April 22, 2024
Iba't ibang uri ng mica. Colored mica, silk mica, sericite mica, white mica na gamit sa paggawa ng cosmetics o makeup

Ano ang MICA sa Makeup

Sharing is Caring

Ang mica sa makeup na nakalagay sa listahan ng iyong cosmetic ingredients ay isa lamang sangkap para bigyan ng kulay, shine, brightness ang produktong gamit mo. Maraming iba’t ibang uri ng mica, merong uncolored at merong colored mica.

Ang mica ay natural na namimina sa lupa. Kung nanonood kayo ng Al jazeera, RT at Refinery29 makikita nyo dito kung paano namimina ang produktong ito. Pero sa documentary ng tatlo, pinakita dito ang kalagayan ng mga tao na nagmimina ng mica. Kaya ito ay medyo kontrobersyal. Dahil sa pinapakita nitong glamour, sa likod pala ay mga taong naghihirap at nagbubuwis ng buhay.

Mula sa minahan sa india na kung saan ang mica ay mayaman, ie-export ito sa mga bansang gumagawa o nagpro proseso ng mga raw materials. Ibebenta ang processed products sa mga kompanya ng cosmetics para gamiting sangkap sa mga make up at skin and hair care products.

Iba’t ibang uri ng MICA

Kung titingin ka online, makakakita ka ng iba’t ibang uri ng mica. Merong mica na walang kulay at merong mica na may iba’t ibang kulay. At ang pangunahing characteristic nila ay ang SHIMMER o KINANG.

1. White mica- ang white mica ay kadalasang ginagamit kung gusto mong gawing lighter ang kulay ng colored mica.

2. Sericite mica- ang sericite mica ay ang isa sa mga sangkap na kadalasang ginagamit sa mga foundation dahil nakakatulong ito na bawasan ang imperfections ng balat.

3. Silk mica- ang silk mica naman ay magbibigay ng mas SILKY feel o texture sa balat kung ikukumpara sa sericite mica. Pero kadalasan, pinagsasama ang silk mica at sericite mica. Ginagamit din ito bilang filler ng mga powdered cosmetics.

4. Colored mica- ang mica na may kulay ay nilagyan nalang yan ng iba’t ibat uri ng pigments. Depende sa manufacturer, maaaring meron na yang iron oxides, chromium, ultramarine. Kaya kung titignan mo ang description ng mica, bukod sa CI 77019, meron na itong iron oxides.

Iba't ibang uri ng colored mica na ginagamit sa paggawa ng makeup

Ang colored mica ay isa sa mga pangkulay na ginagamit sa paggawa ng cosmetics. Magagamit mo ito sa lipstick, eyeshadow, highlighter, blush, lotion, creams, sabon. Kung gusto mo ng produktong may shimmer o kinang, colored MICA ang gamitin mo. Maaari mo ring i-adjust ang kinang nito, maaari mong lagyan ng titanium dioxide o iron oxides.

Mga produktong maaaring gawin gamit ang MICA

  1. Lipstick
  2. Lipbalm
  3. Blush
  4. Eyeshadow
  5. Highlighter
  6. Foundation
  7. Shampoo
  8. Sabon
  9. Lotion, moisturizer, cream

Usage rate ng iba’t ibang uri ng MICA

1. White mica- depende sa pangangailangan mo.

2. Sericite mica- depende sa pangangailangan mo.

3. Silk Mica- depende sa pangangailangan mo.

4. Colored mica- depende sa pangangailangan mo.

Nakabase sa formula mo ang usage rate sa paggamit ng iba’t ibang uri ng mica. Kung sa lipbalm ay gusto mo lang na lagyan ng konting kulay, gagamit ka lang ng konting colored mica. Na kung kukunin ang timbang sa weighing scale ay hindi pa siguro magreregister. Kung gusto mo naman na gamitin ang silk mica bilang filler o bulk ng produkto, maaaring umabot ang usage rate up to 90% ng formula ng produkto.

Kagaya sa ginawa kong eyeshadow base, ang bulk ng sangkap dito ay ang silk mica.

Panoorin ang VIDEO

Paano gumawa ng sarili mong colored MICA

Maaari ka ring gumawa ng sarili mong colored mica kung wala kang matipuhang kulay. Gagamit ka lang ng uncolored mica, lagyan mo ng pigment kagaya ng iron oxide, chromium o ultramarine. Kung gusto mong i tone down ang kinang nito, dagdagan mo ng titanium dioxide.

Marami kang maaaring gawin gamit ang produktong ito at marami ka ring maaaring gawing cosmetics. Kagaya ng ibang produkto, kung bibili ka ng mica, ugaliing basahin ang detalye o description ng mica. Dahil may mica na hindi pang cosmetic grade.

Importante rin na sa paggamit sa sangkap na ito ang gumamit ng mask. Proteksyon ito para hindi malanghap ang pulbos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *