April 22, 2024
Sibuyas na pula at dilaw. Mga gamit at benepisyo ng sibuyas.

Meron bang Benepisyo ang Sibuyas sa Kalusugan ng Katawan?

Sharing is Caring

Ang sibuyas ay may benepisyo ring hatid sa kalusugan ng ating katawan. Kahalintulad daw ng benepisyo ng bawang ang sibuyas pero hindi lang kasing lakas. Ang sibuyas ay mas mahina. Sa ating mga Pinoy, kagaya ng bawang, parating kasama ito sa mga sangkap sa ating lutuin. Mula ito sa ¨Allium¨ family kasama ang bawang, chives at iba pa.

Mga benepisyo ng Sibuyas sa kalusugan ng katawan

  1. B-vitamins
  2. Vitamin A
  3. Vitamin E
  4. Vitamin C
  5. Manganese
  6. Potassium
  7. Chromium
  8. Sulfur/Sulphur
  9. Selenium
  10. Silicon
  11. L-tryptophan
  12. Flavonoids

Dahil sa mga benepisyong yan na hatid ng sibuyas kaya ito nakakatulong na iwasan o natural na lunas sa mga sumusunod na karamdaman;

  1. Colds o sipon
  2. Ubo
  3. Bronchitis
  4. Influeza
  5. Aterosclerosis
  6. Cholesterol
  7. Diuretic

Mula sa benepisyo ng sibuyas sa internal na kalusugan, madako naman tayo sa benepisyo nito sa ating panglabas na kalusugan.

Benepisyong hatid ng Sibuyas sa Balat at Buhok

1. Benepisyo ng sibuyas sa ating Balat o Kutis

a. Bitamina at mineral– ang mga bitamina at mineral na taglay ng sibuyas ay nakakatulong na panatilihin ang healthy skin at labanan ang mga sakit sa balat kagaya ng fungal at yeast infection.

b. Antioxidants– ang mga antioxidants kagaya ng ACE vitamins at flavonoids ay nakakatulong na proteksyonan ang balat mula sa pagkasira ng balat na sanhi ng free radicals.

Ang mga antioxidants na hatid ng sibuyas ay nakakatulong sa balat para labanan ang pagkasira ng collagen mula sa epekto ng free radicals.

c. Anti-inflammatory– ang chromium, sulphur, vitamin c, at flavonoid ay may inflammatory effect sa balat. Nakakatulong ito na labanan o ibsan ang inflammation sa ating kutis.

2. Benepisyo ng sibuyas sa ating Buhok

a. Balakubak o dandruff– ang sibuyas ay may antifungal properties din. Isa ang sibuyas ang makikita mo sa kusina na magagamit para natural na lunasan ang balakubak.

Mga balakubak sa buhok at anit

Selenium– ang selenium ay isa sa mga sangkap na ginagamit sa mga anti dandruff shampoo. Bukod sa nakakatulong ito sa balakubak, ito rin ay nakakatulong sa pagpapatibay at pagpapatubo ng buhok.

b. Pagkapanot o paglalagas ng buhok– ang isa sa benepisyo ng sulphur ay sa pagpapatibay at sa pagpapatubo ng buhok. Matagal na ring ginagamit ito bilang natural na lunas sa paglalagas ng buhok.

Sobrang pagkalagas ng buhok

Paano gamitin ang sibuyas na Natural na Lunas sa Paglalagas ng Buhok at Balakubak?

Ang katas o juice ng sibuyas ang kailangan mo kung gagamitin itong lunas sa paglalagas ng buhok at balakubak. Kunin ang katas ng sibuyas at ito ang ipapahid sa anit. Imasahe ang anit para sa circulation ng anit. Paliguan ang buhok pagkatapos ng 1 oras. Pero kung kaya, mas maganda kung ibabad overnight.

Maaari rin ninyong haluan ng iba’t ibang uri ng natural na sangkap ang katas ng sibuyas kagaya ng;

  1. Lemon juice– para sa balakubak at oily hair. Maaaring alternatibo ang calamansi o lime.
  2. Lemon juice at coconut oil- para sa balakubak.
  3. Fenugreek seeds– para sa balakubak at paglalagas ng buhok.
  4. Aloe vera gel– para sa balakubak at paglalagas ng buhok.
  5. Honey– para sa balakubak.
  6. Castor oil– para sa paglalagas ng buhok at dry hair.

Iba pang paraan ng paggamit sa sibuyas bukod sa pagluluto

Bukod sa pagluluto o paghahalo ng sibuyas sa salad, ang sibuyas ay maaari mong i-infuse para makatas ang mga nutrisyon at medininal compounds nito. Isang paraan ang extraction o infusion ng spices and herbs para mapakinabangan ang mga benepisyo nito.

Ang common sa extraction na ginagawa ng mga Pilipino ay ang pagbababad nito sa suka. This time, gamitin natin ang honey para sa dagdag na benepisyo.

Ang extraction o ang infusion gamit ang honey ay madali lamang gawin.

Sibuyas SYRUP

Magbalat ng sibuyas at hati-hatiin ito. Ilagay sa malinis na garapon at lagyan ng honey. Takpan.

Mga benepisyo at gamit sa honey

Itabi at pabayaan ng 2-3 oras o overnight. Pagkaraan ng ilang oras, magiging liquid na ang consistency.

Syrup o extract ng sibuyas o onion.
Panoorin ang VIDEO

Maaari na itong inumin para agapan ang sipon o ubo o inumin bilang supplement.

Mga Tradisyonal na gamit sa Sibuyas bilang NATURAL NA LUNAS

  1. Sakit sa tenga– ang makalumang gamit sa sibuyas na maaaring narinig mo narin ay ang paggamit ng sibuyas para sa sakit ng tenga. Ang nahiwang sibuyas ay isu-sugba ng bahagya. Pag medyo transparent na ang sibuyas ay babalutin ito ng tela at ito ay itatapal sa masakit na tenga.
  2. Sakit sa katawan at kasu-kasuan– pag may karamdaman namang nararamdaman sa katawan o kasu-kasuan, ang procedure na ginawa sa sakit ng tenga ay ganon din para natural na lunasan ang sakit sa katawan.
  3. Hindi makatulog– ang sibuyas ay mayaman din sa l-tryptophan na isang amino acid. Ito ay umaakto bilang natural na sedative. Sa tradisyon na pamana ng mga matatanda, naglalagay sila ng natadtad na sibuyas sa garapon at tatakpan. Pag sa gabing hindi makatulog, aamoy-amuyin ito ng ilang minuto. Para sa mga ibang tao, ito ay nakakatawa, kasi sabi nila, nakatulog dahil sa bantot 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *