February 23, 2024
Ang mga nakamamanghang bepisyi ng gatas sa kalusugan at kagandahan

Mga benepisyong makukuha sa paggamit ng gatas sa balat

Sharing is Caring

Marami tayong nakukuhang benepisyo sa pag inom ng gatas. Ito kasi ang source natin ng mga importanteng bitamina at mineral kagaya ng calcium. Mayaman ito sa calcium at phosphorous na siyang nagpapatibay at nagpapalakas sa ating mga buto at ngipin. Bukod sa benepisyong internal, marami din tayong makukuhang benepisyo kung gagamitin ito sa ating balat o kutis.

Ang gatas ay isa sa mga bagay na mula sa kusina na magagamit mo sa iyong skin care. Wala naman ebidensya na si Cleopatra nga ay naliligo sa gatas, pero pag skin care o beauty regimen ang pinag uusapan, parating inuugnay ang gatas kay Cleopatra.

Maraming benepisyong makukuha sa paggamit ng gatas sa balat. At maraming paraan kung paano mo ito magagamit sa iyong natural skin care routine. Para kahit papaano, makapag pahinga naman ang balat sa mga kemikal mula sa commercial na skin care products.

Mga benepisyong hatid ng Gatas sa Balat

1. Anti aging– may 2 pangunahing protina ang gatas. Ito ay ang casein at whey protein na siyang tumutulong sa skin’s elasticity. Meron din itong mga fat soluble vitamins kagaya ng vitamin A at vitamin E. Sa mga benepisyong yan, nakakatulong ito na i delay at bawasan ang mga signs of aging kagaya ng wrinkles o fine lines sa ating balat.

2. Whitening– ang gatas ay may tinatawag din lactic acid. Ang lactic acid ay isang AHA o alpha hydroxy acid na nagpapaputi ng balat, nag-e-exfoliate ng dead skin o old skin cells at nagmo moisturize din ito ng kutis.

3. Moisturizer– nakakatulong sa pagmo moisturize ng balat ang gatas dahil sa mga fats at proteins nito.

4. Soothing- nakakapawi rin ang gatas sa sun burned na balat o may eczema, psoriasis o simpleng nangangating balat. At pwede mo ring gamitin ang gatas para pawiin ang pamumugto ng mata o lunasan ang dark circles ng mata.

WARNING

Kung kayo ay acne prone, huwag gamitin ang gatas sa inyong skin care.

Paano gamitin ang gatas sa balat para sa benepisyo nito?

Maraming paraan sa paggamit ng gatas sa ating kutis.

  1. Pwedeng gamitín ang gatas bilang cleanser o scrub sa mukha man o katawan.
  2. Pwedeng gamitin ang gatas bilang mask o essence ng face sheet mask.
  3. Pwedeng gamitin ang gatas bilang toner.

Powdered o fresh milk man, maaari mo itong gamitin sa pag aalaga ng iyong kutis o balat.

Paano gamitin ang Gatas bilang body at face scrub

Importante ang mag scrub ng balat o mag exfoliate at isa ang gatas ang natural mong magagamit.

Gatas at asin

Sa pulbos na gatas maaari kang mag DIY ng salt and milk body scrub na parang bonne spa. Gumamit ng sea salt. Pwede ring gamitin ang tinatawag na magnesium sulfate o yung tinatawag na epsom salt o magnesium chloride para dagdag benepisyo sa katawan dahil ito ay relaxing.

Ang paggawa ng Milk & Salt body scrub na pampaputi at pampakinis ng balat

Kung masyadong magaspang sa balat, maaari ninyong i grind gamit ang mortar and pestle o coffee grinder.

Gatas at asukal

Iba't ibang gamit ng asukal sa pagpapaganda ng balat o kutis

Pwede ring gumamit ng asukal bilang alternatibo sa asin. Maaaring gamitin ang puti o brown sugar.

Gatas at oatmeal

Pag ang balat ay extra sensitive, ang oatmeal ay isang magandang alternatibo bilang face and body scrub na maaaring gamitin mula sa inyong kusina. Ang oatmeal ay marami rin benepisyong hatid sa balat lalo na kung ito ay sensitibo. Dagdagan pa ng isa pang anti inflammatory na manzanilla o chamomile.

Oatmeal na natural na gamit sa pag aalaga ng kutis o balat
Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Mga sangkap at paraan ng paggawa ng gatas at oatmeal scrub

Ilagay sa coffee grinder o mortar and pestle ang 1/2 kutsarang gatas, 1 kutsarang oatmeal at 1 kutsarang chamomile flowers o tea. I grind ito hanggang sa makuha ang texture na gusto mo.

Ilipat sa isang lalagyan.

scrub na gawa sa gatas, oatmeal at chamomile

Pag gagamitin, maglagay ng pulbos sa palad, lagyan ng konting tubig at haluin. Ang mixture ang gagamiting pang hilod ng mukha.

Paano gamitin ang Gatas bilang mask o essense ng sheet mask?

1.Gatas at turmeric o luyang dilaw na face mask

Paghaluin ang 1 kutsaritang pulbos na gatas at 1-2 pinches ng turmeric powder. Lagyan ng konting tubig hanggang sa maging paste-like ang consistensy nito.

Turmeric powder o luyang dilaw na maraming nutrisyon at iba pang benepisyo
Turmeric/Luyang dilaw

Ipahid sa bagong hilamos na mukha. Pabayaan ito ng 5 minuto at banlawan. Maglagay ng regular na moisturizer.

Ang isa pang maaaring gawin ay ang pagdagdag ng garbanzo flour o chick pea flour o tinatawag ding gram flour. Ang gagamitin naman dito ay ang fresh milk bilang solvent ng chick pea flour at turmeric. Kung walang fresh milk, maaari namang powder at gamitan nalang ng tubig bilang pantunaw.

Ito ay hindi lang para sa mukha, ang mask na ito ay maaaring gamitin sa buong katawan. Magbibigay ang diy face and body mask na ito ng instant glow sa iyong balat. 🙂

2. Fresh milk at sheet mask

Gamiting essense ang fresh milk sa inyong sheet mask. Maaari rin ninyong dagdagan pa ito ng iba pang juice o katas ng lemon, pipino at iba pa.

Sheet masks na ginagamitan ng essense, natural man o commercial para sa skin care.

Paano gamitin ang Gatas bilang Toner

Pag bilang toner naman ang paggamit ng gatas, fresh milk ang kailangan mo dito. Ang gatas sa inyo fridge ay agaran ninyong magagamit na toner sa mukha.

Pagkatapos ninyong maghilamos, mag apply lamang ng gatas bilang toner. Pabayaan ito ng 10 minuto at banlawan.

Sa paggawa naman ng skin care products, ang gatas ay maaari ring gamitin bilang isa sa mga sangkap sa paggawa ng lotion, cream o moisturizer, mga body washes at iba pa.

Para sa mga videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel.

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *