April 22, 2024
Paggawa ng butter buter sa bahay gamit ang iba't ibang uri ng langis, emulsifying wax, isopropyl myristate at iba pang sangkap.

Paano gumawa ng BODY BUTTER sa Bahay

Sharing is Caring

Magandang moisturizer sa balat ang body butter. Maganda itong gamitin sa parte ng katawan na kadalasang dry kagaya ng siko, paa, tuhod at iba pa. Talagang mano-nousrish ang balat sa produktong ito. Sa lahat ng skin care products, ang body butter ang pinakamadaling gawin. Mixture lang ito ng mga langis at butters kagaya ng cocoa butter, mango butter, shea butter at iba pa. Maaari mo rin itong gawin gamit ang cold process, depende sa mga sangkap na gagamitin sa paggawa.

Sa paggawa ng body butter, pumili ka ng langis na gusto mong gamitin. Piliin ang langis na magbe benepisyo ang iyong balat. Kailangan mo rin ng butter para sa consistency ng gagawing produkto. Ang unang paraan na maaaring gamitin sa paggawa ng body butter ay ang tinatawag na cold process. Hindi ka gagamit ng init.

Paano gumawa ng Body Butter gamit ang Cold process

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG BODY BUTTER SA BAHAY

  1. Shea butter- 40g
  2. Cocoa butter- 29.95g
  3. Coconut oil-15g
  4. Sweet almond oil-15g
  5. Vitamin e- 0.5g

PARAAN NG PAGGAWA NG BODY BUTTER SA BAHAY

  1. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang mixing bowl.
  2. I whip ang mga pinagsama samang sangkap gamit ang electric mixer hanggang sa makuha ang buttery na consistency.

Ready na ang DIY BODY BUTTER.

Ang disadvantages nito ay ang consistency ng produkto. Kung nasa malamig kang lugar, ang consistency ay stable. Pero kung nasa mainit kang lugar, matutunaw ang ginawang produkto. Ang isa pang disadvanatge nito ay ang greasy feel ng produkto at medyo matagal na maabsorb ng balat.

Ang susunod na recipe sa paggawa ng body butter ay sagot sa dalawang disadvantages na nabanggit. Gagamit dito ng hot process, emulsifying wax o waxes para sa stability ng produkto at isang sangkap na isopropyl myristate para madaling maabsorb ng balat ang produkto.

Paano gumawa ng Body Butter gamit ang Hot process

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG BODY BUTTER SA BAHAY

  1. Cocoa butter pellets- 26.5g
  2. Shea butter- 26.5g
  3. Waxes- Behenyl alcohol: 2g, Cetyl alcohol: 5g, Beeswax: 3g
  4. Carrier oils- Macadamia nut oil: 10.5g, Camelina oil: 15g
  5. Isopropyl myristate- 10g
  6. Essential oil- Jasmine essential oil: 0.75g, Lime essential oil: 0.25
  7. Vitamin e- 0.5g

PARAAN NG PAGGAWA NG BODY BUTTER SA BAHAY

1. Pagsamasamahin ang cocoa butter, shea butter, macadamia nut oil, camelina oil, behenyl alcohol, cetyl alcohol at beeswax. Tunawin ito sa hot water bath o direct heat.

2. Pag tunaw na ang mga sangkap, haluing mabuti at pababain ang temperatura sa 40 degrees centigrade.

3. Pag bumaba na ang temperatura, ilagay ang isopropyl myristate, vitamin e, at essential oils na jasmine at lime.

4. Haluing mabuti. Ilagay sa ref. Antaying tumigas o maging solido ang mga sangkap. Usually, 30-60 minutes ay matigas na ito at maaari ng i-whip.

5. Pag matigas na ang DIY body butter, i-whip ito gamit ang electric mixer.

READY NA ANG HOMEMADE BODY BUTTER 🙂

Mga sangkap sa paggamit ng Body butter sa bahay

1. Langis o carrier oils– gumamit ng mga langis o carrier oils na magbebenepisyo ang iyong kutis.

2. Butters– marami kang mga butters na pagpipilian. Maaaring gumamit ng isang uri lang. Ang butter sa recipe ay hindi pwedeng mawala dahil isa ito sa mga sangkap na magbibigay ng consistency & texture sa produkto.

3. Waxes at emulsifying wax– ang mga ginamit na waxes at emulsifying waxes sa produkto ay para sa consistency ng body butter. Para maiwasan na matunaw ito sa pagbabago ng temperatura lalo na kung nasa mainit kang lugar. Maaari kang gumamit ng isa lang. Marami kang pagpipilian diyan dahil maraming iba’t ibang uri ng emulsifying wax at iba’t ibang uri ng wax.

4. Isopropyl myristate– maraming benepisyo ang isopropyl myristate kaya ito ginagamit sa mga oil based products. isa dito ang absorption. Magbibigay din ito ng ¨non greasy feel¨ o yung malagkit at malangis na dama sa kutis. Pag ginamit ang isopropyl myristate, magkakaroon ng powdery feel at malambot ang pakiramdam.

5. Vitamin e– ang vitamin e ay maraming benepisyo sa balat pero ang main goal sa paggamit ng vitamin e sa paggawa ng body butter ay para patagalin ang shelf life ng produkto.

6. Essential oils– gumamit rin ng essential oils na maganda sa balat. Ang ginamit ko dito ay jasmine essential oil at lime essential oil. Ang isa sa mga benepisyo ng jasmine essential oil ay may kakayahan itong lunasan ang peklat at stretch marks. Ang isa naman sa mga benepisyo ng lime essential oil sa balat ay may kakayahan itong gawing firm ang kutis. Sa pagpili ng essential oil, pumili at gumamit ng langis ayon sa pangangailangan ng inyong kutis.

Pero kung walang essential oil, maaaring gumamit ng fragrance oil. Pero tandaan na ang fragrance oil ay walang benepisyo sa balat. Ito ay bibigyan lamang ng amoy o bango ang DIY body butter.

7. Preservative– ang preservative ay hindi na kailangang gamitin dahil walang water content na ginamit na sangkap. Ang shelf life ng body butter na ito na maaaring gawin sa bahay ay maaaring tumagal isa’t kalahating taon hanggang dalawang taon.

Marami pa kayong mga sangkap na maaaring gamitin sa paggawa ng body butter sa bahay. Maaaring magdagdag ng water ingredient o liquid ingredients, mga active ingredients kagaya ng vitamin c, collagen, urea at iba pang mga cosmetic ingredients na maganda sa balat. Maraming benepisyo ang body butter kung ikukumpara sa mga lotion o cream.

Mga benepisyo ng paggamit ng BODY BUTTER

  1. Anti-aging– ang body butter ay anti aging. Nakakatulong ito sa balat para madelay o mabawasan ang pagkulubot nito dahil sa mga sangkap na ginamit. Ang mga langis at butters na ginamit sa paggawa ng body butters ay maraming vitamin c, vitamin e at vitamin a at iba pang mga properties na maganda sa kutis.
  2. Moisturizer– epektibo rin ito sa moisturization ng balat lalo na sa may mga flaky, dry at super dry skin.
  3. Eczema at psoriasis– maganda din daw itong gamitin sa may eczema at psoriasis dahil sa anti inflammatory properties na taglay ng mga sangkap. Kaya kung magfo formulate ka ng gagawin mong body butter sa bahay, pumili ng mga sangkap na may anti inflammatory properties.
  4. Stretch marks at peklat– ang simpleng recipe sa taas ay magandang gamitin sa balat na may stretch marks o peklat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *