April 22, 2024
Iba't ibang gamit ng fluid lecithin sa paggawa ng skin at hair care products sa bahay.

Ano ang Lecithin at Benepisyo nito

Sharing is Caring

Ang Lecithin ay isang uri ng emulsifier at pampalapot na ginagamit sa paggawa ng skin and hair care products at makeup. Ito ay gawa sa sunflower seed, soya o itlog. Ang lecithin na ginagamit sa paggawa ng cosmetic ay gawa sa sunflower seeds o sa soya. Ito ay maaaring in liquid form o powdered form. Bukod sa benepisyo nito sa pag-e-emulsify ng water ang oil, meron din itong benepisyong hatid sa balat at buhok.

Mga benepisyo ng Lecithin sa paggawa ng Cosmetic Products

Hindi lang sa pagkain ginagamit ang lecithin. Ginagamit din ito sa paggawa ng cosmetic products dahil sa benepisyong hatid nito sa balat at buhok.

  1. Emulsifier at thickener– ginagamit ang lecithin bilang emulsifer, pagsasamahin nito ang mga sangkap na tubig at langis sa isang produktong gagawin. Ito ay maaari ring gamiting thickener ng isang produkto.
  2. Humectant– kung sa may skin o hair type na dry, magbebenepisyo daw sa lecithin dahil ito ay humectant. Inaabsorb nito ang moisture sa hangin para mapanatiling moisturized ang balat at anit.
  3. All skin types– ang isang kagandahan ng lecithin ay maaaring gamitin sa produktong para sa may normal, dry o oily skin. Pwera nalang kung meron kayong allergy dito.
  4. Skin penetration enhancer– ito ay isa ring skin penetration enhancer ng mga active ingredients na ginagamit sa isang produkto. Makakatulong ito sa absorbption sa balat. Siguraduhin lamang na safe ang mga ginagamit na sangkap.

Iba’t ibang uri at gamit ng Lecithin

Maraming kang iba’t ibang uri at gamit ng lecithin na makikita sa mercado kaya basahing mabuti kung para saan ito. Meron kasing lecithin na ginagamit lang para i-emulsify ang mga bath products. Para mas praktikal, bumili ng lecithin maaaring gamitin sa iba’t ibang uri ng skin and hair care products na maaaring gawin sa bahay.

Mga skin & hair care products na maaaring gawin gamit ang lecithin

  1. Cream at lotion
  2. Body butter
  3. Serum
  4. Salves o balm
  5. Makeup
  6. Hand and body wash
  7. Shampoo
  8. Sun care products

Paano gumawa ng Body wash gamit ang Lecithin

Mas napapadali ang paggawa ko ng mga liquid soap at shampoo pag gumagamit ako ng lecithin. Ang ginagamit ko ay liquid lecithin at madali lang ito i-incorporate sa ibang sangkap.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG BASIC BODY WASH

Para sa 100g body wash

  1. Phytic acid- 0.2g
  2. Water- 52.25g
  3. Vegetable glycerin– 5g
  4. Xanthan gum- 0.3g
  5. Grapeseed oil- 10g
  6. Fluid lecithin- 5g
  7. Surfactant Decyl glucoside-15g
  8. surfactant Cocamidopropyl betaine- 8g
  9. D-panthenol- 2g
  10. Rose fragrance oil– 0.5g
  11. Jasmine essential oil- 0.75g
  12. Vanilla fragrance oil- 0.25g
  13. Preservative- 0.75g

PARAAN NG PAGGAWA NG BASIC BODY WASH

1. Pagsamahin ang tubig at phytic acid.

2. Pagsamahin ang vegetable glycerin at xanthan gum. Haluing mabuti hanggang makagawa ng gel-like consistency.

3. Pagsamahin ang #1 at #2. Haluin mabuti. Ipainit.

4. Sa isang lalagyan, pagsamahin ang grapeseed oil at liquid lecithin. Haluin at ipainit.

5. Tanggalin sa apoy o init at paghaluin ang dalawang sangkap.

6. Ihalo ang decyl glucoside, d-panthenol, ang gagamiting fragrance oil o essential oil, preservative na gagamitin. Haluin mabuti.

7. Ihalo ang surfactant na Coco betaine. Haluin.

8. Kung hindi kayo kontento sa lapot ng ginagawang liquid soap, gumawa ng salt brine. Gamitin ito sa pagpapalapot ng sabot.

9. Check ang ph o potential of hydrogen ng basic bodywash. I-adjust o pababain ang PH ng produkto.

Nakagawa ka na ng una mong BODYWASH

Basic body wash na gawa sa bahay o DIY o homemade body wash.
Panoorin ang Youtube VIDEO

Simple lang, no?

Maaari ka ring maglagay ng extracts ng halamang gamot o spices & herbs. Pwede ka ring gumamit ng instead ng pure water, gumamit ng tsaa ng halaman o spice na gusto mong gamitin. Pwede ring lagyan ng kulay ang produkto.

Gabay sa paggamit ng Lecithin

INCI– Lecithin

Usage rate– depende sa manufacturer at klase ng lecithin. 0.5%-2%, 0.5%-5%

Solubility– oil

Color & Texture– depende sa uri. Yellow, dark brown.

Benepisyo– humectant

Protective measures sa paggamit

Storage– tightly sealed container

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *