April 22, 2024
Iba't ibang uri ng spices & herbs. Mga herbal na lunas sa balakubak

Mga spices & herbs na lunas sa balakubak

Sharing is Caring

Maraming mga spices & herbs o mga herbal na lunas sa balakubak. Sa katunayan, ang isa sa mga pampalasa na luya ay ginagamit na herbal para lunasan ang problemang ito. Ito ay epektibo sa problema sa dandruff. Hindi mo na kailangan pang gumamit ng mga nizoral o ketoconazole shampoo na masakit sa bulsa. Bukod pa sa mahal ang presyo, napakarami mo pang dapat alalahanin at iintindihin sa paggamit nito para maiwasan ang side effects. Pero kung matagal na kayong meron nito, sobrang kati at nagkakaroon ng kayo ng rashes, ipatingin na sa doktor yan. Huwag ng umasa na mga natural na paraan.

Ang mga natural na lunas sa balakubak na kailangan, nasa kusina mo lang.

Iba’t ibang uri ng herbal na lunas sa balakubak

  1. Aloe vera
  2. Bay leaves
  3. Bawang/garlic
  4. Chamomile/Manzanilla ( Mansanilya )- ang mansanilya ay may calming benefit. Makakatulong ito para maibsan ang pangangati.
  5. Clove
  6. Coriander
  7. Fenugreek
  8. Gumamela
  9. Licorice
  10. Luya/ginger
  11. Neem
  12. Nettle
  13. Oregano
  14. Paragis
  15. Paminta
  16. Rosemary
  17. Sage
  18. Sibuyas/onion

Aloe vera

Simple lang ang paraan ng paggamit nito, kunin ang gel ng aloe vera at ito ang ipahid sa anit. Balutin ang ulo ng plastic cap o tuwalya. Gawin ito 30 minutos bago maligo. Maaari ring itong haluan ng lemon juice o iba pang citrus fruits.

Mga paraan ng paggamit at benepisyo ng aloe vera gel at aloe vera plant.

Bay (Laurel) leaves

Ang laurel naman ay maaaring gawin hair rinse na kagaya ng apple cider vinegar. Kumusin ang 3-5 dahon ng laurel at pakuluan sa dalawang (2) tasa ng tubig. Pag ito ay kumulo, hinaan ang apoy at pakuluan pa ng mga 5 minuto. Pag ito ay maligamgam na, ito ang gamiting panghuling banlaw.

Mga gamit at benepisyo ng bay (laural)leaves

Bawang

Sa bawang naman, gadgarin ang tatlo hanggang limang (3-5) piraso ng bawang. Ito ay para makuha ang katas. Ang bawang ay maraming selenium, makakatulong ito sa problema ng balakubak. Haluan ng langis na lunas sa balakubak (carrier oil) kagaya ng olive oil, extra virgin coconut oil, castor oil. Ipahid ito sa anit, maglaan ng panahon na imasahe ang anit. Balutin ito ng shower cap o tuwalya. Pabayaan ng 30 minutos. Mag re-apply kung kailangan. Paliguan.

Ang disadvantage nito ay ang amoy. Mangangailangan ka ng 2-3 beses sa pagshashampoo para matanggal ang amoy.

Mga gamit at benepisyo ng bawang.

Coriander

Dalawang parte ang maaari mong gamitin dito; ang mga dahon at tangkay (cilantro)at ang buto nito.

Cilantro- ito ay maaaring gawing hair rinse. Tadtarin ng maliliit ang mga dahon nito. 1/4 tasang cilatro at isang (1) tasang tubig. Pakuluan.

Coriander- gamitin naman ang pulbos ng coriander, isang kutsaritang pulbos at isang kutsarang langis. Ito ang ipahid sa anit.

Coriander seeds o tinatawag ding cilantro. Ang mga gamit at benepisyo nito.

Fenugreek seeds

Ang fenugreek seeds ay isa sa napakaraming ayurvedic treatments ng bansang India. Ang buto ay binababad magdamag. Kinabukasan, binabayo ito gamit ang mortar and pestle para maging paste, at ito ay ipapahid at imamasahe sa anit.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos.

Magbabad ng 2-3 kutsarang fenugreek seeds. Bago matulog sa gabi, pahiran ng coconut oil ang buhok bilang pre treatment. Kinabukasan bago maligo, gamitin ang herbal na ito sa anit. Maligo.

Licorice

Kung meron kang access sa licorice plant, ito ay isa ring epektibong herbal sa balakubak. Magpakulo lang ng licorice at ito ang gamiting hair rinse sa panghuling banlaw.

Luya

Sa luya naman, ang kailangan mo dito ay ang katas nito. Gamitin ang katas ng luya sa anit na may balakubak. Ibabad ito ng 30 minutos at paliguan. Maaari mong dagdagan ng carrier oil.

Iba't ibang benepisyo at gamit sa luya.

Ang ginger essential oil ay maganda ring gamitin. Kung walang ginger essential oil, maaari ring gumawa ng infusion nito.

Nettle

Maaaring gamitin ang dahon ng nettle sa dalawang paraan:

  1. Fresh nettle- katasin ang dahon ng nettle. Ipahid ang katas ng nettle sa anit. Ibabad ito ng hindi bababa sa 30 minutos. Paliguan.
  2. Tuyong dahon ng nettle- gawin pulbos naman ang tuyong dahon ng nettle. Sa isang garapon, lagyan ng 2-3 kutsarang pulbos ng nettle at lagyan ito ng langis na angkop sa lunas sa balakubak. Ibabad ito ng kahit isang araw. Pagkatapos, ito ay salain. Gamitin ang langis na pangpahid sa anit. Ibabad ng kahit isang oras. Maligo.

Oregano

Ang oregano ang isa pang magandang herbal na lunas sa balakubak. Kumuha ng katas ng oregano at ipahid ito sa anit. Imasahe ang anit para sa sirkulasyon. Maligo pagkatapos ibabad ng hindi bababa sa 30 minutos.

Ang isa pang maaaring gawin ay gumawa ng simpleng herbal infusion. Tadtarin ang mga fresh na dahon ng oregano, ilagay sa garapon at lagyan ito ng langis. Pagkatapos ng 24 oras, maaari na itong gamitin sa anit. Konti lang ang gawin, dahil sa fresh leaves ang ginamit dito, madali itong masira . Gumawa lang ng good for 1 week na gamitan.

Kung dried oregano naman, pakuluan ito at gawing panghuling banlaw. Sa dried leaves, maaari ring gumawa ng herbal infusion. Ang shelf life nito ay mas matagal dahil sa tuyo ang dahon na ginamit.

Tuyong dahon ng oregano. Mga benepisyo at gamit sa herbal na oregano.

Paragis

Ang damo na binubunot dahil parang walang silbi ay napakarami palang hatid na benepisyo. Pag ito ay gagamitin sa balakubak, gamitin itong hair rinse o pang huling banlaw.

Magpakulo ng mga 50-100 grams na paragis at 2 tasang tubig. Pag ito ay kumulo, hinaan ang apoy at pakuluan pa ito ng 5-10 minuto. Pag ito ay maligamgam na, gamiting panghuling banlaw sa buhok. Para sa pre treatment, pahiran ng langis ang anit ilang oras bago maligo o kaya ay overnight.

Tuyong dahon ng damong paragis.

Paminta

Yes, paminta 🙂 Magdurog ng isang kutsarang paminta, durog lang at hindi pulbos. Sa isang palayok, painitin ang 3 kutsarang extra virgin coconut oil o olive oil. Ilagay dito ang pamintang durog. Painitin ng kahit 5 minuto. Hanguin. Pag ito ay maligamgam na, ipahid ito sa anit. Maligo pagkatapos ng 30 minutos. Meron itong cooling effect sa anit.

Pamintang itim o black pepper. Mga gamit at benepisyo ng paminta o pepper.

Pag pinainit ang paminta, mahinang apoy lamang ang gagamitin. Huwag hahayaang umuusok o kukulo ang langis sa palayok.

Pwede rin itong gawing panghuling banlaw-

Rosemary

Magpakulo ng 4 na kutsara ng herb na ito sa 2 tasang tubig. Pag ito ay kumulo ilagay sa low fire ang apoy. Pakuluan pa ng 5-10 minutos. Salain, palamigin ang tsaa. Pag ito ay malamig na, gamitin itong pang huling banlaw sa iyong buhok.

Rosemary na tuyo. Benepisyo at gamit ng rosemary na herbal.

Sage

Ang sage ay pareho sa rosemary ang paggamit. Maaari rin itong gamiting hair rinse para sa natural na lunas sa dandruff.

Dried sage mula sa bote. Mula sa spices & herbs. Mga gamit at benepisyo ng sage sa kalusugan.

Sibuyas

Para sa sibuyas naman, katasin ang isang buong sibuyas na may katamtamang laki. Ipahid ang katas sa anit at ibabad ito ng 30 minutos bago paliguan. Hindi lang ito natural na lunas sa balakubak, patitibayin rin nito ang iyong buhok.

Sibuyas na pula at dilaw. Mga gamit at benepisyo ng sibuyas.

Gumamela

Maaaring gumawa ng hair rinse, magpakulo ng gumamela at gawin itong panghuling banlaw. Pwede ring magdikdik at gawin itong hair mask. Maaari ring maging creative sa paggawa ng hair care products gamit ang gumamela extract at oil infusion ng gumamela.

Tea at tuyong dahon at bulaklak ngna gawa sa bulaklak ng gumamela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *