February 23, 2024
Sodium lactate na maaaring gamitin hindi lang sa paggawa ng sabon pero sa iba pang hair and skin care products.

Paano gamitin ang Sodium Lactate

Sharing is Caring

Maraming gamit ang sodium lactate sa paggawa ng homemade skin and hair care products. Isa itong cosmetic ingredient na hindi kumplikado gamitin dahil maaari itong magamit sa hot or cold process. Isa itong ph stabilizer, preservative enhancer, solvent at nagpapatigas sa sabon. Maaari mong gamitin ang sodium lactate sa napakaraming skin and hair care products. Kung sa benepisyo naman ay marami din itong hatid.

May sodium lactate na cosmetic grade at may sodium lactate na maaari ring gamitin sa pagkain. Merong sodium lactate na powder at meron ding liquid.

Ayon sa wikipedia, ang sodium lactate ay ¨sodium salt of lactic acid, and has a mild saline taste.¨ Mula ito sa fermentation ng sugar na mula sa corn and beets.

Iba’t ibang gamit ng Sodium Lactate

  1. PH stabilizer– nakakatulong ito na i-stabilize ang PH o potential of hydrogen ng ginagawang DIY na produkto.
  2. Preservative enhancer– nakakatulong ang sodium lactate na lalo pang palakasin ang tungkulin ng preservative na ginamit sa produkto.
  3. Solvent o solubilizer– magagamit mo itong solvent at solubilizer ng ibang sangkap gaya ng salicylic acid.
  4. Sabon– pag gumagawa ng sabon na bar gamit ang sodium hydroxide ( NAOH ), nakakatulong ang sodium lactate sa pag unmould ng soap bar dahil mas pinapadali nito ang pagpapatigas sa sabon. Mas firm at matigas ang kalalabasan ng sabon at naiiwasan ang cracking.

Ang sodium lactate ay kasama sa iba pang parte ng Natural Moisturizing Factor ng ating balat kagaya ng hyaluronic acid, sodium pca, glycerin, sorbitol at iba pa. Mga sangkap yan na magandang gamitin kung skin care ang pag uusapan dahil sa mga benepisyong hatid.

Mga benepisyong hatid ng Sodium Lactate sa Balat o Kutis

1.Humectant– pinapanatili nitong hydrated ang balat para mapanatiling moisturized ang balat. Pinapanatili nito ang elasticity ng balat para maiwasan o mabawasan ang pagkulubot ng kutis.

2. Keratolytic effect– binabakbak ng sodium lactate ang dead skin cells para lumabas ang panibagong balat o kutis.

3. Whitening– ang sodium lactate ay may kakayahan sa pagpapaputi ng balat. Kung ihahalo mo naman ito sa AHA kagaya ng lactic acid o glycolic acid, o BHA kagaya ng salicylic acid at iba pang mga pampaputi na cosmetic ingredients, lalo nitong palalakasin ang kakayahan ng mga sangkap sa pagpapaputi ng balat.

Mga homemade personal care products na maaaring gamitan ng sodium lactate

Maraming kang maaaring gawing DIY na skin and hair care products na may sangkap na sodium lactate lalong lalo na’t ito ay para sa ¨all skin types.¨ Ang kadalasan kong paggamit ng sodium lactate ay bilang solubilizer kung gagamit ako ng salicylic acid sa isang formula. Nagagamit ko ito sa paggawa ng serum, moisturizer o cream, body wash, hair care products at iba pa.

Ang isa sa mga homemade na moisturizer na ginagawa ko ay cream na may 2% salicylic acid. Marami ding benepisyong hatid ang salicylic acid lalo na sa may acne o tigyawat at kung meron kang oily skin.

Facial mositurizer na may Sodium Lactate at Salicylic Acid

Mga sangkap sa paggawa ng moisturizer na may 2% na salicylic acid

  1. Salicylic acid powder-2g
  2. Propylene glycol- 4g
  3. Water, distilled- 63g
  4. Vegetable glycerin- 3g
  5. Xanthan gum- 0.3g
  6. Calendula oil 10g
  7. Shea butter- 3g
  8. Emulsifying wax- 6g
  9. Cetearyl alcohol
  10. Sodium lactate, 60% concentration- 3g
  11. Preservative- 1g
  12. Rose de mai essential oil- 0.5g

Paraan ng paggawa

1.Paghaluin ang salicylic acid powder at propylene glycol. Ilagay sa hot water bath para matunaw ang pulbos na salicylic acid.

Ano ang hitsura at saan ginagamit ang salicylic acid powder

2.Ihalo ang xanthan gum sa glycerin. Haluing mabuti. Pag wala ng visible na pulbos ng xanthan gum, ihalo ang mixture sa tubig. Ilagay sa hot water bath.

Gamit at benepisyo ng xanthan gum sa paggawa ng skin and hair care products sa bahay.
Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

3. Paghaluin ang Calendula oil, shea butter, emulsifying wax na montanov 68 mb at cetearyl alcohol. Tunawin ang sangkap sa hot water bath.

4. Hanguin ang mga sangkap mula sa hot water bath kapag ang water ingredients ay umabot sa 70 degrees centigrade, ang salicylic acid powder ay natunaw na at ang oil, butter and waxes ay tunaw na rin.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

5. Ihalo ang #3 sa #2 at i blend. Isunod na ihalo ang tinunaw na salicylic acid powder. I blend.

6. I blend hanggang sa mag emulsify ang mga sangkap.

Immersion blender gamit sa pag mix o paghalo ng mga DIY cosmetics.

7. Kunin ang potential of hydrogen at i adjust ito sa 4.5-5.0.

PH meter at strips na ginagamit sa pagkuha ng potential of hydrogen

8. Pag bumaba na ang temperatura sa 40 degrees, ihalo ang natitirang mga sangkap na preservative, sodium lactate, at essential oil. Muling i blend.

Mga preservatives sa paggawa ng diy cosmetics, hair care products at skin care products.
Sodium lactate na maaaring gamitin hindi lang sa paggawa ng sabon pero sa iba pang hair and skin care products.

9. Ilagay ang homemade moisturizer sa isang malinis na container.

Ready na ang moisturizer!

Mositurizer na may salicylic acid at sodium lactate para sa nay oily skin

Gamitin ang homemade moisturizer sa umaga at gabi. Huwag kalimutang gumamit ng sunblock kung maaarawan.

Ang moisturizer na ito ay pwede sa all skin types lalo na sa may oily, tigyawat at prone sa acne na balat.

Gabay sa Paggamit ng Sodium Lactate

INCI– Sodium lactate

Usage rate– 1-10%. Basahin ang label.

Solubility– water soluble at alcohol.

Color & Texture– white powder or transparent liquid.

Ginagamit sa– skin and hair care products.

Benepisyo– basahin sa taas.

Storage– tightly sealed container at iwasang masinagan ng araw at ilayo sa moisture.

Para sa mga videos, maaaring panoorin sa diylangyan youtube channel

diylangyan logo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *