April 22, 2024
mga ibat ibang paraan ng pagdiffuse ng essential na gamit sa aromatherapy

Mga paraan ng pag-diffuse ng Essential Oil

Sharing is Caring

Ang pag di-diffuse ng essential oil ay hindi lang dahil sa gusto nating mangamoy mabango ang loob ng ating bahay, kundi dahil sa mga benepisyo nito sa ating kalusugan. Ang kagandahan dito, maraming paraan o hindi limitado ang mga paraan para makuha ang mga benepisyong hatid ng essential oil. Sa katunayan, kahit nasaan ka pa, kahit anong oras, maaari mo itong magamit dahil sa maraming iba’t ibang paraan ang pag di-diffuse ng essential oil.

Essential oil diffusion at essential oil diffuser

Ang essential oil diffusion ay ang proseso ng paggamit ng essential oil at pagpapakalat ng amoy nito. Ang essential oil diffuser naman ay ang mga bagay na ginagamit para ito ay madiffuse. Sa mga spa, ang kadalasang ginagamit na diffuser ay ang ultrasonic essential oil diffuser. Dito lumalabas ang amoy na iyong nalalanghap at nagbibigay ng kaginhawaan sa katawan at sa isip.

Pero hindi lamang yan ang paraan kung paano i-diffuse ang essential oil, maraming simpleng paraan para mag-ala SPA ang bahay mo at para makuha mo ang mga benepisyo ng Essential oil at Aromatherapy.

Mga paraan ng pag-diffuse ng Essential Oil

  1. Ultrasonic essential oil diffuser– ang essential oil diffuser na ito ay hinahaluan ng tubig. Kung meron kayong manufacturer’s manual, makikita mo dito kung paano mag-dilute at mag-diffuse. Ito ang iyong sundin. Kung wala naman, basahin ang blog kung bakit importanteng i-dilute ang essential oil.
Paraan para magdiffuse ng essential oil ay ang ultrasonic

2. Nebulizer essential oil diffuser– kung ang nebulizer naman ang gagamitin, tignan din ang manufacturer’s manual kung anong ratio ang sinusunod sa pagda-dilute nito.

3. Candle burner/Tea light DIFFUSER– may mga dapat isipin bago gumamit ng kandila sa pagdi-diffuse ng essential oil.

Una, kung anong klaseng wax ang ginamit sa paggawa ng kandila. Kung ikaw ay hindi sigurado o kung alam mong ito ay Paraffin wax, huwag gumamit ng candle burner! Ang paraffin wax ay masama sa ating kalusugan.

Ang pangalawang dapat isipin ay ang safety sa paggamit ng kandila. Siguraduhing safe para makaiwas sa mga hindi inaasahang peligro ng sunog.

Pangatlo, siguraduhin maganda ang sirkulasyon ng hangin sa lugar na kung saan ay gagamit ka ng kandila. Kung ang lugar mo ay makipot at kulob, marapating gumamit nalang ng ibang paraan kagaya ng spray bottle diffuser.

paraan ng pagdiffuse ng essential oil gamit ang burner o tea light

4. Spray bottle essential oil diffuser– ang pag-diffuse naman ng essential oil gamit ang spray bottle ay isa ring mainam na paraan. Maaari mo itong gawin para gamiting bilang linen spray o air freshener. Maari kang gumawa ng air freshener sa banyo o kuarto sa amoy na gusto mo gamit ang mga essential oils.

Linen spray na gawa sa fragrance oil at essential oil
Panoorin ang YOUTUBE Video

Paraan ng pagdiffuse ng essential oil. Pwedeng gawing airfreshener

5. Diffuser accessories– ang mga diffuser accessories naman ay kagaya ng kwintas, bracelet na maaaring gawing essential oil diffuser. Meron itong compartment na kung saan ay maaari mong patakan ng essential oil.

Diffuser accessories isang paraan ng paggamit ng essential oil

6. Essential oil Reed diffuser– isa ring magandang diffuser ang reed sticks. Di lang ito magandang paraan ng pagdi-diffuse, maganda rin itong dekorasyon sa loob ng bahay.

Mga paraan ng pag diffuse ng essential oil

7. Bathtub essential oil diffuser– ang bathtub naman ay magandang paraan ng pagdi-diffuse para sa mga taong meron nito. Sa paggamit ng essential oil sa tub, makakapagrelax ka sa iyong paliligo.

Bathtub bilang essential oil diffuser
Photo credited to: PIXABAY

Pero maaari paring gumamit ng essential oil sa pagligo ang mga taong wala nito. Ang paggamit ng body scrubs na may essential oil ay isang magandang alternatibo.

8. Cotton ball o Tissue essential oil diffuser– ang paglagay naman ng essential oil sa cotton ball o sa rolyo ng toilet tissue ay isang simpleng paraan ng diffuser.

Ang cotton ball ay maaaring gawin para ilagay sa mga cabinet o mga drawers. Isa itong simple pero epektibo at natural na paraan para mapabango ang mga lugar na kadalasan ay nangangamoy amag.

Sa tissue naman, patakan ng essential oil ang matigas na parte nito. Isa itong dagdag sa mga paraan ng pagpapabango ng ating kubeta o banyo.

Paraan kung paano i-diffuse ang essential oil sa cotton at tissue
Paraan kung paano gamitin ang tissue bilang essential oil diffuser

9. Baking soda essential oil diffuser– sa paggamit palang ng baking soda ay meron ng benepisyong makukuha dito. At ang benepisyong yan ay madadagdagan pa kung lalagyan mo pa ito ng essential oil.

Maaari mo ring lagyan ng accessories kagaya ng ribbon, mesh cloth ang sisidlan na iyong gagamitin. Para hindi lang pampabango o pangtanggal ng amoy, magmumukha rin itong dekorasyon sa iyong bahay.

Paggamit ng baking soda bilang essential oil diffuser
dav

10. DIY Potpourrimaaari ka ring gumawa ng potpourri mula sa mga tuyong dahon, bulaklak, kahoy, balat o buto ng prutas, iba’t ibang uri ng Spices & Herbs, patak ng essential oil na gusto mo.

Paggamit ng essential oil sa paggawa ng potpourri

11. Direktang pag-amoy sa bote– ang direktang pag-amoy sa bote ay ang pinaka convenient na paraan ng pag-diffuse ng essential oil. Kahit nasaan ka pa at kahit na anong oras, maaari mo itong gawin.

Kung ang paglanghap ng purong essential oil ay masyadong matapang para sa iyo, maaaring magdilute ng essential oil. Para maaari mo ring ipahid sa iyong kamay at sa kamay mo langhapin ang amoy nito. Pero kinakailangan na diluted ito ng carrier oil.

Direktang pagamoy sa bote ng essential oil ay isang paraan ng diffuser

Maaring maraming nag-iisip na ang essential oil ay mahal. Pero sa dami ba naman ng maaari mong pang gagamitan at benepisyo nito, sulit ang ibabayad mo sa maliit na botelya ng mga langis na ito. Basta huwag bumili ng fake na essential oil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *