April 22, 2024
Mga clove buds isang spice na maraming gamit at benepisyo

Gamit at Benepisyo ng Clove

Sharing is Caring

Sa Moluccas o Maluku Island ng Indonesia ay ang sinasabing pinagmulan ng Clove. Noong unang panahon daw sa islang yan, kung may ipinanganganak, magtatanim sila ng puno ng clove. Ito ang palatandaan ng edad ng pinanganak na sanggol. At sabi rin nila, kung ang puno ay mabubuhay ng maganda, isang senyales na magiging healthy ang kalusugan ng bata. Pero kung ang itinanim ay hindi nabuhay, senyales daw ito na magiging sakitin ang bata.

Meron din tayong clove sa Pilipinas, pero ang largest importer ng clove sa Asya ay ang Indonesia, India, Sri lanka. Hindi lang ang clove bud ang ini-export nila, pati na rin ang clove bud oil at essential oil nito.

Ang Eugenol ng Clove

Ang clove ay may 85% eugenol content na isang antioxidant. Ito rin ang sinasabing nagtataglay ng pinakamataas na antioxidant sa lahat ng spices & herbs. Dahil sa eugenol content ng clove, ito ay nagagamit bilang natural na antimicrobial, anti inflammatory, antioxidant, analgesic, at anti cancer. Ito rin ang nagbibigay ng amoy sa clove.

Gamit ng Clove bud

1.Pagkain– ito ay ginagamit na pampalasa o seasoning sa pagkain. Sa pagkain ng mga Indian, ito ay karaniwan sangkap sa kanilang mga curried food. Sa mga Chinese naman, ito ay isa sa sangkap ng pampalasa nilang tinatawag na ¨five spice¨ kasama ang star anise, cinnamon, sichuan pepper at fennel seeds. Bukod sa ginagamit na pampalasa sa pagkain, ito ay ginagamit ding natural na preservative ng mga pagkain.

2.Natural na lunas– ang clove ay sinasabing isa sa mga spices na gamit bilang natural na lunas libong taon na ang nakaraan.

3. Cosmetics– meron din itong benepisyo sa buhok at balat. Makakatulong daw ito sa wrinkles at sagging o pagluyloy ng balat. Ang clove bud at langis nito ay ginagamit din sa paggawa ng mga pabango. Maaari rin itong gamitin bilang mouthwash para panandaliang mawala ang mabahong amoy ng bibig.

4. Natural na anaesthesia– ginagamit ito bilang pampamanhid ng mga dentista.

Benepisyo ng Clove Bud

1.Anti cancer– maraming research ang ginagawa sa anti cancer properties ng clove dahil sa potential nito bilang medisina dahil sa anti cancer activities nito. Sa article ng ncbi, ang clove ay isa raw sa mga spices na may pinakamataas na antioxidants. Nakitaan na ang clove ay cytotoxic, o may kakayahan ito na patayin o lasunin ang cancer cells. Ayon din sa article, malaki ang posibilidad na ito ang magiging natural na gamot sa kanser partikular sa kanser sa suso.

Sa research naman na ginawa ng kolkata’s Chittaranjan National Cancer Institute ( cnci ), ang herbal daw na clove ay may kakayahan na pigilan ang paglaki ng cancer cells sa baga ng mga daga na ginamit sa research.

2. Anti viral– ginagamit din itong lunas o laban sa mga viral diseases kagaya ng flu, sipon at warts naman sa balat.

3. Natural pain reliever– maraming benepisyo ang clove pagdating sa sakit na nararamdaman. Makakatulong ito sa sakit ng ngipin, ulo, katawan, arthritis. Kung may almoranas, maaari ring gamitin ito. Makakatulong ito sa pangangati at sakit.

4. Antifungal– ang clove ay maaari ring gamitin bilang natural na lunas sa mga fungal infection kagaya ng alipunga, balakubak, an-an etc.

5. Hair care– kung may problema sa paglalagas ng buhok, ang clove ay maaaring makatulong na patibayin ang ugat at hibla ng buhok.

6. Immune system– dahil sa antioxidant na meron ito, makakatulong na mapalakas ang immune system ng ating katawan.

7. Gum care– gamitin rin ito sa inyong mga gilagid para mapanatili itong malusog. Kung ang gilagid naman ay may sugat o may infection kagaya ng periodontitis, makakatulong ang clove sa inflammation.

8. Pagkahapo o Pagod– makakatulong ito na malunasan ang pagkahapo ng katawan. Maaaring uminom ng tea nito. Clove essential oil o clove oil naman kung gagamitin sa masahe o aromatherapy.

9. Liver– makakatulong din daw ito sa proteksyon ng ating liver o atay.

10. Natural na Insect repellant– maaaring gamitin ang clove oil at ipahid sa balat. Maaari ring mag diffuse ng essential oil nito. Ang water infusion naman ay maaaring gawing spray sa balat na exposed para hindi kagatin ng lamok.

Paano gamitin ang Clove bud

Pagkain ng Clove bud

Ang paghahalo ng clove sa ating nilulutong pagkain ang pinaka madaling paggamit ng clove. Ihalo ito bilang pampalasa sa mga nilulutong pagkain.

Alam kong karamihan sa ating ulam, ang bawang, sibuyas, luya ay ang common ng ginagamit nating pampalasa. Maaari namang i-tweak ang mga putahe para maincorporate ang spice na ito na mayaman sa antioxidant.

Paggawa ng herbal gamit ang Infusion at Extraction

Maaaring gumawa ng oil infusion o extraction nito. Ang clove infused oil ay maaaring gamitin sa mga sumusunod;

  1. Pagkain
  2. Pampahid sa balat na kinakailangan ng lunas kagaya ng sakit ng ngipin, sakit ng ulo, pangmasahe, buhok etc.

Ang extract naman ay maaaring inumin bilang supplement o gamitin sa DIY Cosmetics para magamit sa balat at buhok.

Tea o concoction

Maaari ka ring gumawa ng tsa-a o concoction nito para inumin.

Paanong gawing Tea ang clove

Gumamit ng 2-4 na cloves sa bawat tasa ng tubig. Maaaring dagdagan ng iba pang spices & herbs ang clove kung iinumin ito bilang tea. Maaaring dagdagan ng luya para sa energizing effect. Chamomile para ma-destress ang katawan at isipan.

Mga GABAY sa paggamit ng Clove bud

Bilang natural na lunas– dahil sa malakas na antibacterial ang clove, gamitin lamang ito ng hanggang 2 linggo.

Huwag gagamit nito kung meron iniinom na gamot na anti coagulant o katatapos lang magpa opera.

Kung gagamiting itong natural na lunas, ikonsulta muna sa inyong doctor.

Paano gumawa ng lunas sa trangkaso gamit ang clove

Maaaring gumawa ng parang syrup para gamitin bilang natural na lunas sa trangkaso.

Mga SANGKAP

  1. Clove buds 5 piraso
  2. Luya
  3. Bawang
  4. Cinnamon bark
  5. Honey 3 tablespoon
  6. Palm sugar 1/2 cup
  7. Tubig 1/4 cup

PARAAN ng PAGGAWA

  1. Gumawa ng syrup; ilagay ang tubig at asukal sa kaldero. Lutuin ito hanggang maging syrupy ang consistency.
  2. Ilagay lahat ng ng spices.
  3. Gamit ang low heat, i simmer ito ng mga 15-20 minutes.
  4. Hanguin sa apoy at pababain ang temperatura.
  5. Pag nasa room temperature na ito, ilagay ang honey at haluing mabuti.
  6. Ilagay ito sa ref. Uminom ng isang kutsarita tatlong beses sa isang araw.

Ang syrup na ito ay hindi ko lang ginagamit sa trangkaso, isa rin ito sa mga herbal syrup na ginagamit ko bilang suplemento.

Kung narinig nyo na ang alamat ng ¨four thieves¨, ang clove ay isa sa mga spices & herbs na ginamit nila para protektahan ang kanilang kalusugan mula sa nakakamatay na sakit noong medieval period.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *