April 22, 2024
Bitamin a o vitamin a. Mga benepisyong hatid sa kalusugan ng katawan , buhok at balat o kutis

Ang mga benepisyo ng Vitamin A sa kalusugan

Sharing is Caring

Vitamin A

Ang Vitamin A ay mula sa grupo ng Fat Soluble Vitamins (A,D,E,K). Ito ay isa ring antioxidant na lumalaban sa free radicals na nakakapinsala sa ating kalusugan. Naalala nyo pa ba noong tayo’y nasa elementarya? Ang ”kalabasa” ay pampalinaw ng mata. Dahil ang vitamin A ay may mahalagang tungkulin sa ating mata. Bukod sa benepisyo sa ating paningin, may benepisyo rin ito sa kutis, buhok, buto, at iba pang tissues sa ating katawan.

Mga pagkaing mayaman sa Vitamin A

May 2 uri ng vitamin a at ang mga klase ng pagkain na kung saan ito ay iyong makukuha.

A. Preformed Vitamin A

Ang uring ito ay makukuha mo sa mga pagkaing sumusunod:


1. Liver/atay- meat products,kagaya ng atay ng manok, atay ng baka,etc
2. Isda- karamihan ng isda na mabibili sa palengke ay mataas sa vitamin A.
3. Cheddar
4. Butter
5. Eggs

B. Provitamin A
Ang uring ito ay tinatawag ding Carotenoids na makukuha sa mga sumusunod na pagkain at ilan lang ito sa mga maraming pang pagkain na masustansya sa bitamina A:
1. Sweet potato/Kamote
2. Squash/Kalabasa
3. Carrot
4. Bell pepper
5. Malunggay/Moringa
6. Spinach
7. Lettuce ( romaine)

Ang carotenoids na mula sa mga pagkaing ito ay iko-convert ng ating katawan para maging Retinol (Vitamin A) kung kinakailangan.

Sa tamang pahahanda ng pagkain sa ating hapagkainan ay mabibigyan natin ng tamang nutrisyon na kailangan ng ating katawan. Hindi kumplekado ang usapin ng nutrisyon, ang importante ay alamin ang mga benepisyo ng mga pagkain kung meron itong Vitamins, Minerals, at iba pang nutrisyon upang tayo ay maging malusog. At higit sa lahat, maghanda at kumain ng iba’t ibang uri ng prutas at gulay sa araw araw para sa balanseng nutrisyon .

Mga pagkaing masustansya sa bitamina at mineral

Ang mga benepisyo ng Vitamin A sa kalusugan ng kutis, buhok, at kuko

Ang vitamin a ay maraming benepisyo sa kutis, buhok, at kuko. Importante na i-nourish natin ang ating katawan sa pamamagitan ng pagkaing mayaman sa bitaminang ito. Dahil kung ano ang pinapasok mo sa loob ng iyong katawan, makikita mo ito sa iyong panglabas na anyo.

  1. Melasma/age spots/wrinkles
  2. Stretch marks
  3. Acne (Pimples)/tigyawat
  4. Large pores/Sebum control
  5. Buhok- nakakatulong ang vitamin a sa problema ng paglalagas at pagkapanot ng buhok.
  6. Kuko

Maraming mga paraan ang pwedeng gawin para maincorporate ang vitamin A sa iyong skin care o beauty regimen ng hindi gumagastos ng malaki o gumamit ng mga tsipipay na cosmetic products na delikado sa kalusugan. Gumawa ng mga ”DIY” skin care products na mula sa mga natural na sangkap na mayaman sa bitaminang ito. Sa ganitong paraan alam mo na nabibigyan mo ng tamang nutrisyon ang iyong kutis at malaya mula sa mga mapinsalang chemicals na nabibili sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *