April 22, 2024
Paano gawing juice o liquid ang aloe vera powder

Paano gumawa ng aloe vera leaf extract gamit ang aloe vera powder

Sharing is Caring

Para sa mga taong paborito ang aloe vera dahil sa mga benepisyong hatid nito sa kanilang buhok at balat pero walang paraan na maka access ng fresh aloe, available na ang aloe vera powder. At ang bisa nito ay doble sa bisa ng fresh aloe vera. Ang aloe vera powder ay maaari mong ireconstitute para maging juice o likido o isama mismo ang powder sa pagfo-formulate ng mga hair and skin care products.

Simple lang kung paano gawing aloe vera leaf extract ang aloe vera powder. Ire-reconstitute lang ito sa distilled water at lagyan ng preservative para tumagal ang shelf life ng produkto. Konting paghahalo > > > > > meron ka ng aloe vera juice o extract na maaaring gamitin sa buhok o balat o gamiting sangkap sa iyong mga formulations.

Ano ang Aloe Vera Powder

Ang aloe vera powder na maaari ng mabili ngayon ay gawa sa totoong aloe vera. Ito ay ang pinatuyong gel ng aloe vera at pinulbos ng pinong pinong. Makukuha mo rin ang mga benepisyong meron sa fresh aloe. Merong food grade at merong cosmetic grade na maaaring mabili. Meron kang makikitang iba’t ibang ¬®concentration¬® nito, merong 100:1, at meron ding 200:1. Ang ibig sabihin lamang nito ay ang concentration ng produkto. Ibig sabihin, ang 200:1 o 100:1 ay 200 o 100 na beses na mas concentrated sa fresh na aloe vera gel.

Gamit ng Aloe vera powder

Ang aloe vera powder na cosmetic grade ay gamit sa paggawa ng hair and skin care products. Maraming kang pwedeng gawing cosmetics gamit ang sangkap na ito.

Halimbawa;

1. Basic aloe vera gel, aloe vera gel na may chamomile essential oil

2.Face moisturizer

3.Body lotion

4.Shampoo

5.Conditioner

6.Liptint

7.Makeup

8.Shaving cream

9. Toner

10. Body spray

Paano gumawa ng aloe vera leaf extract gamit ang aloe vera powder

Para makagawa ng aloe vera leaf extract, ireconstitute ang aloe vera powder gamit ang tubig. Kung gagamitin itong liquid ingredients sa mga gagawing produkto. Kung gagawa ka halimbawa ng lotion o cream at gusto mong gamitin ito bilang water ingredient (bilang substitute ng water) o kasama ng water ingredients, ito ay maaaring gawin.


MGA SANGKAP SA PAGTUNAW SA PULBOS NG ALOE VERA

Para sa paggawa ng 200ml;

  1. Distilled water- 197.4 grams (warm)
  2. Aloe vera powder 200:1- 2 grams
  3. Preservative– 0.6 gram

Kung 100 ml lang ang gagawin, hatiin lamang ang recipe sa taas.


PARAAN NG PAGGAWA:

1. Ihalo ang 2 grams aloe vera powder (200:1) sa 197.4 grams ng tubig. Haluin itong mabuti hanggang wala ng visible na powder sa tubig.


2. Ilagay ang preservative na gagamitin.

Kung ang concentration naman ng aloe vera powder ay 100:1 ang ida-dilute, gumamit lamang ng 99 grams ng tubig at 1 gram ng aloe vera powder at preservative. Tanggalin lamang ang percentage na gagamiting preservative sa water ingredient.

Paano gamitin ang aloe vera powder sa paggawa ng cosmetic

Kung ang powder naman ay gagamitin sa formulation, sundin ang percentage ng paggamit ayon sa direkta ng manufacturer. Usually, ito ay 0.1 percent to 1 percent lamang. Ito ay heat stable kaya maaaring isama ito sa mga water phase na mga sangkap na kailangang painitin.

Ang aloe vera leaf powder ay mayaman sa mineral salts. Pag ito ay gagamitin na sangkap sa paggawa ng mga creams, magdagdag lang ng emulsifying wax para sa stability ng produktong gagawin.

Panoorin ang Video kung paano ireconstitute ang aloe vera powder?

Paano gawing juice o liquid ang aloe vera powder

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *