April 22, 2024
Mga iba't ibang uri ng wax o waxes na ginagamit sa paggawa ng herbal, skin at hair care products.

Iba’t ibang uri ng WAX sa paggawa ng DIY sa Bahay

Sharing is Caring

Maraming iba’t ibang uri ng wax ang ginagamit sa paggawa ng DIY sa bahay. Maaari kang gumawa ng cosmetics o makeup, balm, ointment, salve, pati na kandila. Ang mga waxes ay maaaring gawa mula sa halaman o hayop ( pwera ang ozokerite wax). Ginagamit ang mga wax para bigyan ng structure ang produkto, gawing solid ang liquid, gawing creamy ang liquid, i-stabilize ang produkto, bilang protection sa balat at iba pang benepisyo na makukuha ng balat mula sa mga wax.

Ang wax ay ginagamit kung ang formula mo ay pure oil o lipid o yung tinatawag na ANHYDROUS, o may konting tubig lamang o tinatawag na water in oil ( W/O ). Pero ang wax ay maaari ring isama sa mga emulsifying wax kung gagawa ng emulsion o vice versa.

Ang beeswax ay ang common o popular na uri ng wax na ginagamit sa paggawa ng balm, ointment, salve, makeup kagaya ng lipstick. Pero kung vegan ka o gusto mo mag try ng iba pang wax, marami kang pagpipilian diyan.

Iba’t ibang uri ng WAX na maaaring gamitin sa paggawa ng cosmetics sa bahay

  1. Berry wax
  2. Beeswax
  3. Candelilla wax
  4. Carnauba wax
  5. Castor wax
  6. Jasmine wax
  7. Lanolin
  8. Mimosa wax
  9. Rice bran wax
  10. Rose wax
  11. Sunflower wax
  12. Ozokerite wax

Ang mga nakalista sa taas ay meron ding iba’t ibang uri ng characteristics, kagaya ng melting point, texture, spreadability ng finished product.

BERRY WAX

Ang berry wax o tinatawag ring Japan wax ay mula sa berry ng Rhus verniciflua tree. Meron itong melting point between 48-54 degrees centigrade.

USAGE RATE- 2-30%

CANDELILLA WAX

Ang candelilla wax ay mula sa halamang candelilla na sinasabing nag originate sa northeastern Mexico. Meron itong melting point na 69-73 degrees centigrade.

USAGE RATE- 2-30%

Carnauba wax

Ang carnauba wax ay mula sa carnauba palm tree ( copernicia prunifera ). Meron itong melting point na 80-85 degrees centigrade.

USAGE RATE- 2-40%

CASTOR WAX

Ang castor wax ay mula sa ricinus communis na siya ring pinagkukunan ng langis na tinatawag na castor oil. Ito ay may melting point na 84-89 degrees centigrade.

USAGE RATE- 0.5-10%

JASMINE WAX

Ang jasmine wax ay mula sa halamang jasmine. Ito ay kasing amoy ng bulaklak nito. Ito ay may melting point na 60 degrees centigrade.

USAGE RATE- 2-30%

MIMOSA WAX

Ang mimosa flower wax ay mula sa acacia decurrens flower. Ito ay may melting point na 60-65 degrees centigrade.

USAGE RATE- 0.5-10%

RICE BRAN WAX

Ang rice bran wax naman ay mula sa rice bran oil. Ito ay may melting point na 79-88 degrees centigrade.

USAGE RATE- 1-10%

ROSE WAX

Ang rose naman ay mula sa bulaklak ng mga rosas. Meron itong melting point na 60-65 degress centigrade.

USAGE RATE- 2-30%

SUNFLOWER WAX

Ang sunflower wax ay mula sa sunflower oil. Ito ay may melting point na 74-80 degrees centigrade.

USAGE RATE- 1-20%

OZOKERITE WAX

Ito ay isang mineral wax na mula sa sandstone. Ito ay may melting point na 73-76 degrees centigrade.

USAGE RATE- 1-20%

Iilan lang yan sa mga makikita mong wax na maaari mong gamitin o mabili. Sa pagpili ng wax na gagamitin, tignan rin ang mga benepisyong maaari nitong hatid sa inyong balat. Tignan rin ang melting point ng mga ito para magkaroon ka ng idea sa stability ng isang produkto. Halimbawa, sa paggawa ng lipstick sa bahay, magandang gumamit ng uri ng wax na mataas ang melting point. Magandang gamitin ang carnauba wax, castor wax, rice bran wax at iba pang wax na 70 degrees centigrade pataas ang melting point. Kung mga balm, salve o ointment naman, since soft lang ang consistency ng mga ito, gumamit ng wax na mas mababa ang melting point.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *