April 22, 2024
Paano mo makikita na fake ang nabili mong essential oil

Paano mo malalaman na FAKE ang Essential Oil

Sharing is Caring

Bago ka gumamit ng essential oil, marami ka munang dapat gawin. Una, alamin kung ano ang essential oil at paraan ng paggamit dito. Pangalawa, ano ang mga benepisyo ng essential oil. Pangatlo, alamin kung meron ka nitong allergy sa pamamagitan ng patch test. Pang-apat, alamin ang mga gabay sa paggamit ng essential oil. At panglima, alamin kung paano mo malalaman na fake ang essential oil na binebenta o nabili mo.

Ang essential oil ay may mga benepisyo sa kalusugan. Kaya useless kung ang gagamitin mo ay fake na gawa sa mga synthetic na sangkap.

Paano mo makikita na fake ang nabili mong essential oil
Health is wealth, huwag bumili ng FAKE

Maraming mga nagbebenta na nagsasabing ”authentic” daw ang kanilang produkto. Sa online stores palang ay malulula ka na sa dami at tempting pa dahil pababaan sila sa presyo. Kaya bago masayang ang pera at panahon, basahin ang tips kung paano mo malalaman na fake ang essential oil na nabili mo o binebenta sayo.

Paano mo malalaman na fake ang essential oil?

Supplier

Maghanap muna ng mga supplier o nagbebenta nito at ikumpara ang isa’t isa. Kung gaano na katagal na nagbebenta at tignan ang reputasyon sa mga consumers. Kailangan na maalam rin ang supplier mo sa binebenta nitong produkto.

Presyo

Ang presyo ng essential oil ay isa ring batayan para malaman kung authentic o fake ang essential oil. Halimbawa, kung titignan mo ang rose essential oil sa shopee at lazada, ang presyo ng 10ml ng rose essential oil ay nasa 100php-200php lamang. Ang produktong yan ay isa lang sa dalawa:

FAKE PEKE – minarkahang ¨essential oil¨

  1. May halo– ito ay maaaring essential oil na hinaluan ng carrier oil. Maaaring ang 10ml na sinasabing rose essential oil ay 9.98 grams ng carrier oil at isang patak ng totoong rose essential oil. Kung may halo itong langis o fixed oil, malalaman mo itong peke sa consistency. Dahil hindi porket sinabing essential oil ay ibig sabihin na parang vegetable oil ang texture o ang pandama nito.
  2. Fragrance oil– maraming mga seller ang nagbebenta ng ¨essential oil¨ kuno pero fragrance oil pala ito.

Ang presyong 100 pesos na rose essential oil daw ay hindi RESONABLE- masyadong MURA. Dahil ang rose essential oil ay isa sa mga mahal na langis. Mangangailangan ka ng tone toneladang rosas para makakuha ng 1 kilong langis.

Amber glass bottle ang sisidlan ng hindi fake na essential oil

Bote

Malalaman na ”fake” ang essential oil sa sisidlan nito. Ang authentic na essential oil ay dapat na nasa:

a. Babasagin na bote– ang essential oil ay may lakas na tunawin ang plastik sa katagalan ng panahon. Kaya kung ang binebenta ay nasa isang plastik na sisidlan- FAKE YAN!

b. May kulay ang bote– kadalasan ang essential oil ay nasa bote na brown o amber na bote. May makikita ka ring minsan na nasa blue at green na bote. Ang essential oil ay kinakailangan na nasa isang de color na bote para maprotektahan ito mula sa mga sinag o aninag ng ilaw.

diylangyan tips

Orifice reducer

Ang bunganga ng bote ng Essential Oil ay dapat merong orifice reducer. Ang orifice reducer ay parang proteksyon sa langis para maiwasan ang exposure nito sa hangin. Bukod diyan, ito ay paniguradong kontrolado ang patak at hindi masayang.

Ang orifice reducer o stopper sa bote ng essential oil

Label

Pagtuunan ng pansin ang label ng bote at ng karton nito (kung meron). Ang kailangan na nakalabel dito ay ang:

a. Scientific name

b. Origin

c. Ingredients

d. Direction/Precaution

Iyan ang mga importanteng impormasyon na kinakailangan na nakasulat sa bote. Ang scientific name ng halaman, saan nagmula ito (Bansa), ang ingredients ay dapat isa lang- rose kung ang binebenta ay rose essential oil, paano gamitin, saan gagamitin at mga BAWAL.

Ang mga ibang impormasyon na maaaring makita ay ang Method of Extraction at Parts of plants used.

Meron ding mga producer na naglalagay ng leaflet sa kanilang produkto. Ang mga nakasulat dito ay mas komprehensibong impormasyon ng essential oil at ng paraan ng paggamit dito.

Essential oil Vs Fragrance oil

Maraming naguguluhan sa markang ”essential oil” at ”fragrance oil”. Ang 2 yan ay magkaiba! Kung ang hanap mo ay essential oil, bilhin ang essential oil at hindi ang fragrance oil. Ang fragrance oil ay synthetic ang amoy, ibig sabihin ang amoy ng rose o jasmine o ano pa man ay gawa sa kemikal.

Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *