April 22, 2024
Magnesium oil spray at magnesium cream na gawa sa magnesium chloride flakes.

Paano gumawa ng magnesium oil spray at cream

Sharing is Caring

Ang magnesium flakes ay isang uri ng magnesium na tinatawag na magnesium chloride. Ang magnesium flakes ay isang alternatibo ng epsom salt na kilala rin sa tawag na magnesium sulfate. Ang magnesium flakes ay maaari mong gamitin sa paggawa ng magnesium oil spray o magnesium cream. Ang DIY spray at cream ay maaaring gamitin sa pagmamasahe para i-relax o ibigay ang benepisyo ng magnesium sa pamamagitan ng ating balat.

Sa paggawa ng spray at cream, sa cream ako nahirapan sa formulation at rate ng mga ingredients. Sa spray ay napaka simple lamang, kung magkamali ka man sa dami ng isa sa mga ingredients, ok lang. Kasi ano ba naman ang magiging problema dito, eh, liquid product naman ito.

Napakarami kong failed attempt sa paggawa ng magnesium cream massage. Sa unang paggawa ko nito, ang plano ko noon ay gumawa ng merong lotion consistency. Pero hindi ko nagawang maging lotion like dahil ayaw talagang mag emulsify. Gumamit ako ng iba’t ibang uri ng emulsifier at co-emulsifier, pero wala parin. Kaya nag give up na ako sa goal na gumawa ng magnesium lotion.

Ang sunod ko namang plinano ay ang gumawa ng cream, andami ko ring ulit mga palpak. Mga tatlong attempts bago ko na-achieve ang tamang consistency at stability ng cream. Sa mga failed attempts ko, ang output ng produkto ay jelly-like. At kung pinahid mo at minassage mo sa balat, ito ay grainy.

Kaya plano ulit, adjust sa mga formula- dagdag-bawas, hanggang sa nakagawa ako ng magnesium cream massage na happy ako sa kinalabasang produkto. 🙂 Tama ang consistency, texture, stable at spreadable na cream.

Pero bago ang recipe at kung paano gumawa ng magnesium cream, ang magnesium oil spray muna ang ating gagawin.

Paano gumawa ng magnesium oil spray gamit ang magnesium flakes

Simplehan natin ang paggawa ng magnesium spray, mangangailangan ka lang ng apat na sangkap sa produktong ito. Pero kung gusto mong mas simple, distilled water at magnesium flakes ay OK na.

Ang magnesium oil spray na gawa sa magnesium chloride flakes.
  1. Magnesium flakes- 70.5 grams
  2. Distilled water- 71.25 grams
  3. Vegetable glycerine- 4.5 grams
  4. Menthol crystals- 3 grams

Paraan ng paggawa

  1. Magpakulo ng tubig na gagamitin sa hot water bath.
Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

2. Paghaluin ang distilled water at menthol crystals at ilagay sa hot water bath. Maaaring gumamit ng hydrosol bilang substitute ng tubig.

3. Pag tunaw na ang menthol sa tubig, ilagay na ang magnesium flakes at antaying matunaw ito. Ang menthol crystal ay mamumuong ulit pagkalipas ng ilang oras.

Magnesium flakes na kilala rin sa tawag na magnesium chloride

4. Pag tunaw na ay hanguin ito sa mula sa hot water bath at ilagay ang vegetable glycerin. Haluing mabuti hanggang sa fully incorporated na ang mga likido.

Vegetable glycerin na gamit sa paggawa ng skin and hair care products.

5. Ilagay sa bottle spray.

6. Alugin bago gamitin.

Gusto panoorin ang video ng paggawa ng magnesium oil spray?

Ang spray na ito na gawa sa magnesium ay tinawag na ¨magnesium oil¨ dahil kung ife-feel mo ang texture ng diluted na flakes, oily ang texture nito. Kung sa tingin nyo ay masyadong oily ang texture ng kinalabasan ng produkto, magbawas lamang ng glycerin. Observe din ang menthol crystals dahil ito ay mamuong ulit. Maaaring tunawin ito gamit ang langis.

Mga iba pang sangkap na maaaring gamitin sa paggawa ng magnesium oil spray

May mga sangkap na maaaring idagdag sa paggawa ng magnesium oil spray. Maaaring kayong magdagdag ng essential oil, carrier oil at preservative.

Pero dito sa magnesium spray, gusto kong manatili itong mas natural.

Paano gumawa ng magnesium cream massage gamit ang magnesium flakes

MGA SANGKAP:

  1. Distilled water- 20 grams
  2. Magnesium flakes- 20 grams
  3. Menthol crystals- 1 gram
  4. Castor oil- 30 grams
  5. Extra virgin coconut oil- 26 grams
  6. Emulsifying wax– 4 grams
  7. Beeswax- 5 grams
  8. Cetyl alcohol- 3 grams
  9. Stearic acid- 1 gram
  10. Vitamin e- 3 gel capsules
  11. Eucalyptus essential oil- 10-20 drops
  12. Preservative- Q.S
Magnesium cream massage na gawa sa magnesium flakes.

PARAAN NG PAGGAWA

1.Magpainit ng hot water bath.

Hot water bath na gamit sa pagpapainit o pagtunaw sa paggawa ng DIY cosmetics.

2. Pagsamahin ang tubig, magnesium flakes at menthol crystals at ilagay ito sa hot water bath hanggang sa matunaw ang mga solid ingredients.

Magnesium flakes na kilala rin sa tawag na magnesium chloride

3. Sa isang lalagyan, pagsamahin ang castor oil, extra virgin coconut oil, emulsifying wax, beeswax, cetyl alcohol at stearic acid. Ilagay din ito sa hot water bath hanggang matunaw ang langis at ang mga emulsifiers.

Castor oil na gamit sa paggawa ng mga skin and hair car products.
Mga benepisyo at gamit sa langis na extra virgin coconut oil
Stearic acid na gamit sa DIY cosmetic products.

4. Hanguin ang mga ito pag tunaw na.

5. Gamit ang blender, umpisahan ang emulsification process. Ibuhos ang water ingredients sa oil ingredients. I-blend ang mga ito ng mga 2-3 minutes. Itabi at antaying bumaba ang temperatura sa room temperature.

Immersion blender gamit sa pag mix o paghalo ng mga DIY cosmetics.

6. Ilagay ang vitamin e at muli itong i-blend.

7. Ilagay ang essential oil kung nais mong lagyan nito. Haluin at muling i-blend.

8. Ilagay ang preservative. Ang preservative ay depende sa gagamitin mo. I-blend muli hanggang maging creamy na ang consistency.

Panoorin ang video ng paggawa ng magnesium massage cream?

Mga gabay sa paggawa ng magnesium spray at cream

  1. Konti lamang ang gawing magnesium oil spray kung hindi lalagyan ng preservative. Kung maramihan ang gagawin siguraduhing gumamit ng preservative para hindi masira. Parating alugin muna ang spray bago gamitin.
  2. Ang final consistency ng magnesium cream ay makikita after 24 hours.
  3. Maaaring magkakaiba tayo ng mga emulsifying wax na magagamit, you may need to add more or use less.

Paano gamitin ang magnesium spray at magnesium cream

Paano gamitin ang Magnesium oil spray

Maaaring gamitin kahit kailan gusto. Maaari mo itong gamitin pagkatapos maligo, bago matulog, kung nangangalay o namamanhid ang katawan. Ang sabi ng iba, sa panahon daw na may paninikip sa kanilang dibdib, nag-i-spray sila ng magnesium oil.

Paano gamitin ang Magnesium cream massage

Ang magnesium cream ay parang magnesium oil spray din ang paggamit. I-apply ito sa legs, hita, o sa buong katawan. Gamiting massage cream.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *