April 22, 2024
Benepisyo ng hyaluronic acid powder sa balat o kutis. Paano ito gamitin sa skin care

Benepisyo ng Hyaluronic Acid sa kutis

Sharing is Caring

Ang Hyaluronic acid o Sodium hyaluronate ay binubuo ng complex carbohydrates. Ito ay natural na nasa ating katawan partikular sa organs at tissues. Kagaya ng collagen, ang hyaluronic acid ay nababawasan habang tayo ay nagkakaedad. Sa pagdaan ng panahon, sa ating pagtanda ay lumalabas na ang wrinkles sa ating balat lalo na sa mukha at ito ay hindi na elastic.

Mga benepisyo ng Hyaluronic acid sa Balat

Maraming sinasabing benepisyo ang hyaluronic acid;

  1. Skin hydration- nakakatulong ito sa balat para maiwasan ang pagtuyot o maging dry ang kutis.
  2. Free radicals– isa rin itong proteksyon sa free radicals.
  3. Collagen– tumutulong din ito sa produksyon o para mapatibay ang collagen sa ating katawan.
  4. Skin regeneration- nakakatulong ito sa regeneration ng balat para magkaroon ng panibagong kutis.

Paano ginagamit ang Hyaluronic acid sa paggawa ng DIY Skin Care

Ang hyaluronic acid ay isa sa mga sangkap na napakadaling gamitin sa formulation ng skin care products. Kung meron ka nito ay makakagawa ka ng,

  1. Cream o lotion
  2. Serum
  3. Face sheet mask essense
  4. Makeup at lipstick- maaari itong ihalo sa mga liquid makeup, lipstick

Ang pagreconstitute ng hyaluronic acid powder ang pangunahing paraan sa paggamit sa pulbos na ito. Kailangan mo lang ng tubig, lagyan ng preservative para tumagal ang shelf life ng produkto, meron ka ng moisturizer gel.

Paano ireconstitute ang Hyaluronic acid powder

Mga sangkap para sa 100g hyaluronic acid gel o serum

  1. Water- 98.7g
  2. Hyaluronic acid powder- 1g
  3. Preservative- 0.3g

Paraan ng paggawa sa 100g hyaluronic acid gel o serum

Ihalo ang preservative sa tubig. Haluing mabuti. Ilagay ang hyaluronic acid powder. Bahagyang haluin lamang. Takpan. Antayin itong maging gel. Malalaman mo na ready na ang hyaluronic acid pag wala ka ng makikitang lumps o buo buong powder. Usually, minimum 6 hours. Pwede rin itong umabot ng 8 hours. Ang ginagawa ko pag magre reconstitute ako ng powder ay sa gabi para pag gising ko ready na ito.

Hyaluronic acid gel na reconstitued from hyaluronic acid powder.

Maaari nyo na itong gamitin bilang serum o gel sa mukha. Pwede mo rin itong isama sa ibang sangkap kung gagawa ng cream, lotion o moisturizer.

May silky feel at parang may coating o thin film na mamumuo sa kutis nyo. Konti lang ang kakailanganin nyo sa paggamit nito.

Sa ginawa kong youtube video tungkol sa reconstitution ng hyaluronic acid powder ay merong ibang sukat. Ang ginamit kong powder doon ay 1.8g at 60g water, 38g rose water o hydrosol at 0.2g preservative. Ito ay medyo thick na. Pero sa tingin ko mas maganda itong gamitin sa formulations ng mga skin creams.

Hindi lang yan ang paraan sa paggawa serum o gel na maaari mong gawin gamit ang hyaluronic acid powder. Maaari mong dagdagan ng iba pang ingredients na maganda sa balat.

VEGETABLE GLYCERIN– kung gusto mong mas mabilisan o madalian sa pagre reconstitute ng hyaluronic acid, vegetable glycerin ang dapat mong gamitin. Ihahalo mo lang ang pulbos ng hyaluronic acid sa vegetable glycerin. Haluing mabuti hanggang sa matunaw ang pulbos. Itabi ng mga 30 minutes, pagkatapos ay magiging gel na ang consistency nito.

Magkano ang hyaluronic acid powder

Ang hyaluronic acid powder kung ikukumpara sa ibang cosmetic ingredients ay medyo mahal. Mahal pero sulit. Dahil konti lang naman ang gagamitin mo para makagawa ng 100g na gel na magagamit mo ng matagalan. Ang presyo nito ay naglalaro sa 400php – 700php kada 5 grams ng powder. Pero kung iisipin mo, malayong mas makakamura ka dito kung bibili ng mga skin care products na may hyaluronic acid.

Meron na ring nabebentang oral supplement nito at nagkakahalaga ng halos 2000php isang bote na may lamang 50 capsules.

Mga skin care products na may Hyaluronic Acid

  1. Niacinamide serum

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *