April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng malunggay sa kalusugan ng katawan, kutis o balat at buhok

Mga Benepisyo ng Malunggay sa Kalusugan ng Katawan

Sharing is Caring

Ang lola ko sa probinsya noon ay maraming tanim na malunggay. Avid listener ni Ka Ernie Baron na talagang intense ang pagpromote sa mga benepisyo ng malunggay. Meron sa harap, gilid at likod ng bahay. Ako ay typical na bata noon, ayaw sa gulay. Kung malunggay ang ulam, matamlay ako kumain. Gusto ko karne ng manok, baka o baboy. Pero pag lumaki ka na at naintindihan ang kahalagaan ng tamang nutrisyon sa katawan, iisipin mong sana innate nalang sa mga bata na magustuhan ang gulay agad agad. Ngayon na gusto mo na silang kainin, hirap ng maghanap ng masustansyang gulay na ito.

Ayon sa sciencedirect ang malunggay o Moringa sa ingles ay sinasabing nag originate sa bansang India. At dahil sa medicinal properties nito, tinatawag din itong ¨miracle tree o mother’s best friend¨ .

Napakarami mong makikitang supplements sa mga health stores pati na rin sa pharmacy dahil maraming claims na benepisyo ang malunggay.

Mga Benepisyo ng Malunggay sa Kalusugan ng katawan

Napakaraming benepisyong hatid ng malunggay na binanggit ang healthline sa kanilang article:

  1. Mayaman ito sa Bitamina kagaya ng vitamin c at vitamin e na mga antioxidants.
  2. Natural source ng mga mineral kagaya ng iron at zinc.
  3. Meron din itong 9 na amino acids na hindi mo makikita sa ibang mga uri ng gulay.
  4. Nakakatulong ito sa may manas.
  5. Prinoprotektahan ang atay mula sa pinsala ng mga gamot.
  6. Maaaring makagamot at maiwasan ang kanser.
  7. Makakatulong sa iba’t ibang uri ng sakit ng tiyan.
  8. Ang malunggay ay meron ding daw antibacterial, antifungal at antibacterial properties.
  9. Dahil sa mayaman ito sa calcium at phosphorous, makakatulong ito na patibayin ang buto.
  10. Makakatulong din daw ang malunggay sa depression, anxiety at fatigue.
  11. Ang malunggay daw ay mataas sa antioxidant kaya makakatulong ito na patibayin ang puso para maiwasan ang pagkasira nito at mapanatili ang malusog na puso.
  12. Nakakatulong sa paghilom ng sugat at sa pagbuo ng peklat.
  13. Makakatulong din daw ang moringa sa sakit na diabetes.
  14. Maaari din daw itong makatulong sa mga taong may asthma.
  15. Prinoprotektahan din daw nito ang mga kidney.
  16. Dahil sa isothiocyanate at niaziminin na meron ang malunggay, nakakatulong daw ito sa highblood pressure para hindi tumigas ang mga arteries sa katawan
  17. Makakatulong din daw ang malunggay sa kalusugan ng mga mata.
  18. Ang malunggay daw ay makakatulong sa katawan ng isang tao na i-absorb ang iron. Sa paraang ito maiiwasan ang sakit kagaya ng anemia at sickle cell disease.

Sa dinami dami ng nabanggit ng healtline na benepisyo ng malunggay sa kalusugan, DESERVED ang pangalang MIRACLE TREE.

Ang swerte ng mga nasa probinsya na kung saan ay may oportunidad na magtanim ng halamang ito. Maaari kayong magtanim para sa pansariling pagkain o magtanim para ibenta. Sa panahon ngayon na maaabot mo na ang dulo ng Pilipinas dahil sa internet- maaari itong maging business. Imagine ang gulay na halos hindi mapansin sa probinsya ay isa palang multi million peso business. Milyones ang halaga ng market ng Malunggay lalo na sa ibang bansa na kung saan ang halaman ng malunggay ay hindi tumutubo.

Para naman sa kagaya kong hirap maghanap ng gulay na ito, merong nabebentang dried na pero buo buo pa. Yan ang ginagamit ko minsan sa pagluluto, paggawa ng shakes, iniinom bilang tea o water malunggay, paggawa ng extract, paggawa ng oil infusion. Ang extract at infused oils nito ay ginagamit ko sa aking mga DIY na produkto sa hair & skin care.

Gamit at benepisyo ng Malunggay sa Balat

Ang malunggay ay mayaman sa tinatawag na A.C.E vitamins. Ito ang mga bitamina na mataas sa antioxidant. Sa mga bitaminang ito, makakatulong ang mga ito sa production ng collagen, anti aging at anti inflammatory. Maaari mo ring gamitin ang malunggay sa iyong balat. Maaari mo itong gawing face pack. Isang natural na paraan ng pagaalaga ng ating balat.

Paano gamitin ang malunggay sa Balat

Maaaring gumamit ng fresh o dried leaves nito. Dikdikin mo lang ito ( fresh leaves ) at ito ang itapal sa bagong hilamos na mukha. Nourishing ito sa balat. Kaya kung kaya at hindi ka tinatamad, maaari mo ito gawin araw araw. Kung dried malunggay naman, maaari mo itong haluan ng hydrosol. Kaya dikdikin muna para maging pulbos.

Paano gamitin ang Malunggay sa paggawa ng Hair & Skin care Products

Ang malunggay ay maaaring gamitin sa paggawa ng skin & hair care products. Maaari kang gumawa ng extract nito o gumawa ng oil infusion. Ang extract ng malunggay at ang malunggay infused oil nito ay maaari mong gamiting sangkap sa paggawa ng moisturizers, lotion, toners, shampoo o conditioner ng buhok.

Paano gamitin ang malunggay extract

Ang buto o ang dahon ng malunggay ay maaaring gawing exract. Magagamit mo ang extract bilang ingredient sa paggawa ng hair and skin care products.

Paano gamitin ang malunggay oil

Ang langis naman ng malunggay o moringa seed oil ay magagamit mo rin sa iyong mga DIY skin & hair care products. Ang paggamit nito ay kagaya rin ng iba pang uri ng carrier oils.

Two years ago ang huli kong gamit ng moringa seed oil. Napakaganda nito sa balat dahil pag pinahid mo, hindi yung usual na langis na- malangis talaga sa mukha. Ang texture ng skin mo ay SILKY at hindi OILY.

Paraan ng paggawa ng moringga seed oil

Ang moringa oil ay mula sa buto ng bunga ng malunggay. Ang buto raw ng malunggay ay didikdikin at papakuluan ng ilang minuto. Sasalain at papabayaan overnight para lumutang ang natural na langis nito.

Malunggay Oil gamit ang dahon

Wala akong access sa bunga ng malunggay. Ang ginagamit ko sa paggawa ng malunggay oil infusion ay ang tuyong dahon ng malunggay. Meron talagang malaking pagkakaiba ng dahon at buto ng malunggay.

Gamit at benepisyo ng malunggay sa kalusugan ng katawan, kutis o balat at buhok
PAANO GUMAWA NG MALUNGGAY INFUSED OIL

Kaya kung may access kayo sa bunga ng malunggay, try nyo gumawa ng DIY moringa seed oil. Sulit ang magiging effort ninyo dito dahil maganda talaga ang langis na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *