April 22, 2024
Mga balakubak sa buhok at anit

Sanhi at Natural na Lunas sa Balakubak

Sharing is Caring

Karamihan sa mga natural na lunas sa balakubak ay makikita mo sa iyong kusina. Pero bago dyan, ano ba ang balakubak? Ano ang sanhi nito? Ang pagtutuklap na nangyayari sa ating anit ay isang normal na proseso o pangyayari yan. Ngunit pagdating sa sitwasyon ng balakubak o dandruff sa lenguwaheng ingles, ang proseso ng pagtuklap ng balat ay mas mabilis at mas malalaking balat ang natatanggal.

Ano ang Balakubak o Dandruff

Ang mga puti sa anit at buhok na nakikita nyo ay mga dead skin. Ito ay makikita nyo sa mga taong may dry scalp at balakubak. Ang dry scalp at balakubak ay halos magkapareho ng sintomas. Pwedeng may pangangati at pagtutuklap ng balat. Sa balakubak naman, may mga white flakes at ang anit at buhok ay oily. Kaya suriing mabuti kung anong kondisyon meron ang iyong anit.

Mga balakubak sa buhok at anit

Ano ang mga sanhi ng balakubak

1. Malassezia Globosa– ito ay isang yeast-like fungus na matatagpuan sa ating kutis at ng ating anit. Ayon sa article ng HeadandShoulders, ito ay natural na nasa ating katawan at nabubuhay sa natural oil (sebum) ng ating anit. Ang fungi na ito ay naglalabas ng enzyme na tinatawag na lipase at ito ang ginagamit sa proseso ng kanyang pagkain. Sa proseso, nagkakaroon ng sobrang produksyon ng free fatty acids na kung saan ito ay nakakairita sa ating anit. Bilang depensa ng ating anit, pinapapabilis naman nito ang ¬®desquamation¬® o pagtutuklap ng balat at yan nga ang nakikita nating flakes sa ating anit.

2. Hair care products– ang mga shampoo, conditioner at iba pang hair care products na ginagamit natin ay maaaring sanhi ng dandruff. Ang mga hair care products na gagamitin ay dapat angkop sa kondisyon ng iyong buhok at anit. Iwasan ding gumamit ng mga produkto na may matatapang na kemikal.

Iba't ibang uri ng shampoo at conditioner. Mga hair care products sa isang tabo.

3. Hindi tamang pagligo– ang hindi tamang pagligo ay nakikita rin na isang dahilan ng pagkakaroon ng balakubak. Ang shampoo ay ginagamit nating para matanggal ang mga duming dumikit sa ating anit at buhok at mga dead skin cells. Sa hindi tamang pagsabon at pagbanlaw nito, naiipon ang mga dumi at dead skin sa ating anit at buhok at siempre ang residue ng ginamit na shampoo.

4. Hair treatment– ang mga hair treatment kagaya ng rebonding, pag papakulot, pagkulay ng buhok, atbp, ay maraming kemikal na nakakasira sa ideal na PH ng ating anit.

5. Nutrisyon– ang nutrisyon ay may malaking papel na ginagampanan. Pag tama o husto ang nutrisyon na nabibigay natin sa ating katawan, kaya nitong labanan ang mga mikrobyo kagaya ng fungi.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa selenium, vitamin a, vitamin c, vitamin b6, biotin, zinc. Sa madaling salita, kumain ng iba’t ibang uri ng pagkaing prutas at gulay. Ang mga pagkain parin ang pinaka magandang source ng nutrisyon. Dahil sa paraan na yan, makukuha at balanse ang mga nutrisyong hatid natin sa ating katawan.

Ang mga natural na lunas sa balakubak

Maraming iba’t ibang uri ng mga natural na lunas para sa balakubak. Mga simpleng paraan pero epektibo at ligtas.

  1. Baking soda– ang isa sa mga maraming benepisyo ng baking soda ay maaaring gamitin ito na lunas sa balakubak. Haluan ng baking soda ang shampoo na gamit. Imasahe ang buhok ng ilang minuto. Banlawan. Gawin ito dalawang (2) beses sa isang linggo lamang.
Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

2. Apple cider vinegar– ito ay ginagamit din bilang natural na lunas sa problemang ito. Kung wala namang magamit na apple cider vinegar, maaaring substitute ang white vinegar.

Apple cider vinegar at sakit ng ulo

3. Honey– ang honey ay may anti-fungal properties na maaaring makalunas sa balakubak. Haluan ng 1 kutsaritang tubig ang bawat 1 kutsarang honey. Ito ay para mapanipis ang lapot ng honey. Ipahid ito sa anit, imasahe ng bahagya. Balutin ang ulo ng shower cap. Pabayaan ng kahit tatlong oras. Pagkatapos ng proseso ay banlawan ng maligamgam na tubig, mag-shampoo. Magre-apply kung kinakailangan o wisikan ng tubig at imasahe ulit ang anit.

Mga benepisyo at gamit sa honey

4. Mga Spices & Herbs– marami ring mga herbal na lunas sa balakubak na makikita nyo lang sa inyong kusina.

Iba't ibang uri ng pampalasa na gamit bilang natural na lunas sa iba't ibang karamdaman.

5. Mga langis– maraming essential oils at carrier oils na maaaring gamitin sa problema ng balakubak. Ang halimbawa ng essential oils na makakatulong sa lunas ng balakubak ay ang, ginger essential oil, rosemary essential oil, Tea tree essential oil. Pagdating naman sa carrier oils o fixed oils, ang langis ng niyog, castor oil, jojoba oil ay ang mga halimbawa.

Iba't ibang uri ng langis, essential oils at carrier oils na lunas sa balakubak,

6. Prutas at root crop– mula sa mga iba’t ibang uri ng pagkain, makakakuha ka ng natural na lunas sa balakubak.

Apatot/noni fruit

May dalawang paraan ng paggamit ng noni fruit para sa balakubak. Magpakulo ng noni fruit at gamitin itong hair rinse o panghuling banlaw sa buhok. Ang pangalawa ay ang pagpahid ng katas ng noni fruit sa anit. Maaaring gumamit ng blender o juicer.

Calamansi, lemon o lime

Maaaring gumamit ng calamansi, lemon o lime. Ipahid ang katas sa anit at imasahe ito. Ibabad ng hindi bababa ng 30 minutos at banlawan.

Balakubak at lemon. Paano gamitin ang lemon sa balakubak.

Red beet

Para makuha ang katas ng redbeet, gamitan ito ng shredder na may pinakamaliit na butas. Haluan ng 1 kutsarang apple cider vinegar o white vinegar ang 5 kutsarang katas ng redbeet. Ipahid ito sa anit. Ibabad ng 30 minutos, mag re-apply kung kinakailangan. Maligo.

Mga benepisyo at gamit sa redbeets.

7. Clays

Bentonite clay

Bukod sa paggamit sa balat, ang bentonite clay ay maaari ring gamitin sa ating anit para sa problema sa balakubak. Paghaluin ang mga sumusunod;

3-4 na kutsarang clay

1 kutsarang apple cider vinegar

3-5 kutsara ng tubig

1 kutsaritang langis sa balakubak na carrier oil

2-4 na patak ng langis na essential oil (optional)

Ipahid ito sa anit, pabayaan ng 30 minutos. Paliguan.

Ang consistency ng mixture ay hindi kasing lapot ng mixture na ginagamit sa mukha.

Fuller’s earth clay

Ang paggamit naman ng fuller’s earth clay sa anit ay simple rin. Haluan ng tubig ang 3-5 kutsarang pulbos. Dahan dahang haluan ng tubig para sa consistency na hindi masyadong malapot at hindi masyadong malabnaw, paste like consistency lang. Ibabad sa buhok ng hanggang 30 minutos. Paliguan.

Mga bagay na dapat iwasan

  1. Mga pagkain- umiwas sa mga pagkaing, gawa sa mga white flour o harina, matatabang pagkain, mga pagkaing prinito. Ang mga processed foods at matatamis ay kailangang iwasan.
  2. Mga inuming mataas sa caffeine- kagaya ng kape, softdrinks, energy drinks.
  3. Umiwas sa paninigarilyo.
  4. Hair care products at hair treatment- umiwas sa mga hair care products na matatapang. Bigyan ng tamang rest period ang anit at buhok mula sa mga kemikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *