April 22, 2024
Benepisyo ng magnesium sa katawan at kalusugan.

Mga Benepisyo ng Magnesium sa kalusugan

Sharing is Caring

Ang magnesium ay isa sa mga mineral na kailangan ng ating katawan para ito ay gumanang mabuti. Dahil ang kakulangan nito ay magreresulta sa iba’t ibang karamdaman. Maraming mga iba’t ibang uri ng pagkain ang maaaring source ng magnesium, yung nga lang dahil sa depleted na ang lupa sa mga nutrisyon, nagkakaroon din ng kakulangan sa mga sources na ito. At hindi rin naman natin kayang kainin ang tamang dami ng pagkain para mabigyan ng tamang dosage ng magnesium ang ating katawan. Kaya ayon sa mga eksperto, importante na gumamit ng magnesium supplement.

Bakit importante ang magnesium sa kalusugan

Ayon sa medlineplus, ang magnesium ay maraming benepisyong hatid sa kalusugan dahil ito ay ang responsable sa higit na 300 biochemical reactions ( ang ibang sources ay sinasabing 700-800) sa katawan ng tao. Tumutulong ito sa tamang paggana ng mga nerves at muscles, pinapanatili nito ang malusog na immune system, kalusugan ng puso, buto, tamang function ng utak, at marami pang iba.

Mga benepisyo ng magnesium sa kalusugan.

Ayon kay Dr. Carolyn Dean, ang kakulangan ng magnesium sa katawan ay nagreresulta ng iba’t ibang uri ng sakit.

Ang mga nakalistang karamdamang nabanggit sa ibaba ay ilan lang sa mga sakit na resulta ng kakulangan ng magnesium.

Mga sakit sa katawan na sanhi ng kakulangan ng Magnesium

Ayon sa eksperto, ang kakulangan ng magnesium sa katawan ay nagiging sanhi ng;

1.Iba’t ibang uri ng sakit sa puso

2. Depression at anxiety

3. Arthritis

4. Blood clots

5. Mataas na cholesterol

6. Fatigue o pagkahapo

7. High blood pressure

8. Kidney disease

9. Muscle cramps at muscle spasm

10. Premenstrual syndrome

11. Sakit ng ulo

12. Osteoporosis

13. Problema sa nerves na nagreresulta halimbawa ng twitching o numbness.

14. Insomia

15. Diabetes

16. Asthma

17. Stress

Mga benepisyo ng Magnesium sa kalusugan

1.Ang magnesium ay sinasabing kailangan ng katawan para sa produksyon ng mga enzymes. At ayon sa article ng healthline, ang enzyme ay importante sa digestion, detoxification, at muscle building.

2. Ang magnesium ay bina-balance ang calcium para maiwasan na magkulang o magkaroon ng deposits o sobrang calcium sa katawan.

3. Muscle relaxant- may abilidad daw itong irelax ang mga muscles ( kasama ang heart muscle) sa katawan. May mga doctor din na sinasabing ang kakulangan ng magnesium ay siyang sanhi ng mga atake sa puso.

4. Blood vessels- ang isang sinasabing sanhi ng high blood pressure ay ang pagtigas ng blood vessels. Kung ito ay matigas, mapipilitan na lakasan pa ang pag pump ng dugo na siyang dahilan ng pagtaas ng presyon. Ang magnesium ay sinasabing nakakatulong dito.

5. Respiratory system- kung ito ay may benepisyo sa muscles, ang magnesium ay may benepisyo rin sa ating airway lalong lalo na sa mga taong may asthma. Pinipigilan nito o nire-relax ang airway sa pagkipot na siyang dahilan ng asthma o hirap sa paghinga.

6. Brain function- ang magnesium ay may benepisyo sa function ng ating utak. Ang kakulangan daw ng magnesium ay magre resulta sa depresyon, anxiety, insomia, confusion, pagkahapo o fatigue, at mga neurological disorders.

7. Anti inflammatory- makakatulong ang magnesium sa inflammation kagaya ng arthritis.

Mga pagkaing mayaman sa Magnesium

Ang mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa magnesium ay ang mga sumusunod,

  1. Dark green leafy vegetables- kagaya ng kangkong, malunggay, saluyot o jute leaves, kale, okra.
  2. Fruits- saging, bayabas, papaya, blackberries, melon, avocado, sampalok.
  3. Nuts- almond, cashew, peanut.
  4. Brown rice
  5. Cocoa at dark chocolate
  6. Chia seeds
  7. Legumes- kidney beans, lentils, soybeans, chickpeas.
  8. Tofu
  9. Whole wheat bread

Ano ang Iba’t ibang uri ng Magnesium supplement

Maraming uri ang magnesium at ilang lang ang mga nakalista sa ibaba,

  1. Magnesium Citrate
  2. Magnesium Sulfate
  3. Magnesium Chloride
  4. Magnesium Glycinate
  5. Magnesium Oxide
  6. Magnesium Orotate
  7. Magnesium L-threonate

Pero ang mga karaniwan na ating makikita sa mercado at madaliang mabili ay ang magnesium citrate, magnesium sulfate at magnesium chloride.

Ano ang magnesium citrate

Ang magnesium citrate ay ang common form ng oral magnesium supplement na ating mabibili sa botika. Sabi rin ng ibang dalubhasa, ito ang isa sa pinakamabisang oral supplement.

Ano ang magnesium sulfate

Ang magnesium sulfate naman ay ang mas kilala natin sa tawag na Epsom Salt. Marami rin itong gamit at benepisyong hatid. Ginagamit ito topically sa pamamagitan ng pagbabad ng paa, o sa paliligo. Kung masakit ang katawan, may cramping ang mga paa, maganda itong gamiting pangbabad. Magbibigay ng relaxation sa paa at katawan. Maaari ring gumawa ng mga scrubs gamit ang epsom salt.

Gamit at benepisyo ng epsom salt

Meron kayong makikita o mababasa diyan na iniinom ang diluted na epsom salt at ito raw ang solusyon nila sa kanilang constipation at pampapayat. FOR THE LOVE OF HEALTH!!! Huwag pong tularan yan. Internally, pwedeng gamitin ang epsom salt, pero kung gagamit man nito orally, magtanong muna sa inyong doktor ay hindi araw araw.

Ano ang magnesium chloride

Ang magnesium chloride naman ay may oral form at topical form. Ang topical form na ginagamit ay ang klase ng magnesium na mas kilala natin sa tawag na magnesium (chloride) flakes. Ang magnesium flakes ay maaari ring gawing substitute ng epsom salt. Gamitin itong pang de-stress ng katawan. Maaari mo rin itong gamitin sa paggawa ng magnesium oil spray at cream para gamitin sa pagmamasahe.

Magnesium chloride o tinatawag ring magnesium flakes na gamit sa paggawa ng scrubs, spray, cream at iba pa.

Ang magnesium oil spray o cream ay napakadaling i-DIY kung meron kang magnesium flakes.

Paalala sa paggamit ng Oral supplement ng Magnesium

Importante na kung gagamit ng oral supplement ay paratiang kunin ang advice ng inyong doktor. Ito ay para mabili ang tama o akmang magnesium na kailangan ng iyong katawan. Pero importante parin na kumain ng mga pagkaing mayaman sa mga nutrisyon, mag exercise, iwas bisyo, huwag ma stress. Sa madaling sabi, isagawa ang healthy lifestyle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *