April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng cedarwood essential oil na nasa brown bottle

Benepisyo ng Cedarwood Essential Oil

Sharing is Caring

SAKIT SA ULO AT ANG BAHO!!! Yan ang naramdaman at first impression ko nung una kong inamoy ang cedarwood essential oil. Yung first bottle ko, talagang pinagamit ko ng pinagamit sa iba para lang maubos agad at mawala sa aking precious box 😀 Hindi ko man ma appreciate ang amoy nito, aminado ako na marami itong gamit at benepisyo. Nasobrahan lang siguro ako ng singhot noong dumating ang una kong bote ng langis.

Kung sa spiritual o magical use na usapan, sabi nila, kung ang essential oil ay parang nagbibigay sayo ng negatibong epekto, kagaya ng sakit ng ulo, ito raw ang essential oil na dapat kang mag focus. Dahil cleansing ito kung paguusapan ang spirituality.

Pero noong tumagal naman, naging OK na. Sa katunayan, siguro naka 4 o 5 bote na ako nito.

Ang cedarwood essential oil ay mula sa puno ng cedar ( cedar tree ). Ang ginagamit dito para makuha ang langis ay ang outer bark ng kahoy. May 3 proseso ang sinasabing maaaring gamitin sa extraction ng essential oil, ang steam distillation, cold pressing at carbon dioxide distillation. Maraming bansa ang napro-produce ng cedarwood essential oil. Maaaring makabili ka ng mula sa America, India, France, Africa.

Iba’t ibang uri ng paggamit ng Cedarwood essential oil

  1. Skin & Hair
  2. Perfume
  3. natural na lunas
  4. Aromatherapy

Benepisyo ng Cedarwood essential oil sa Balat at Buhok

Benepisyo ng cedarwood essential oil sa Balat o Kutis

Ang cedarwood ay may anti-bacterial, anti-fungal at anti inflammatory properties. Makakatulong ito sa balat na may inflammation, irritation, pamumula, pangangati at body odor.

Kung ang balat mo naman ay oily o dry, ang cedarwood essential oil ay makakatulong sa regulation ng sebum production.

Kung wrinkles, dark spots o hyperpigmentation naman ang problema, maaaring gamitin ang cedarwood essential oil para mabawasan ang pagkulubot ng balat at pangingitim nito.

Benepisyo ng cedarwood essential oil sa Buhok

Para sa mga taong may problema sa paglalagas ng buhok, magagamit mo ang cedarwood essential oil bilang natural na lunas. Makakatulong ito sa sirkulasyon ng inyong anit, mapapatibay nito ang hair follicles para ma-stimulate muli ang pagtubo.

Ang mga dahilan ng paglagas ng buhok at pagkakalbo

Benepisyo ng Cedarwood essential oil sa paggawa ng perfume

Sa paggawa ng perfume o pabango, ang cedarwood essential oil ay ang langis na masasabi kong langis na madaling gamitin kung gagawa ng pabango ng mga lalake. Ito ay kadalasang ginagamit bilang base note. Meron itong woody aroma o scent.

Mga DIY perfume gamit ang essential oils at spices & herbs.

Benepisyo ng Cedarwood essential oil bilang natural na lunas

Ang cedarwood essential oil ay natural na antiseptic. Tradisyonal itong ginagamit sa sugat para maiwasan ang impeksyon.

Dahil sa malakas nitong anti-inflammatory compounds, sa ginawang pagaaral, ang cedarwood essential oil ay ginagamit para natural na lunasan o ibsan ang pananakit ng joints o muscles.

Benepisyo ng Cedarwood essential oil sa Aromatherapy

Sa aromatherapy, ang cedarwood essential oil ay common na ginagamit bilang stress reliever dahil ito ay may calming benefit. Maganda rin itong haluan ng lavender essential oil na isa ring may calming benefit.

Ultrasonic essential oil diffuser

Gabay sa paggamit ng Cedarwood essential oil

INCI– Cedrus atlantica wood

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Solubility– alcohol & oil

Perfume noteNOTES: base o bottom

Color & texture– yellowish

Ginagamit sa– skin & hair, paggawa ng pabango, natural na lunas, aromatherapy

Benepisyo

Protective measures / Contraindication– patch o skin test, huwag gagamiting puro, huwag gumamit kung buntis at sa mga bata.

Storage– colored bottle at hindi nasisinagan ng araw o ilaw.

Paano gamitin ang cedarwood essential oil sa balat

Kung gagamitin ang cedarwood essential oil sa balat, ang pinaka simpleng paraan ng paggamit nito ay ang paghahalo ng langis sa inyong skin care products.

Magpatak ng 1-3 cedarwood oil sa 10g ng inyong cream, lotion o moisturizer.

Kung gagawa naman ng sarili ninyong skin care products sa bahay, gamitin lamang itong 1 sa inyong mga sangkap.

Ang isang madaling gawin ay ang paggawa ng face oil. Pumili ng gusto ninyong carrier oil. Magandang gamitin ang mga langis na madaling ma-absorb ng balat kagaya ng jojoba oil, evening primrose oil, o sunflower oil. Lagyan ng 10g ng langis ang brown bottle at patakan ng 1-3 ng cedarwood essential oil. Takpan at alugin.

Ibat ibang uri ng carrier oils at benepisyo at gamit nito.

Paano gamitin ang cedarwood essential oil sa buhok

Maaari ninyong ihalo ang langis sa gagamiting shampoo. Pwede ring gumawa ng hair serum. Pumili ng langis na maganda sa pagpapatibay ng buhok kagaya ng castor oil. Lagyan ng cedarwood oil. I-apply ito sa anit, imasahe at pabayaan magdamag. Paliguan kinabukasan.

Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.

Paano gamitin ang cedarwood essential oil sa aromatherapy

I-diffuse ang langis. Maraming paraan na maaaring gamitin sa pag diffuse ng essential oil. Maganda ring gumawa ng massage oil, balm o salve dahil sa malakas ang anti-inflammatory compound nito.

Maaaring magdagdag ng ibang essential oil na maaaring gamitin sa pananakit ng katawan o kasukasuan kagaya ng rosemary essential oil, eucalyptus essential oil, oregano essential oil, peppermint essential oil.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *