April 22, 2024
Pabango o perfume na gawa sa bahay gamit ang essential oils at fragrance oils

Paano gumawa ng Perfume o Pabango sa Bahay

Sharing is Caring

Ang paggawa ng perfume o pabango sa bahay ay isa sa mga DIY’s na exciting gawin pero challenging. Exciting kasi naprapractice mo ang creativity mo. Challenging naman dahil minsan ay mahirap gumawa ng combinations ng mga essential oils o fragrance oils para makuha ang ¨scent¨ na gusto mo.

Karamihan sa ating mga Filipino ay mahilig sa pabango. Merong ginagamit sa araw araw at meron ding ginagamit sa espesyal na okasyon. May mga sikat na pabango o common na pabango na minsan nagiging kaamoy mo na ang ibang tao.

Para sa mga taong gustong maging unique o gustong maging kakaiba, maaaring gumawa ng iyong signature scent. Sa mundo na ating ginagalawan na madali nalang nating mahanap ang mga bagay-bagay dahil sa internet, ang pagiging unique sa ating mga cosmetics ay hindi na imposible.

Imbes na bumili ng mga mumurahing perfume, gumawa ka nalang ng sarili mong pabango. Madali lang, promise.

Bago tayo mapunta sa paggawa ng perfume gamit ang essential oils, fragrance oils at spices & herbs, pagusapan muna natin ang iba’t ibang uri ng perfume.

Iba’t ibang uri ng PERFUME

Ang perfume o pabango ay may limang uri. Ang pagkakaiba nila ay ang lakas ng ¨scent¨ na ginamit dito.

  1. PARFUM- ang parfum ay ang pinakadami o lakas ng concentration ng essential oils o fragrance oils. Ito rin ang pinakamahal sa iba’t ibang uri ng perfume. Dahil sa mas concentrated ito, ang amoy nito ay tatagal ng 8-12 na oras. Ang concentration ng gagamiting essential oil o fragrance oil ay nasa 15-30 percent.
  2. EAU DE PARFUM- ito naman ay nasa 8-15 percent ang concentration at ang amoy ay tumatagal ng 6-8 oras. Mas mura ito sa parfum.
  3. EAU DE TOILETTE- ang concentration naman ng eau de toilette ay less sa concentration ng eau de parfum. Ito ay nasa 4-8 percent lamang. Ito yung klase ng pabango na ginagamit araw araw kagaya ng eau de cologne.
  4. EAU DE COLOGNE- ang eau de cologne ay nasa 2-5 percent lamang at ito ay tumatagal ng 2-3 oras.
  5. EAU DE FRAICHE/MIST/AFTER SHAVE- ito ang klase ng perfume ang may pinaka konting concentration ng essential oils o fragrance oils dahil ito ay nasa 1-3 percent ( up to 5 ) lamang. Ito ay tatagal ng 1-2 hours lamang.

Mga Ingredients o Sangkap sa Paggawa ng Perfume

Sa paggawa ng perfume meron mga sangkap na ¨MUST HAVE¨, hindi pwedeng mawala. Kumbaga sa adobo, bawang at toyo ito.

  1. Fragrance oil o Essential oil– obviously, itong dalawang ito ang magbibigay ng amoy sa perfume na gagawin mo.

2. Water o hydrosol- kailangan dito ay demineralized o boiled water. Maaari ring gumamit ng hydrosol bilang substitute o kasama ng tubig sa paggawa ng pabango.

Mga iba't ibang uri ng hydrosol o floral water na ginagawa sa paggawa ng hair and skin care products

3. Alcohol- ang pinakamagandang gamitin ay perfumer’s alcohol o cosmetic alcohol o yung deodorized na ethyl alcohol. Kung walang makita, maaari rin namang gumamit ng alak na transparent at hindi masyadong malakas ang amoy. Nung nag umpisa akong gumawa ng sarili kong perfume, vodka ang ginamit ko.

4. Langis- ang langis naman ay kakailanganin mo kung gusto mo na gumawa ng oil based na perfume.

Ang mga benepisyo ng carrier oil o fixed oill sa kalusugan

Spices & herbs– maaari ring gumamit ng mga spices & herbs na aromatic.

Iba't ibang uri ng pampalasa na gamit sa lunas ng sakit sa ulo.

Fixative, Solubilizer at iba pang kemikal- ang Dipropylene glycol / Propylene glycol / Coco caprylate/ Polysorbate 20/ Dimethicone at iba pa ay mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng perfume as solubilizer at para tumagal ang amoy sa balat.

Ang ESSENTIAL OIL at FRAGRANCE OIL sa paggawa ng PERFUME

Sa paggawa ng pabango sa bahay, kailangan mo ng essential oils o fragrance oils. Ico-combine mo ngayon ito para makagawa ka ng amoy. Sa paggawa ng perfume, maaaring pure na essential oil o pure na fragrance oil o pwedeng combination ng mga ito.

Ang mga scent na gagamitin ( essential oil o fragrance oil) ay may kanya kanyang NOTES. Meron tayong tinatawag na TOP NOTE, MIDDLE NOTE, at BASE NOTE.

Halimbawa

TOP NOTE– ang top note ay ang amoy na una mong maaamoy sa isang pabango. Ito ay tatagal ng ilang minuto. Ang mga halimbawa ng mga essential oils na nasa top note ay ang mga;

Carnation

Cinnamon

Clary sage

Hyssop ( also middle note)

Lemon

Nutmeg

Orange

Peppermint

Tea tree

Ylang-ylang ( also middle note)

MIDDLE NOTE– ang middle note naman ay tinatawag ring ¨heart note¨ ay tatagal ng mga ilang oras. Pag nawala na ang amoy ng top note, ito naman ang susunod na maaamoy ng ating ilong. Ang mga halimbawa ng heart notes or middle notes ay ang mga;

Angelica

Cardamom

Geranium

Lavender

Palmarosa

Patchouli ( also base note )

Pine

Rosemary

Violet

BASE NOTES– ang base note naman ay ang pundasyon ng iyong nagawang perfume. Pag nawala na ang amoy ng heart note, ito na ang mangingibabaw. Halimbawa ng mga base notes ay ang mga;

Benzoin

Cedarwood

Clove

Ginger

Musk

Vanilla

Pag pinagsama sama ang mga iba’t ibang uri ng NOTES, makakagawa ka ng tinatawag ng perfumery na –

ACCORD

Paano mag-blend ng NOTES para makagawa ng ACCORD

Ang pag ble-blend ng mga langis ay simple lang, pumili ng 3 klase ng notes, tig isang patak sa isang perfume testing strip o kahit sa tissue.

Amuyin

Pero hindi pa yan ang talagang amoy ng nablend mong NOTES. Pero at least meron ka ng idea kung anong magiging amoy nito.

Marami rami na rin akong nabasang libro sa paggawa ng perfume. Actually, kung sa basic rule rin lang ng blending, iba iba ang mga prinsipyo nila. Merong author na ang formula ay, 40%, 40%, 20% (T-M-B), Meron naman 30%, 40%, 40% (T-M-B). Meron ding 30%, 50%, 20% (T-M-B).

Noong nag uumpisa akong gumawa ng sarili kong pabango, sinusundan ko ang iba’t ibang patakaran ng perfumers. Pero along the way, maiisipan mong mag try ng sarili mong diskarte.

Pero itong recipe ng paggawa ng perfume sa bahay ay ibi- base ko sa mga standard formulation. Mga basic steps sa paggawa ng pabango.

Paano gumawa ng perfume o pabango sa bahay

3 BASIC PARFUM RECIPE

Meron akong 3 recipe ng perfume na gawa sa bahay, ito ay maaari nyo ring panoorin ang video demonstration nito.

Mga Sangkap at Sukat ng 10 grams Parfum sa bahay: 30% concentration

Essential oil o Fragrance oil- 3 grams

Alcohol- 5 grams

Water- 2 grams

  1. Her parfum

Lemon essential oil– 0.9 grams

Rose essential oil– 1.5 grams

Vanilla- 0.6 grams

Hirap ako mag explain ng amoy. Sana pwede nang explanation ang katagang ¨basta, mabango siya¨, pero hindi pwede. Pero try ko.

Ang amoy nito ay powdery. Feminine ang scent niya. Medyo may pagkasosyalin. 3 sangkap meron ka ng bonggang parfum 🙂

2. Garden of love parfum

Violet fragrance oil- 2 grams

Benzoe siam resinoid- 1 gram

Dito naman ay gumamit lang ako ng middle note at base note dahil gusto kong malaman kung anong kakalabasan kung nag skipped ako ng 1 note. Fortunately, napakabango naman ng amoy na kinalabasan nito. Floral yung amoy na may powder smell.

BENZOE SIAM RESINOID- ito ay isang sangkap na sticky. Kaya ang ginawa ko, nilagay ko muna sa hot water bath para madilute ang benzoe.

3. Bubblegum parfum

Tobacco leaf fragrance oil- 0.9 gram

Peppermint essential oil- 1.5 grams

Cedarwood essential oil– 0.6 gram

Ito naman ay parang bubblegum ang amoy, pero mas appropriate itong amoy para sa pabango ng lalake. Refreshing ang amoy, magandang gamiting pang araw araw.

PARAAN NG PAGGAWA NG PERFUME O PABANGO

Sukatin ang mga essential oils sa isang bote o beaker. Haluin itong mabuti. Ilagay ang alcohol at tubig. Haluing mabuti. Ilipat ang mixture sa isang bote. Gumamit ng de color na bote para hindi masinagan ng ilaw o araw ang ginagawang pabango. Itabi ito sa madilim na lugar.

Alugin ito araw araw sa loob ng hindi bababa ng 2 linggo para mag mature ang pabango. Pag nag mature na ito, ilipat sa isang perfume bottle.

Mga karaniwang mababasa mo online tungkol sa paggawa ng DIY pabango

  1. Unahin muna ang base note- pwede mo naman gawing yan pero ako hindi ako naniniwala na importante yan sa proseso ng paggawa ng pabango at hindi yan makakatulong sa structure ng amoy na gusto mong gawin.
  2. MUST FOLLOW ang concentration- hindi kailangan i follow ang concentration ng notes kagaya ng percentage na 50,30,20, etc. Gamitin mo ang pang amoy mo at kung ano ang mas gusto mong i-emphasize- dun ka.

Formula sa Paggawa ng Perfume

Iba’t ibang uri ng perfume, iba iba rin ang percentage ng concentration nila. Gawin nating example ang ginawa kong parfum na may 30 % concentration.

Pag magka calculate ng formula, laging magumpisa sa percentage (100%) muna.

Example:

Meron akong 3 klase ng sangkap; essential oils, alcohol, water. Sa mga sangkap na yan ay idi-distribute ko ang 100 percent. Since 30 percent ang concentration ko sa essential oil (Fragrance oil), meron pa akong natirang 70 percent. Gagawin kong 50 % sa alcohol at 20 % sa water naman. Total na sila ng 100 percent.

GAWA TAYO NG 10 GRAMS PRODUKTO

Mula diyan, convert naman natin sila sa sukat na gagamitin ko. Huwag magpakamartir sa pagkuha ng percentage, gamitin ang calculator ng smart phone at pindutin;

  1. 30-%-10= 3 (press 30 then % then 10 and = )
  2. 50-%-10= 5
  3. 20-%-10= 2

Dahil sa more than 1 ang sangkap natin sa oil o fragrance na gagamitin, siempre kailangan mo paring i calculate yan.

Mag decide ka kung anong concentration ang gagawin mo sa BASE, MIDDLE, HEART.

Halimbawa: Base note is 20%, Middle note is 50% at Top note is 30 %.

Kunin mo ulit ang smart phone- 20- %- 3 =

Pero kung meron 2-3 fragrance sa isang note, i allocate mo nalang yung amount ng sukat sa 3. Again, depende yan sa pang amoy mo.

Bakit importante ang Maturation process sa paggawa ng PERFUME

Importante na gawing mature ang ginagawang perfume. At least 2 weeks ang pagburo ko dito, minsan 4 weeks pa. Sa prosesong ito mas tatagal ang amoy ng perfume at talagang magble blend ang mga ginamit na sangkap. At siempre kasama rin ang pag alog nito araw araw.

Kung during the maturation process ng ginagawang perfume ay parang ayaw mo yung amoy, maaari mo itong imodify. Maaaring dagdagan ng essential oil o fragrance oil na gusto mo. Patak patak lang muna at huwag ring kalimutang ilista ito. Para kung gusto mo at bumagay sayo ang amoy, magagawa mo ulit ang formula ng ginawa mong perfume sa bahay.

Paano gumawa ng Oil-Based PERFUME

Pagdating naman sa oil-based perfume, mas madali ang maturation process nito.

MGA SANGKAP

  1. Jojoba oil- 7g
  2. Essential oils- vanilla 0.9g, Rose de mai 1.5g, lemon 0.6g

PARAAN NG PAGGAWA NG OIL-BASED PERFUME

Ilagay sa brown bottle ang essential oil. Takpan at alugin. Itabi ito para mag mature at alugin araw araw. Pagkatapos ng maturation period, ilagay na ang 7g na jojoba oil. Meron ka ng OIL-BASED PERFUME 🙂

Ang video demonstration ng paggawa ng oil-based perfume ay maaari ring panoorin sa DIYlangyan Youtube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *