April 22, 2024
Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

Ano ang AntiOxidants at mga benepisyo nito sa ating kalusugan

Sharing is Caring

Ang Antioxidants ay mga compounds na kailangan ng katawan para i-stabilize o i-neutralize ang mga free radicals. Ang balance ng free radicals at antioxidants ay kailangan para sa ikakabuti ng ating kalusugan.

Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

Paano bina-balance ng antioxidants ang free radicals

Ang antioxidants ay parang ”spare tire”. Nagbibigay ito ng isang electron sa isang free radical na unstable at reactive. Imbes na sa mga selula natin kumuha at magnakaw ang free radicals ng electron, ang mga antioxidants ang magbibigay nito. Sa pamamagitan ng antioxidants, na nu-neutralize nito ang mga free radicals sa pagsira ng mga healthy cells sa ating katawan. Sa pamamaraang ito, naproprotektahan ng antioxidants ang mga cells sa pagkasira ng membranes, dna, at proteins. Kapag ang free radicals ay na stabilize o na-neutralize na, ito ay lalabas naman sa ating katawan sa pamamagitan ng pawis, ihi, o sa ating mga dumi.

Benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan

Maraming benepisyo ang antioxidants sa ating kalusugan. Maraming dulot na sakit ang mga OXIDANTS/Free Radicals. Sa article ng NCBI: The role of Free Radicals in disease, binanggit dito ang mga sakit na inuugnay sa free radicals.

  1. Atherosclerosis
  2. Inflammatory joint disease
  3. Asthma
  4. Diabetes
  5. Senile dementia
  6. Degenerative eye disease
  7. Cancer

At marami naring nagawang pag-aaral na ang free radicals ay nauugnay sa iba’t-ibang sakit sa puso.

Ang benepisyo ng antioxidants sa ating kalusugan ay ang pagbabalanse nito ng level o dami ng free radicals sa katawan ng tao. Prinoprotektahan nito ang ating kalusugan mula sa mga sakit na dulot ng free radicals. Dahil pag nagkataon na mas maraming free radicals ang katawan at kulang ng antioxidants na pang neutralize, magkakaroon ng tinatawag na OXIDATIVE STRESS. At ang patuloy na pagkasira ng ating mga cells ay hahantong sa mga sakit na nabanggit sa taas at iba pang mga sakit.

Mga benepisyo ng Antioxidants sa Kutis o Balat

Ang benepisyo naman ng antioxidants sa ating kutis, siempre ito ay nakakatulong na maiwasan ang mga wrinkles, age spots o hyperpigmentation, pimples/tigyawat, at iba pang problema sa kutis. Ang isa pang magandang benepisyo ng antioxidants sa ating kutis ay sa collagen ng ating katawan. Dahil sa antioxidants, naproprotektahan nito ang collagen sa ating katawan mula sa pagkasira dulot ng free radicals.

Ano-ano ang mga halimbawa ng Antioxidants

  1. Vitamin C
  2. Vitamin E
  3. Vitamin A
  4. Betacarotene
  5. Lycopene
  6. Manganese
  7. Selenium
  8. Enzymes

a. Glutathione

b. Super Oxide Dismutase

c. Catalase

9. Polyphenols

At ang mga antioxidants na nabanggit ay makukuha mo sa mga pagkain, spices, herbs.

Iba’t ibang uri ng pagkain na mayaman sa antioxidants

Mga pagkaing bilang lunas
Hippocrates

Mga Gulay na mayaman sa antioxidants

Bell Pepper

Broccoli

Cabbage (red)

Cauliflower

Kalabasa/Squash

Kale

Malunggay/Moringa

Okra

Saluyot/Jute leaves

Spinach

Mga Root Vegetables na mayaman sa antioxidants

Beets

Carrots

Kamote/Sweet Potato

Yacon

Mga Prutas na mayaman sa antioxidants

Atis/Sugar apple

Avocado

Bayabas/Guava

Berries- Bilberry, Blueberry, cranberry, Goji, Strawberry

Cherry

Durian

Kiwi fruit

Lansones

Grapes

Guyabano/Soursop

Mango

Mangosteen

Noni fruit

Papaya

Persimmon

Pomegranate

Kamatis

Mga Grains na mayaman sa antioxidants

Brown rice

Buckwheat

Mga Seeds na mayaman sa antioxidants

Cacao seeds

Chia seeds

Flax seeds

Quinoa seeds (or flour)

Sesame seeds

Sunflower seeds

Mga Nuts na mayaman sa antioxidants

Almond

Walnut

Mga Oils na mayaman sa antioxidants

Apricot kernel oil

Avocado oil

Coconut oil

Grapeseed oil

Olive oil

Sesame oil

Mga Spices na mayaman sa antioxidants

Sili

Bawang

Mga gamit at benepisyo ng bawang.

Luya

Mga benepisyo at gamit sa luya. Mga antioxidants, bitamina, mineral, medical compounds o properties na meron sa luya.

Sibuyas/Onion

Sibuyas na pula at dilaw. Mga gamit at benepisyo ng sibuyas.

Turmeric

Turmeric powder o luyang dilaw na maraming nutrisyon at iba pang benepisyo

Mga Herbs na mayaman sa antioxidants

Aloe vera

Natural at organic na aloe vera na ginagamit sa balat at buhok at nakakain

Dandelion

Gumamela Flower (Hibiscus)

Tea at tuyong dahon at bulaklak ngna gawa sa bulaklak ng gumamela.

Nettle

Milk Thistle

Oregano

Rosemary herb

Gamit at benepisyo ng Rosemary

Mga Tea na mayaman sa antioxidants

Black tea

Blueberry leaf

Green tea

Tuyong dahon ng green tea na maraming benepisyo

Iba pang Pagkain na mayaman sa antioxidants

Cacao powder

Dark chocolate- 70 % pataas

Honey

Maraming pagkain ang maaaring source ng antioxidants para sa ating kalusugan. Ang importanteng isipin sa pagplaplano ng pagkain ay ang mga benepisyo nito sa kalusugan. Kung paano mano-nourish ang ating katawan lalong lalo na ang ating mga anak. Ang isa pang gawin sa pagplaplano ng ihahandang pagkain ay ang pagbili ng mga pagkain na nasa panahon para abot kaya ang presyo.

Antioxidants para sa ating Kutis

Pagdating naman sa usapang antioxidants para sa usaping skin care, maaari mo ring i-incorporate ang mga pagkaing mayaman sa antioxidants. Halimbawa, gumawa ng mga mask, scrub, at iba pang DIY natural skin care mula sa mga prutas o gulay na maaaring gamitin sa mukha.

Halimbawa ng mga gulay, prutas o spices & herbs na maaaring gamitin sa kutis o balat.

  1. Pipino o cucumber
  2. Luya- panoorin ang video kung paano gamitin ang luya bilang face mask essence.
  3. Turmeric
  4. Aloe vera
  5. Gumamela
  6. Avocado
  7. Kamatis

Bukod dyan, heto pa ang mga natural na sangkap na maaari nyong gamitin sa paggawa ng natural skin care para sa pag-aalaga ng inyong kutis:

Mga essential oils laban sa free radicals
  1. Essential oil
  2. Ibat’t ibang uri ng langis na tinatawag din carrier oils, vegetable oils o fixed oils.
  3. Honey

Ang mga natural na sangkap ay makakatulong sa pagaalaga ng inyong kutis. Imbes na bumili ng mga skin care products o cosmetics na gawa sa mga chemicals na hindi mo alam kung ano ang epekto nito sa inyong balat, mga chemicals na sa paglipas ng panahon ay magbibigay sa inyo ng iba’t ibang klase ng cancer o sakit, gumawa nalang ng sarili nyong produkto. Sa ganitong paraan, alam mo at kontrolado mo ang mga sangkap na nakapaloob dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *