April 22, 2024
Ang mga benepisyo ng mga pampalasa sa inyong kusina

21 na benepisyo ng Spices & Herbs sa kalusugan

Sharing is Caring

Napakaraming uri ng spices & herbs (Pampalasa at halamang gamot) at ang mga ito ay magagamit sa iba’t ibang paraan. Bukod sa pampalasa ng pagkain, ang mga spices & herbs ay ginagamit bilang medisina, dahil ito ay may medicinal properties. Ito ay ang pangunahing gamit sa natural na medisina. Iba’t ibang uri, iba’t ibang benepisyo rin ang makukuha.

Gamit sa spices & herbs

21 na benepisyo ng Spices & Herbs

  1. Abot kaya sa bulsa– ang isang dahilan kung bakit tinatangkilik ang halamang gamot ay dahil sa abot kaya ng bulsa.
  2. Antioxidants– ang spices & herbs ay natural source ng mga antioxidants na kailangan ng katawan para malabanan o mabalanse ang mga free radicals sa katawan.
Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

3. Bitamina at Mineral– kagaya ng iba’t ibang uri ng pagkaing prutas at gulay, ang mga spices & herbs ay natural source din ng mga vitamins at minerals na kailangan ng katawan.

Vitamins & minerals

4. Prevention & Maintenance– ang mga spices & herbs ay makakatulong sa pag iwas ng mga sakit na maaaring dumapo sa ating katawan. Ang mga ito ay maaari ring gamitin para mapanatili ang ating maganda o maayos na kalusugan.

5. Immune system booster– dahil sa mga vitamina, minerals, enzymes, antioxidants at iba pang nutrisyon ng mga spices & herbs, makakatulong ito sa ating sistemang immuno (Immune System)na mapalakas at mapatibay.

6. Natural na pampapayat– ayon sa article ng Healthline ( 13 herbs that can help you lose weight), merong 13 herbal na makakatulong sa pagpapapayat. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Fenugreek

2. Cayenne Pepper

3. Ginger o Luya

4. Oregano

5. Ginseng

6. Caralluma Fimbriata

7. Turmeric o luyang dilaw

8. Black pepper o paminta na itim

9. Gymnema sylvestre

10. Cinnamon

11. Green coffee bean extract

12. Cumin

13. Cardamom

Timbangan para sa tao

7. Pampagana ng pagkain– kung merong spices & herbs na makakatulong sa pagbabawas ng timbang, meron din naman pampagana ng pagkain. Isa diyan ang nabanggit sa taas- ang LUYA. Ang epekto sa katawan ay depende sa paraan ng paggamit. Halimbawa:

Weight loss– Pag inom ng ginger water pagkagising sa umaga at sa buong araw.

Weight gain– pag inom ng ginger tea 15-30 minutos bago kumain.

8. Aphrodisiac– maraming mga spices & herbs na aphrodisiac. Sa atin sa Pilipinas andyan ang bawang, sibuyas, sili.

9. Nausea, Dizziness & Vomiting– ang feeling na parang nasusuka, nahihilo at pagsusuka ay sintomas ng iba’t ibang uri ng sakit. Ito ay maaari rin sa mga unang 3 buwan ng pagbubuntis. Ang mga citrus fruits kagaya ng lemon, calamansi, orange, at mga spice & herbs gaya ng luya, cloves at iba pa ay makakatulong sa nararamdamang ito.

10. Flatulence & bloating– ang kabag, di matunawan ay mga kundisyon sa digestive system na kailangan ng ating atensyon. Importante ang ating digestive system na gumana ng tama para makamtan ang malusog na pangangatawan. Sabi nga ni Hippocrates ” All disease begins in the gut.”

Spices & herbs para sa kalusugan ng digestive system

Sa ayurveda medicine, ang luya ay isa sa kanilang carminative herb. Iniinom ang tsaang luya o kinakain para mapaganda ang digestion. Pag ang ating panunaw ay gumagalaw ng tama, maayos na maaabsorb ang kinakailangang nutrisyon ng katawan.

11. Anti cancer properties– sa patuloy na pag-aaral sa benepisyo ng mga spices and herbs, parami ng parami ang mga natutuklasang potential ng mga ito sa prevention at lunas sa sakit na cancer. Mayaman sa mga antioxidants ang mga pampalasa at mga herbal. Sa Pilipinas tayo ay napagpala ng mga spices and herbs kagaya ng sili, luya, turmeric na may abilidad na gamutin ang sakit na ito. Maaaring hindi sangayon ang karamihan sa ibang doctor pero meron parin namang doctor na advocate ang alternatibong medisina.

12. Puso– ang sakit sa puso ay ang pangunahing dahilan ng kamatayan sa Pilipinas at yan ay ayon sa tala ng Department of Health. Maraming spices and herbs ang maaaring gamitin para sa kalusugan ng ating puso. Ang sili o cayenne pepper ay mainam na herbal para sa kalusugan ng puso, dahil ito sa capsaicin. Pero hindi ko sinasabi na kung diagnosed ka na at kung nakakaramdam ka ng sintomas ng sakit na ito, iinom ka lang ng cayenne pepper at hindi na bibisita sa doktor. Huwag parin ipagsawalang bahala ang kanilang tungkulin. Magpatingin parin sa doktor.

13. Antihelmintic– ang mga parasitiko sa katawan ng tao ay maaaring malunasan ng iba’t ibang uri ng pagkaing prutas at iba’t ibang uri ng spices & herbs. Ang papaya, pinya, neem leaves, aloe vera, buto ng kalabasa ay ang mga halimbawa dito. Sa gulay naman, kumain ng gulay na mayaman sa fiber. Makakatulong ito na magpalabas ng mga parasitiko.

Mga uod o parasitiko sa katawan ng tao

14. Antidepressant– maraming dahilan bakit dumadaan ang isang tao sa depresyon, at ang depression ay isang seryosong usapan. Ang mga pagkain at mga herbal ay maaaring makatulong dito. Ang saging at mga green leafy vegetables, chamomile, lavander at ibang pang pagkain at herbal ay natural na paraan para mabawasan at mapatibay ang mentalidad ng isang tao. Maaari ring gamitin ang essential oils para mapakinabangan ang benepisyo nito sa pamamagitan ng aromatherapy.

Image by Ulrike Mai from Pixabay

15. Detox– tulog man o gising, bawat pitik ng segundo, ang katawan natin ay exposed sa mga toxins. Hindi lahat ng toxins ay nalalabanan ng katawan at nailalabas ng katawan, ang iba ay naiipon at pag tumagal, tayo ay maaaring magkasakit. Ang mga spices and herbs kagaya ng ginger o luya, turmeric, milk thistle, red clover, dandelion, cilantro atbp ay may abilidad na i-detoxify ang katawan .

16. Natural na sangkap sa beauty products– kagaya ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay, ang spices and herbs ay maaari ring gamiting sangkap sa pag-aalaga ng inyong kutis, o buhok. Mga natural na sangkap at hindi ka mag-aalala sa mga negatibong epekto kagaya ng nakukuha mo sa mga beauty products na 99% ay mga chemicals. Di ba kayo nagtataka bakit sa panahon ngayon ay pabata ng pabata ang mga nagkaka cancer?

Homemade at natural na beauty products

17. Antimicrobial properties– ang oregano, cumin at iba pang herbal ay natural na panlaban sa mga mikrobyo na ang dulot ay sakit sa ating katawan.

18. Astringent properties– ang rose, witch hazel at iba pang mga herbal ay may natural na astringent properties. Ang mga spices and herbs na may astringent properties ay mainam na gamitin sa ating kutis dahil sa kakayahan nilang i shrink o paliitin ang mga nakakatakot na ”pores” na nakanganga ­čśÇ

astringent pangpaliit ng pores

Kung ang mga spices and herbs naman na may astringent properties ay kakainin, makakatulong ito sa ating sistemang panunaw o digestive system.

19. Antibiotic– ang bawang ay isa lang sa mga herbal na merong antibiotic properties. At sa katunayan, ito ay approved ng Department of Health bilang natural na lunas.

20. Blood sugar– Ang ampalaya ay makakatulong sa blood glucose o sugar level, at isa rin ito sa 10 approved ng DOH na herbal medicine. Ang isa pang herbal na makakatulong ay ang aloe vera.

Mga spices at herbs para sa blood sugar level

21. Blood pressure– Para naman sa blood pressure, ang ilan sa herbal na makakatulong dito ay ang bawang at luya.

Spices & herbs para sa blood pressure

Kailangang ibalanse natin ang paggamit ng natural na lunas at ang conventional medicine. Ako rin ay naniniwala sa traditional medicine pero binibigyan ko parin ng halaga ang tungkulin ng ating mga doktor. Ang isang magandang gawin ay, isipin ang mga katagang ┬Ęprevention is better than cure.┬Ę Ang mga spices and herbs ay maaari ninyong gamitin na ngayon para mapalakas ang katawan. Gumamit ng iba’t ibang uri. Ihalo ang mga pampalasa at herbs sa pagluluto. Gawin itong tsaa araw araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *