April 22, 2024
Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products at herbal extracts.

Gamit at Benepisyo ng Vegetable Glycerin

Sharing is Caring

Kung gagawa ka ng sarili mong cosmetics, skin and hair care products, dapat meron kang Vegetable glycerin. Napakaraming gamit nito, halos lahat ng maaaring gawin sa bahay na DIY ay mangangailangan ng vegetable glycerin. Kung ang benepisyo naman ang usapan, ang vegetable glycerin ay marami ring hatid na benepisyo sa balat at buhok.

Madali lang gamitin ang vegetable glycerin. Maaari mo itong iproseso hot or cold. Affordable din ito at matagal ang shelf life kaya OK lang na bumili ng maramihan. At mas maganda rin kung ang mabili mong vegetable glycerine ay food grade para natural.

Kung bibili ng vegetable glycerin, basahin din ang label nito, kagaya ng kung ilang porsyento ito. Merong vegetable glycerin na 85%, 90%, 99%, etc. Ibig sabihin, hindi ito puro, ito ay may halo ng tubig. Kaya huwag magtaka bakit iba-iba ang texture o lapot nito. Kung gusto mo ng thicker o mas malapot ang consistency, bumili ng vegetable glycerin na nasa 90% pataas.

Gamit ng Vegetable Glycerin

  1. Paggawa ng makeup
  2. Paggawa ng lipgloss, liptint
  3. Paggawa ng Cream, lotion, moisturizer
  4. Paggawa ng herbal extracts o tincture- ang extracts ng halamang gamot ay maaaring gamiting sangkap sa paggawa ng skin and hair care products.
  5. Paggawa ng Face scrubs, masks
  6. Paggawa ng Toners
  7. Paggawa ng serum
  8. Paggawa ng toothpaste gamit ang activated charcoal
  9. Paggawa ng sabon
  10. Substitute ng asukal
  11. Solvent- ginagamit itong pangtunaw ng iba pang sangkap kagaya ng xanthan gum, hyaluronic acid at iba pang sangkap.

Benepisyo ng Vegetable Glycerin sa Balat at Buhok

  1. Humectant– ang glycerine ay humectant kagaya ng hyaluronic acid. Ina-attract nito ang tubig mula sa air molecules para panatilihing hydrated ang balat.
  2. Moisturizer– kadalasang nasa produkto ito ng mga skin and hair care products dahil sa moisturizing benefit ng vegetable glycerin.
  3. Preservative– ito ay may kakayahan ding ipreserve ang isang produkto.

Mga simpleng skin care products gamit ang Glycerin

Facial scrub

Mga sangkap at paraan ng paggawa ng facial scrub gamit ang glycerin

  1. 1 kutsarang pinulbos na oatmeal
  2. 1 kutsaritang honey
  3. 1 kutsaritang vegetable glycerin

Pagsama samahin ang oats, honey at vegetable glycerin sa isang container. Gamitin itong pang scrub sa mukha 1-2 beses sa isang linggo. Ito ay banayad na facial scrub para sa mga sensitibong balat.

Pag masyado itong malapot, dagdagan lamang ng hydrosol o distilled o boiled water. Ilagay sa ref para tumagal ang shelf life ng natural at DIY na facial scrub.

Peel off Sheet mask ESSENCE

Mga sangkap at paraan ng paggawa ng peel off sheet mask essence gamit ang glycerin

  1. Witch hazel hydrosol– 20ml
  2. Green tea extract- 1 kutsarita
  3. Vegetable glycerin- 1 kutsarang glycerin

Pagsama samahin ito sa isang container, haluing mabuti. Ilagay ang sheet mask para mahydrate ito at ilagay sa mukha. Pabayaan ng at least 20 minutes. Tanggalin.

Maaari rin itong gamitin sa under eye para natural na lunasan ang eye bags, pangingitim at iba pang problema sa iyong under eye.

Mga DIY Skin & Hair Care Products na may sangkap na VEGETABLE GLYCERIN

BLOGS

  1. Paano gumawa ng extracts ng halamang gamot– dito ninyo mababasa kung paano gamitin ang vegetable glycerin sa paggawa ng extracts o tincture ng mga halamang gamot. Ang extracts ay magagamit ninyo sa paggawa ng diy skin & hair care products sa bahay.
  2. Paano gumawa ng basic aloe vera gel– ginamitan din ito ng vegetable glycerine at ginamit ding pang hydrate ng xanthan gum, isang thickener o pampalapot.
  3. Paano gumawa ng oatmeal lotion– maaari nyo ring basahin kung paano gumawa ng oatmeal lotion at kung anong benepisyo nito sa balat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *