April 22, 2024
Ibat ibang uri ng prutas at gulay na masustansya

Mga pagkaing prutas at gulay at mga benepisyo nito

Sharing is Caring

Sabi nga ni Hippocrates, ¨Let food be thy medicine and medicine be thy food¨. Ganyan ka importante ang mga pagkaing prutas at gulay sa katawan ng tao. Pag usapan natin ang mga benepisyo ng prutas, gulay at iba pang uri ng pagkain. Mga pagkaing magbibigay sayo ng katawang malusog at masigla.

Ang mga benepisyo ng prutas at gulay

Ang mga prutas, gulay, root crops (root vegetables), seeds, beans, at iba pang pagkain ay importante sa nourishment ng ating katawan. Importante na sa araw-araw ay nakakakain tayo nito para makamtan ang malusog na pangangatawan.

  1. Natural na source ng mga Vitamins (halimbawa: vitamin A, vitamin E, vitamin C at marami pang iba), Minerals (halimbawa: zinc, magnesium at marami pang iba), enzymes at iba pang nutrisyon.
  2. Natural source ng antioxidants para labanan ang mga free radicals sa katawan.
  3. Natural na source ng fiber para sa regular na pagdumi. Makakatulong ang mga pagkaing rich in fibers sa kalusugan ng ating digestive system.
  4. Pampalakas ng immune system (Sistemang immuno)
  5. Mababa sa calories.
  6. Ang mga nutrisyon sa mga prutas at gulay ay maaaring mapigilan ang mga sakit kagaya ng sakit sa puso, diabetes, cancer at iba pa.
  7. Mababa sa sodium content.
  8. Kagaya ng Spices & Herbs, ito rin ay ginagamit na natural na lunas sa mga iba’t ibang uri ng karamdaman.
  9. Ginagamit na sangkap sa Skin care.

Iba’t ibang Uri ng Pagkain

Sa aking ginawang kategorya ng iba’t ibang uri ng pagkain, mapapansin ninyo na ang mga ibang uri ng pagkain ay nasa ibang kategorya. Halimbawa, ang kalabasa na kung saan ay isang prutas ay nasa kategorya ng gulay.

Ibat ibang uri ng prutas na masustansya

Iba’t ibang uri ng Prutas

Apple (Mansanas)

Atis ( Custard apple, Sugar apple)

Avocado

Banana (Saging)

Bayabas (Guava)

Berries– Acai, Bilberry, Blackberry, Blueberry, Cranberry, Currant, Goji, Juneberry, Lingonberry, Mulberry, Raspberry, Sea buckthorn, Strawberry.

Cacao fruit

Calamansi

Carambola/Karambola

Cherry

Chesa (Pouteria Campechiana/Canistel)

Chico fruit (Sapodilla)

Coconut fruit

Cucumber (Pipino)

Dragon fruit

Durian

Grape fruit

Grapes

Guyabano (Soursop)

Kaimito (Star Apple)

Kiwi fruit

Langka (Jackfruit)

Lemon

Longan

Lychee

Mandarin

Mangga (Mango)

Mangosteen

Melon

Nectarine

Noni

Orange

Papaya

Passion fruit

Peach

Pear

Pinya (Pineapple)

Plum

Rambutan

Rosehip

Sampaloc (Tamarind)

Santol (Cotton fruit)

Sineguelas (Jocote)

Tangerine

Kamatis

Paggamit ng kamatis sa mga gagawing diy o homemade skin and hair care products

Iba’t ibang uri ng Gulay

Alugbati

Artichoke

Aspagarus

Bell Pepper

Brussel sprouts

Brocolli

Cabbage

Cauliflower

Celery

Chinese Cabbage

Dahon ng gabi

Eggplant

Fiddleheads

Kale

Kalabasa

Kundol (Wintermelon)

Kangkong

Labanos (Radish)

Labong (Bamboo Shoots)

Lettuce- Romaine, Iceberg

Mais (Corn)

Malunggay (Moringa)

Mungbean Sprouts

Mustasa (Mustard)

Mushroom

Okra

Patola (Luffa/Loofah)

Puso ng Saging (Banana blossom)

Rhubarb

Saluyot (Jute Leaves)

Sarsaparilya (Sarsaparilla)

Sayote (Chayote)

Sigarilyas (Seguidillas)

Sitaw

Spinach

Watercress

Zucchini

Ibat ibang uri ng gulay na masustansya

Iba’t ibang uri ng Root Vegetables

Beetroot

Carrot

Gabi (Taro)

Kamote (Sweet Potato)

Kamoteng Kahoy (Cassava)

Patatas (Potato)

Singkamas (Turnip)

Yacon

Iba’t ibang uri ng Beans/Legumes

Bataw

Blackbeans

Cacao Bean

Chickpea

Kidney beans

Monggo (Mung bean)

Patani

Pea

Soybeans

Iba’t ibang uri ng Mani (Nuts)

Almond nut

Brazil nuts

Cashew nut (Kasoy)

Peanut

Pili nut

Pine nut

Pistacio nut

Iba’t ibang uri ng Buto (Seeds)

Mga pagkaing buto

Chia Seeds

Flax seeds

Hemp seeds

Buto ng Langka(Jackfruit seeds)

Buto ng Kalabasa

Sesame seeds

Sunflower seeds

Water melon seeds

Iba’t ibang uri ng Grains

Barley

Couscous

Oatmeal

Quinoa

Rice

Rye

Halimbawa ng mga pagkaing GRAINS

Mga gabay sa paghahanda ng pagkain

  1. Maghanda at kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain sa araw araw para sa tamang nutrisyon.
  2. Bumili ng mga pagkaing ito sa kanilang kapanahunan para abot kaya sa bulsa.
  3. Ugaliin ang tamang paghuhugas ng prutas at gulay gamit ang baking soda o white vinegar.
  4. Lutuin ang mga pagkain sa tamang temperatura para mapanatili at hindi masira ang kanilang mga nutrisyon kagaya ng vitamins. minerals at enzymes.
  5. Ugaliing kumain din ng hilaw para lalong mapakinabangan ang mga nutrisyon sa pagkain. Gumawa ng simpleng vegetable salad. Halimbawa: carrots, pipino, kamatis, at iba pang gulay o prutas. Lagyan ng konting apple cider vinegar o kaya calamansi o lemon. Simpleng pinaghalong gulay pero masustansya sa katawan.

Ang mga pagkaing ito ay ang pinakamabisa paring source ng nutrisyon kung ikukumpara sa mga binibiling supplements. Sabi nga ni Hippocrates;

”Let food be thy medicine and medicine be thy food.”

Mga pagkaing bilang lunas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *