April 22, 2024
Benepisyo ng aloe vera sa kalusugan

Benepisyo ng Vitamin C sa kalusugan at kutis

Sharing is Caring

Ang vitamin C ay importante sa kalusugan ng isang tao. Ito ay isa sa mga bitamina na kailangan ng ating katawan upang mapanatili itong malusog at malakas. Ito ay importante para mapalakas at mapatibay ang ating immune system na ang tungkulin ay labanan ang mga mikrobyo at free radicals na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit.

7 benepisyo ng vitamin c sa kalusugan at kutis

Ayon sa dnafit, ang mga benepisyo ng vitamin c ay ang mga sumusunod;

a. Antioxidant

b. Lowers Blood Pressure

c. Boost immune System

d. Iron absorption

e. Maintain healthy skin and hair

f. Assist with weight loss

g. Good for mental health

Ano ang iba’t ibang uri ng Vitamin C o Bitamina C

  1. Ascorbic Acid– ang ascorbic acid na uri ng vitamin c ay natural mo itong makukuha sa mga pagkain kagaya ng gulay at prutas. Ito ang common na bitamina c at ito raw ay mas maganda ang bioavailability sa katawan. Ito rin ang pinaka murang uri ng vitamin c. Pero may mga taong nagiging acidic ang tiyan o nagiging trigger ito ng acidity ng tiyan.
  2. Calcium ascorbate– ang calcium ascorbate naman ay kumbinasyon ng calcium at ascorbic acid. Ito ay kadalasang nirereseta sa mga taong may scurvy. Importante na ikonsulta sa inyong doktor sa pag-inom nito.
  3. Sodium ascorbate– ang sodium ascrobate naman ay ang kumbinasyon ng sodium ( salt ) at ascorbic acid. Ang sodium ay parang ginamit na buffer para maging less acidic. Ito raw yung magandang bitamina na magandang inumin ng may acidic na tiyan.

Megadose Vitamin C

Maraming mga doctor, mga taong nasa propesyon ng kalusugan ang advocate sa kakayahan ng Vitamin C. At hindi lang sa maliit na dosage ang usapan dito kundi ”MEGA DOSE”. Sa atin sa Pilipinas, andyan si Doctora Agustin-Bunch. Sa ibang bansa naman ay si Dr. Andrew Saul, Dr. Suzanne Humphries, at marami pang ibang mga doctor na nauna sa kanila ng deka dekadang taon na ang nakaraan. Sa katunayan si Dr. Frederick R. Klenner ang kinikilalang pioneer ng vitamin c megadose. Ang mga doctor na advocate ng vitamin c ay naniniwala na ang pag-inom ng bitaminang ito sa malakihang dosage ay makakagamot ng mga sakit, simple man o major na sakit.

Ang ibang doctor naman na hindi sangayon sa megadose vitamin c ay concern sa masamang epekto nito sa ating katawan. Halimbawa sa kidney at iba pang parte na maaaring maapektuhan ng sobrang dosage ng bitaminang ito.

             Maraming vitamin C supplements sa mercado, iba’t-ibang brand, iba-iba rin ang presyo . Mas sikat, mas mahal. May mga tao na naniniwala na pag sikat ang brand, mas mabisa raw. Meron din namang mga parokyano na sa generic parin ang punta. Kahit ano pa ating paniniwala, magkakaisa parin tayo na ang vitamin C ay importante sa ating kalusugan. Ang supplement ay napaka convenient kung tutuusin, madaling inumin, madaling makuha. Pero wag sana nating kakalimutan na mas maganda parin kung sa pagkain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay mo kukunin ang bitaminang ito. Sabi nga ni Hippocrates:

” Let food be thy medicine and medicine be thy food.”

Mga pagkaing bilang lunas
Mga pagkaing masustansya sa bitamina at mineral

Ilan sa mga pagkaing mayaman sa Vitamin C

Mga gulay na mayaman sa vitamin c:

  1. Ampalaya
  2. Belle pepper
  3. Broccoli
  4. Cabbage
  5. Cauliflower
  6. Dahon ng gabi
  7. Malunggay/Moringa
  8. Okra
  9. Patola/Sponge gourd
  10. Saluyot/Corchuros/Jute leaves
  11. Sitaw/Beans
  12. Talbos ng iba’t ibang uri ng kamote

Mga prutas na mayaman sa Vitamin C

  1. Bayabas
  2. Citrus fruits kagaya ng calamansi, lemon, dayap o lime, at iba pa.
  3. Guyabano/Soursop
  4. Kaimito/Star apple
  5. Kamatis/Tomato
  6. Mangga/Mango
  7. Papaya
  8. Pinya/Pineapple
  9. Mga iba’t ibang uri ng berries

Root vegetables na mayaman sa Vitamin C

  1. Beet root
  2. Carrots
  3. Kamote- iba’t ibang uri ng kamote
  4. Labanos/Radish

5 benepisyo ng vitamin c sa ating kutis

Sa  mundo naman ng ” beauty products”, kagaya ng vitamin e at iba pang vitamins at minerals, at mga antioxidant supplements, na nakakatulong sa pagpaganda ng kutis, ang vitamin C ay incorporated sa mga produktong binebenta ng mga kumpanya at mga dermatologist. Ito ay dahil sa mga benepisyo nito sa ating kutis.

  1. Sugat at Peklat– Ang vitamin c ay nakakatulong na mapabilis ang paghilom ng sugat at mabawasan na mag iwan ito ng peklat sa kutis. Ang dermatologist halimbawa ay magrereseta ng cream na may vitamin c pagkatapos mong magpatanggal ng warts sa balat. Ito ay para mapabilis at maayos ang paghilom ng sugat. Dahil ang vitamin c ay isa sa mga bitamina na responsable sa ” tissue repair ”.
  2. Age spots/Wrinkles/Melasma– Ang vitamin c ay nakakatulong sa problema ng age spots, wrinkles at melasma. Marami ng kumpanya ngayon ang gumagamit ng mga mas natural na sangkap sa kanilang mga produkto. Halimbawa ang vitamin c serum ng Klairs para sa kutis ay para mabawasan ang wrinkles, mawala ang mga dark spots at iba pang problema sa balat sanhi ng edad o free radicals.
  3. Whitening and brightening– and vitamin c ay isang antioxidant (at antioxidant booster) na nilalabanan ang mga free radicals na sanhi ng mga pangingitim ng kutis.
  4. Produksyon ng Collagen– ang vitamin c ay tumutulong sa produksyon ng collagen para panatilihing firm, elastic,etc. Kung bastante ang collagen sa ating katawan, maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa balat kagaya ng stretch marks.
  5. Glutathione- ang vitamin c ay tumutulong na pataasin ang level (booster) ng glutathione sa ating katawan.

Mga vitamin c na ginagamit sa paggawa ng Skin Care Products

Ang mga skin care products pati na ang mga iba’t ibang uri ng mga makeup ay ginagamitan din ng Vitamin c. Ang mga kadalasang ginagamit na uri ng vitamin c ng mga cosmetic industries ay ang mga;

1.Ascorbic acid

2. Ascorbyl palmitate

gamit at benepisyo ng ascorbyl palmitate sa skin care products.

3. Sodium ascorbyl phosphate

4. Magnesium ascorbyl phosphate

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *