April 22, 2024
gamit at benepisyo ng ascorbyl palmitate sa skin care products.

Paano gamitin ang Ascorbyl Palmitate sa paggawa ng skin care products

Sharing is Caring

Ang ascorbyl palmitate o kilala rin sa pangalang vitamin c palmitate ay isang fat soluble form ng vitamin c. Ibig sabihin lamang nito, ito ay natutunaw sa fat o oil. Ito ay mula sa paghahalo ng ascorbic acid at palmitic acid. Sa mga gumagawa ng mga sariling skin care products sa bahay, ang ascorbyl palmitate ay isa sa mga user friendly na sangkap na maaaring gamitin dahil sa stability nito at iba pang mga benepisyong maaaring hatid nito sa ating balat. Simple lang ang paggamit ng ascorbyl palmitate kung ihahalo sa gagawing skin care product. Pero bago tayo pumunta sa usaping yan, tignan muna natin ang benepisyong hatid ng ascorbyl palmitate o vitamin c palmitate sa ating balat o kutis.

Benepisyo ng Ascorbyl Palmitate sa balat o kutis

Pag ang salitang ¨ascorbyl palmitate¨ ay nabasa ninyo sa list ng ingredients sa inyong skin care products, ito ay dahil sa mga benepisyong hatid nito sa ating balat o kutis.

  1. Anti-aging properties– karaniwang ginagamit itong sangkap sa mga anti-aging products kagaya ng cream o serum dahil sa anti aging properties nitong hatid.
  2. Collagen– nakakatulong din daw ito na i-stimulate ang collagen sa ating balat. Sa paraang yan, mababawasan ang mga kulubot o wrinkles o pagluyloy ng balat o kutis. Kaya mainam rin itong ihalo sa formulation na may sangkap na collagen kung gagawa ng mga skin cream, moisturizer o lotion.
  3. Pampaputi– ito ay pampaputi rin ng balat kaya makikita mo rin itong sangkap sa mga lotion o cream na may whitening effect.
  4. Sun protection– meron ding mga sunblock o sunscreen lotion na may sangkap na ascorbyl palmitate dahil ito ay nakakatulong na protektahan ang balat o kutis mula sa UV light.
  5. Skin permeation enhancer– may kakayahan ito ipenetrate ang balat. Sa lagay na yan, ang mga sangkap o ang iba pang active ingredients ay mas magiging epektibo sa kanilang tungkulin na dapat gampanan.
  6. Antioxidant– prinoprotektahan nito ang balat mula sa mga free radicals. Nakakatulong din ito sa shelf life ng produktong ginagawa dahil sa antioxidant properties nito.

Ipahid man o inumin man ito, ang vitamin c ay maraming benepisyo sa ating kalusugan.

Paano gamitin ang Ascorbyl Palmitate sa paggawa ng skin care products

Madali lang gamitin ang ascorbyl palmitate sa paggawa ng skin care products. Kung gagawa halimbawa ng lotion, since ito ay fat soluble, ihahalo mo lang ang ascorbyl palmitate sa wax o emulsifying wax at oil ingredients. Pero ito ay hindi totally madi-dissolve. Parang kakailanganin mo ng more than 100 degrees centigrade na init para totally na madissolve ang pulbos. Pero hindi na ako sure kung sa temperaturang yan intact paba ang properties nito o mag-o- oxidize na ang produkto.

Isa sa magandang gawin bago ito gamitin ay gilingin muna ito gamit ang mortar and pestle. Haluan lamang ng langis ang ascorbyl palmitate. Pag ito ay nagiling na, tsaka mo naman ito ihahalo sa iba pang wax at oil ingredients at ipainit. Kagaya ng ginawa ko sa paggawa ng Kojic acid lotion.

Pampaputi ng lotion gamit ang Kojic acid powder
Panoorin ang youtube video

Sa paggawa ng kojic acid lotion, medyo complicated ito dahil nga sa stability ng sangkap na kojic acid powder. Kung gagawa ng body cream na kung saan ang main ingredient ay ang vitamin c palmitate napakasimple lamang ng procedure. Sa aking ginawang cream, hindi ko na ito giniling. Diretso ko na itong inihalo sa oil at wax ingredients at pinainit.

Paano gumawa ng basic body cream gamit vitamin c palmitate

Mga sangkap sa paggawa ng basic cream na may vitamin c

  1. Rose water- 69.5g
  2. Vegetable Glycerin- 5g
  3. Xanthan gum, transparent- 0.3g
  4. Carrots infused oil- 15g
  5. Vitamin c palmitate- 1g
  6. Combimuls emulsifying wax- 4g
  7. Vitamin e-1g
  8. Sodium pca- 1g
  9. Essential oils– palmarosa: 0.5g, Amyris: 0.30g, Lemon: 0.20g
  10. Hyaluronic acid gel 2%- 2g
  11. Preservative– 0.1g

Paraan ng paggawa ng basic cream na may vitamin c

  1. Ilagay sa isang heat resistant na lalagyan ang rose water o hydrosol at itabi.
  2. Pagsamahin ang glycerin at xanthan gum. Ang ginamit ko dito ay transparent. Haluin mabuti. Ihalo ito sa itinabing rose water. Haluing mabuti. Itabi.
  3. Pagsamahin ang langis, emusifying wax at ang vitamin c palmitate o Ascorbyl palmitate sa heat resitant na lalagyan. Maaaring gawin sa bahay ang oil infusion gamit ang mga spices o herbs na gusto ninyo.
  4. Ipainit ang water at oil ingredients. Paabutin ito ng 75 degrees centigrade.
  5. Hanguin sa init at i blend ito gamit ang immersion o hand blender.
  6. Habang inaantay na bumaba ang temperatura nito sa 40 degrees centigrade, kumuha ng isa pang lalagyan at ihalo ang natitirang sangkap na sodium pca, vitamin e, essential oils, hyaluronic acid 2 percent at preservative. Ang mga essential oils na ginamit ko dito ay may mga benepisyong hatid sa balat o kutis.
  7. Ihalo ito sa emulsion na ginawa. Muling i blend.

Meron ka ng basic body cream na may vitamin c palmitate.

Youtube Video Coming Soon

Gabay sa paggamit ng Ascorbyl Palmitate

INCI– Ascorbyl palmitate

Usage rate- depende sa manufacturer, 0.1-1%, 2-10%

Solubility– fat/oil soluble

Color & Texture– white, yellowish

Ginagamit sa– cream, lotion, moisturizer

Benepisyo– antioxidant, anti-aging, stabilizer

Protective measures sa paggamit– mask, iwasang malanghap

Storage– ilayo sa sinag ng ilaw o araw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *