April 22, 2024
Mga pagkaing mayaman sa Zinc minerals

Benepisyo ng Zinc Mineral sa kalusugan

Sharing is Caring

Ang zinc ay isang ” essential mineral” na ibig sabihin, ito ay mineral na kinakailangan at importante sa katawan. Kaya kailangan na ang ating pagkain ay may taglay ng mineral na ito. Kung wala ito, hindi magpa-function ng tama ang ating katawan.

Halimbawa:

Sa ating Digestive System/Sistemang Panunaw (sistemang dehestibo) sa simple at pinaikling paliwanag, ang tamang proseso nito;

>Tayo ay kakain ( umpisa ng digestion)→ ia-absorb o sisipsipin ang kailangang (nutrients) ng ating katawan→ at kung ano ang hindi kailangan ay dadaan sa proseso ng → ekskresyon (excretion) .

Ang zinc ay nagpapatibay at nagpapalakas ng ating sistemang immuno o immune system, para labanan at protektahan ang katawan sa mga sakit na maaaring dumapo sa ating katawan.

Benepisyo ng zinc mineral sa kalusugan

1. Pinapalakas at pinapatibay ang ating immune system.

2. Acne/Pimples (tigyawat)- napag-alaman na sa ginawang pag-aaral, nakatulong ang zinc bilang gamot sa kondisyon ng acne ( acne vulgaris). Nakitaan din sa mga pag-aaral na ang mga taong may kondisyong acne vulgaris ay may mababang zinc sa kanilang katawan.

3. Stretch marks/Striae– ang zinc kagaya ng vitamin c ay may abilidad sa produksyon ng collagen. Ang collagen ay pinapatibay ang balat mula sa ”pagkabanat” sanhi ng pagbubuntis, biglaang pagtaba at pagpayat. Naniniwala rin ang mga eksperto na ang mineral na ito ay nakakatulong din sa pag kumpuni (repair) ng balat.

Sanhi ng stretch marks o striae

4. Alzheimer’s disease– maraming ginagawang pag-aaral sa sakit na ito na kung saan ang teorya ng mga researchers, ang kakulangan ng zinc sa utak ng isang tao ay isa sa dahilan ng alzheimer’s disease.

5. Athlete’s foot/Alipunga– ang alipunga ay isang fungal infection. Sa kondisyon na kung saan ang alipunga ay matagal ng sakit at nagiging maintenance nalang ang foot powder para itago ang mabahong amoy, mas maganda na tignan kung tama ba ang nutrisyon na nakukuha ng iyong katawan.

6. Diarrhea/Pagtatae– ang ating mga anak kung sila ay nagtatae,nagrereseta ang doktor ng oresol kagaya ng pedialyte. Ayon sa WHO/World Health Organization ang zinc supplementation ay nirerekomenda para i-manage ang pagtatae. Ito ay para mapalitan ang nawawalang nutrisyon, electrolytes, at palakasin ang immune system ng mga bata.

7. Fatigue/Pagkahapo– pag madali kang mahapo o mapagod ng wala naman dahilan- back to basic ka- check and assess mo kung nakakatanggap ba ng tama at sapat na nutrisyon ang iyong katawan.

Image by Pitsch from Pixabay

8. Infertility o pagkabaog- ayon sa isang article, para daw maging malusog, mag mature, at maging handa sa fertilization ang ”itlog” ng isang babae, ito raw ay nangangailangan ng mineral na zinc. Pagdating sa mga kalalakihan, ito rin daw ay mahalaga sa kanilang fertility.

9. Prostate enlargement–  ang isa sa tungkulin ng prostate gland ng isang lalake sa sistemang reproduktibo (reproductive system) ay para maglabas ng likido para pahabain ang buhay ng semilya sa loob ng ari ng babae. Binabalanse nito ang ph level para humaba ang buhay ng semilya na kung saan ang environment ng ari ng babae ay acidic.
Ang prostate enlargement ay hindi naman cancerous pero magkakaroon ng iba’t-ibang komplikasyon at isa dito ay ang problema sa- alam mo na ;D
Ayon sa isang artikulo , ang zinc daw ay maraming benepisyo sa mga kalalakihan at isa na nga ito sa kalusugan ng kanilang prostate gland.

10. Growth and development– pagdating sa growth and development, ang benepisyo ng zinc mineral sa katawan ay meron din importanteng papel na ginagampanan. Mula sa sinapupunan, kapanganakan, at hanggang puberty age.

Importante na bigyan natin ng importansya ang kinakain natin sa araw-araw para maging malusog ang ating pangangatawan sa paglaban ng mga sakit na maaaring dumapo. At kung maisipang gumamit ng supplement sa ano mang bagay, importante na maging maingat, ugaliin na magtanong sa iyong doktor. Huwag ding kakalimutan na ang pagkain ay ang pinakamainam paring paraan na pagkukuhanan ng nutrisyon na ito.

Mga pagkaing bilang lunas

Mga Pagkaing mayaman sa Zinc

Ang ilang mga pagkaing mayaman sa Zinc mineral ay makukuha sa iba’t ibang uri ng pagkain kagaya ng beans & peas, nuts, mga fish & poultry products.

Halimbawa:

1. Poultry products- maraming mga poultry products na mayaman sa zinc. Pero ang pinakamayaman dito ay ang karne ng manok.

2. Legumes- kagaya ng beans, peas.

3. Sea foods- halimbawa naman ng sea food na mayaman sa zinc ay ang talaba o oyster sa ingles.

4. Meat products- bukod sa karne ng manok, ang mineral na ito ay makukuha mo rin sa pagkain ng karne ng baka.

5. Seeds- kagaya ng buto ng kalabasa.

6. Nuts- isa ring source ang iba’t ibang uri ng mani kagaya ng peanut, almond cashew at iba pa.

7. Dairy products- ang gatas ay maaari mo ring natural na source ng zinc mineral.

8. Whole grains- brown rice, wheat.

9. Dark chocolate- 70% pataas.

Para makamtan ang malusog na pangangatawan, importante ang balanced diet sa pamamagitan ng pagkain ng iba’t ibang uri ng pagkain, mag-exercise, iwas sa mga bisyong masama sa kalusugan, umiwas sa mga bagay na nakakasira sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *