April 22, 2024
Ibat ibang uri ng Fragrance oil na ginagamit sa paggawa ng cosmetics o pabango

Ano ang Fragrance Oil

Sharing is Caring

Ang Fragrance oil ay kaiba sa essential oil. Kung ang mga essential oils ay mula sa mga iba’t ibang uri ng mga halaman, ang fragrance oil naman ay gawa sa iba’t ibang uri ng chemical. Sa madaling sabi, ito ay artificially o synthetically made.

May mga dahilan kung bakit gumagawa ng fragrance oil.

  1. Para gayahin ang amoy ng isang partikular na amoy ng essential oil.
  2. Para gumawa ng amoy ng mga pagkain, bagay, halaman, inumin na hindi maaaring makuha sa natural na paraan. Halimbawa nito ay ang green tea, honey, strawberry at iba pa.
  3. Malayong mas mura ang fragrance oil sa essential oil. Sa mga industriya ng cosmetics, ang paggamit ng fragrance oil ay minus gastos at tubong LUGAW sa kanila. Dahil kung essential oil nga naman ang gagamitin, konti nalang ang matutubo nila. Kaya karaniwang sa mga essential oil na ginagawa artificially at tinatawag na fragrance oil ay ang mga rose essential oil, violet essential oil, agarwood essential, sandalwood essential oil, champaca essential oil at iba pang essential oils na pricey.
  4. Animal rights- ang musk ay mula sa hayop. Isa sa pinagkukunan nito ay mula sa ¨usa¨ o deer. Kailangang munang katayin ang hayop para sa paggawa ng musk. Bilang proteksyon sa karapatan ng mga hayop, ginawa ng ilegal ang paggamit ng natural na musk.

Iba’t ibang uri ng FRAGRANCE OIL

Halos lahat ng essential oils ay meron ng synthetic version lalong lao na yung mga ginagamit sa paggawa ng perfume.

Para naman sa mga fragrance oil na sadyang ginawa para makagawa ng kahalintulad ng mga pagkain, inumin o partikular na bagay;

Aloe vera

Apple

Banana

Berries ( iba’t ibang uri )

Cake ( iba’t ibang uri ng amoy)

Candy

Cherry

Chocolate

Coconut

Coffee

Cucumber

Green tea

Honey

Mango

Peach

Pineapple

Rhum

Sugar

Vanilla

Iilan lang yan sa mga fragrance oil na maaaring mabili.

Meron ka ring makikitang fragrance oil na ginagaya ang mga amoy ng mga sikat na brand ng pabango.

Saan ginagamit ang FRAGRANCE OIL

Ang fragrance oil ay ginagamit sa paggawa ng mga;

  1. Perfume o pabango- ang fragrance oil ay ginagamit sa paggawa ng pabango.
  2. Make up o cosmetics- ginagamit din ito sa cosmetics para bigyan ng scent ang produkto.
  3. Sabon, Shampoo, Conditioner- sa mga gamit sa pagligo, importante na may fragrance o amoy ang produkto.
  4. Lotion, Cream, Moisturizer
  5. Home freshener at household cleaning products- kagaya ng toilet spray, poopourri spray, linen spray, fabric conditioner at iba pang mga produkto.
  6. Lipstick o lip balm- siguraduhin lamang na safe ito na gamitin sa labi.

Ang fragrance oil ay hindi ginagamit sa aromatherapy o massage therapy. Ang fragrance oil ay walang medicinal properties para gamitin sa aromatherapy. Kung aromatherapy o massage therapy ang habol mo, gumamit lamang ng authentic at hindi fake na essential oil.

At kung gagamit ng fragrance oil, siguraduhin parin na wala kang allergy sa produkto. Importante na magsagawa ng patch test para makita na wala kang allegic reaction lalo na sa mga taong may mga sensitibong balat.

Mga DIY na produkto na ginamitan ko ng Fragrance oils:

  1. Poopourri sray– gumamit ako dito ng strawberry fragrance oil.
  2. Linen spray– maaari ring gumamit ng fragrance oil sa paggawa ng linen spray o spray ng mga kobre kama para mapanatiling mabango ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *