April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng tea tree essential oil sa kalusugan, balat o kutis at buhok

Gamit at Benepisyo ng Tea Tree Essential Oil sa Buhok at Balat

Sharing is Caring

Ang halamang tea tree ay native ng bansang Australia. Ang mga native australians daw ay ginamit ang tsaa ng dahon ng tea tree bilang medisina. Iniinom o ina-apply ang tsaa o dahon sa balat para gamiting natural na lunas sa mga sakit sa balat. Ang dahon ng tea tree ay maaaring inumin pero hindi ang essential oil nito dahil toxic daw ito pag nainom.

Maraming mga DIY ang ginagawa gamit ang tea tree essential oil. Halimbawa ay ang paggamit nito bilang mouthwash, sakit sa ngipin, inflammed na giligid o gingivitis. Tapos sasabihin na careful not to ingest, kasi toxic ang tea tree pag nalunok o nainom.

Isa na namang bagay na peligroso sa kalusugan.

Paano kung nainom mo nga? Walang kasiguraduhan kaya huwag nalang gamitin. Totoong maraming gamit at benepisyo ang tea tree essential oil. Pero huwag namang gamitin ito sa loob ng bunganga, loob ng ilong o sa malapit sa mata.

Maraming mga gamit at benepisyo ang tea tree essential oil sa buhok at balat. Sa antifungal, antibacterial, astringent properties nito, magagamit mo ito sa iyong skin & hair care. Pag gagawa ng skin and hair care products o gagawa ng pabango sa bahay, maaari mo itong isama sa ingredients ng formula mo.

Gamit at benepisyo ng Tea Tree essential oil sa Buhok at Anit

Ang tea tree essential oil ay maaaring gamitin sa buhok at anit kung ang problema ay pagkakaroon ng;

1.Kuto– para natural na pukasin ang kuto sa ulo mag-apply ng tea tree essential oil dito. Mag dilute ng 20ml na carrier oil at lagyan ng 10-15 drops ng essential oil. I apply ito sa anit at sa hibla ng buhok. Pabayaan overnight at paliguan kinabukasan.

Gawin ito 2 beses sa isang linggo. At once a month bilang maintenance.

2.Dandruff at pangangati ng Anit– ang tea tree essential oil ay isa sa mga essential oils na maaaring gamiting lunas kung may dandruff o balakubak. I-apply sa anit ang diluted na tea tree essential oil. Pabayaan ng hindi bababa ng 30 minutes at paliguan.

3. Oily hair– para sa oily hair, ihalo lang ito sa shampoo ( o hair conditioner ) kung maliligo. Pabayaan ng ilang minuto at banlawan. Maaari rin na gamiting hair rinse sa panghuling banlaw.

Gamit at benepisyo ng Tea Tree Essential Oil sa Balat o Kutis

1.Tigyawat– mag-apply ng diluted na essential oil at gamitin itong spot treatment sa mga tigyawat. Gumamit ng langis na nourishing sa inyong balat at hiyang sa iyong balat. Gamitin itong spot treatment.

2.Had-had, Alipunga at Nail fungus– gamitin ang diluted na essential oil sa parte ng katawan na may had-had, alipunga o nail fungus.

3. Oily skin– kung sa oily skin, maaari mo itong ihalo sa iyong face wash o face cleanser. Patakan lamang ng 1-2 drops ng tea tree essential oil. Maaaring gumawa ng sarili mong face wash at gamitin ang tea tree essential oil sa recipe.

4. Warts– gumamit ng diluted na langis at i-apply ito sa balat. Maaari ring magdagdag ng iba pang essential oil na may antiviral properties. Gamitin itong spot treatment.

5. Insect repellant– kagaya ng citronella essential oil, ang tea tree essential oil ay maaari ring gawing insect repellant.

6. Body odor– isa rin itong epektibong natural na lunas sa body odor dahil meron itong anti bacterial properties. Sa mga pusod, kili kili, folds ng mga bilbil na nangangamoy, maaaring ito ang sagot sa problema. Maaari kang gumawa ng deodorant, under arm spray, at antiperspirant sa bahay gamit ang tea tree essential oil.

Maaaring gumawa ng tea tree essential oil serum na maaari ninyong gamitin sa mga nabanggit na problema sa balat o kutis. Sa video na aking ginawa, gumamit ako ng 5ml na jojoba oil at 6 drops ng tea tree essential oil. Kung baguhan sa paggamit ng tea tree essential oil, maaaring gumamit muna ng 2-3 patak sa paggawa ng tea tree essential oil all around skin oil serum.

Iba pang gamit at benepisyo ng Tea Tree Essential oil sa Kalusugan

Bukod sa gamit at benepisyo ng tea tree essential oil sa buhok at balat, ang langis na ito ay may gamit at benepisyo rin sa kalusugan. Sa pamamagitan ng aromatherapy, ito raw ay immunity booster. Magdiffuse ng tea tree essential oil from time to time.

Makakatulong din na natural na lunasan ang ubo, sipon, at expectorant kung may plema. Maaari kang gumawa ng DIY o homemade vaporub.

Kung may yeast infection o almoranas, maaaring makatulong ito dahil sa antimicrobial at anti-inflammatory at astringent properties nito. Mag hot sitz bath gamit ang tea tree essential oil.

Pamanhid sa almoranas gamit ang mga essential oils

Maaari ring gumawa ng pamahid sa almoranas gamit ang langis na ito at iba pang essential oils.

Pwede ring panoorin ang VIDEO.

Gabay sa paggamit ng Tea Tree Essential OIL

INCI– Melaleuca alternifolia oil

Usage rate– depende sa paraan ng paggamit

Solubility– insoluble in water

Perfume NOTE– middle note

Color & Texture– pale yellow

Ginagamit sa– aromatherapy, masahe, perfume, DIY skin and hair care products

Benepisyo– antibacterial, antifungal, antiviral, astringent

Spiritual & Magical uses– purification, new beginning

Protective measures/Contraindications– patch test, i-dilute sa carrier oil, huwag gagamitin sa lips o sa bunganga

Storage– ilayo sa sinag ng araw at ilaw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *