with lactic acid. Maaari ring magdagdag ng iba pang sangkap kagaya ng vegetable glycerin o yung mga sangkap na may moisturizing effect.

Gumamela toner na may lactic acid para kuminis ang mukha

Paano gamitin ang gumamela toner with lactic acid

Maaari itong gamitin 3-4 times a week, twice a day. Kung masyadong mahapdi ito sa inyong balat, bawasan lang ng lactic acid. Maganda rin kung gumamit muna ng low dose. Pero kung tutuusin, ang ginamit na lactic acid (80%) sa paggawa ng gumamela toner ay nasa 2% lamang. Ang porsyentong ito ay may light peeling effect. Ito ay tinuturing na low dose. Pero kung sa tingin mo naman ay masyadong mahina ang lactic acid, maaaring magdagdag pa.

Pag gumagamit ka nito, siguraduhin lamang na may sunblock o sunscreen kang gamit kung lalabas ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *