April 22, 2024
Ang mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko

Ang mga benepisyo ng Vitamin E sa Kutis, Buhok, at Kuko

Sharing is Caring

Vitamin E

Ang vitamin e ay isa sa mga ”Major Antioxidants” na lumalaban sa mga pinsala na dulot ng ”Free Radicals”. Bago tayo dumako sa mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko, dumako muna tayo sa mga benepisyo ng vitamin e sa pangkalahatang kalusugan.

Dahil sa antioxidant effect ng vitamin e, ito raw ay may benepisyo sa ating immune system, puso, sa mata, at nakakatulong na labanan ang pagbuo ng mga cancerous na cells. Ibig sabihin, prinoprotektahan tayo ng bitaminang ito mula sa mga sakit sa pamamagitan ng pagpapatibay at pagpapalakas ng ating immune system.

Sa ating bansa, marami ring naglipanang mga vitamin e supplements. At ang marketing spiel nila ay ¨pampaganda¨ at hindi para sa malusog na katawan. Siguro pag ang isang produkto ay gagamitin ang salitang ¨pampaganda¨ ng panlabas na anyo, siguradong papatok ito. At sa kasamaang palad, ang mga supplements na ito ay mukhang naaabuso ng mga mamimili. Ang ating kalusugan ay isang kayamanan na kailangan ingatan. Huwag padadala sa mga ¨hype¨, obligasyon natin ang ating kalusugan at kalusugan ng ating mahal sa buhay. Magresearch, magtanong, magimbestiga.

Ang mga benepisyo ng vitamin e sa kutis, buhok, at kuko

Pagdating naman sa cosmetic products mapapansin nyo na ang mga ginagamit nyong lipstick, lotion, facial cream, shampoo ay may sangkap na vitamin e. Sa packaging nila ang nakalagay dito ay, ” with vitamin e”. Dahil ito sa mga benepisyong hatid sa ating kutis, buhok at kuko.

  1. Kutis– ang kutis natin ay ang ating ”first line of defense” mula sa mga free radicals. Sa kakayahan nito bilang antioxidant napipigilan at nababawasan nito ang formation ng wrinkles, age spots sa ating kutis. Nakakatulong din ito sa problema sa stretch marks Pagdating naman sa peklat, nakakatulong din daw ito na mabawasan ang formation ng keloid at peklat.
  2. Buhok– ang vitamin e ay nakakatulong din sa buhok para mapatibay ang bawat hibla, pinapabuti ang paglago at pagtubo ng buhok. At sa katunayan, ginagamit din ang vitamin e bilang natural na lunas sa mga problema ng buhok kagaya ng split ends, dryness, dandruff, pangangati ng anit, abnormal na pagkalagas o pagkapanot.
  3. Kuko– ang ating mga kuko ay tumatanda rin, dahil dyan, ito ay nagiging marupok at naninilaw ang kulay. Isa pang dahilan kaya naninilaw at nagiging marupok ay ang mga chemicals na nilalagay natin. Ang mga nail polish, acetone at mga exposure sa mga tubig, dumi, ay may negatibong epekto rin sa ating kuko. Ang vitamin e ay isang maganda at epektibong solusyon sa problemang ito.

Mga pagkaing mayaman sa Vitamin E o Bitamina E

Iba parin kung ang source mo ng vitamin e ay mula sa natural kagaya ng mga pagkaing gulay at prutas. Kung magkakaroon ka ng balanced diet araw araw, maaaring hindi mo na kakailanganin uminom ng iba’t ibang uri suplemento.

  1. Broccoli
  2. Squash
  3. Asparagus
  4. Spinach and other green leafy vegetables
  5. Malunggay/Moringa
  6. Bell peppers
  7. Berries
  8. Kamatis/Tomatoes
  9. Avocado
  10. Mango
  11. Sweet potatoes/Kamote
  12. Peanut
  13. Almond

Paggamit ng vitamin e sa hair and skin care products

Maraming mga cosmetic companies ang nag-e-incorporate ng vitamin e sa kanilang produkto. At nag-umpisa silang gamitin ito 50-60 years na ang nakaraan. Napag-alaman kasi sa mga ginawang pag-aaral na hindi ka lang makikinabang sa benepisyo ng bitamina e sa pamamagitan ng pagkain o pag-inom ng supplement. Makikinabang din ang buhok, kuko at balat kung gagamitin ito topically.

Mga uri ng vitamin e na ginagamit sa paggawa ng cosmetics

Pag may nabasa kang tocopherol na nakalista sa likod ng produktong binili mo, yan ay ang vitamin e. Pero maraming uri ng vitamin e na ginagamit sa cosmetics at ang 4 na uri ang kadalasang ginagamit dito.

  1. D- alpha tocopherol Acetate
  2. Dl- alpha tocopherol acetate
  3. D- alpha Tocopherol
  4. DL- alpha Tocopherol

Kung concern kayo sa natural at synthetic na vitamin e, tignan lamang ang letra na D o DL. Pag sinabing D-alpha tocopherol acetate o D-alpha tocopherol, ito ay mula sa natural source. Pag nakita mo naman na may DL, ito ay synthetic.

Bakit importante ang vitamin e sa skin & hair care products

Sa mga DIY’ers na kagaya ko, bukod sa benepisyo ng bitaminang ito sa ating panlabas ng anyo, ito ay nakakatulong din sa pagpapatagal ng homemade skin and hair care products dahil ito ay ANTIOXIDANT. Lalo na kung oil based ang gagawing produkto kagaya ng face oil o oil serum, since hindi mo ito malalagyan ng preservative, antioxidant na vitamin e ang gagamitin mo.

Kahit na oil based ang ginawang produkto at hindi naman agad agad yan masisira, pag nilagyan ng vitamin e, lalong mapapatagal ang shelf life nito.

Kagaya ng konsepto ng anti-oxidant at free radicals sa ating katawan, ang vitamin e ay nakakatulong din para patagalin ang pagkasira ng produkto.

Kaya kung naisipang gumawa ng may diy na produkto para sa kalusugan ng iyong balat o buhok, huwag kakalimutan sa listahan ng mga bibilhin ang antioxidant na vitamin e.

Mga produktong maaaring gawin sa Bahay gamit ang Vitamin e

Bukod sa gagamitin ito bilang antioxidant o kasama sa mga sangkap ng mga cosmetic products, maaari mo itong gamitin bilang main ingredient ng isang produkto kagaya ng;

1.Basic Vitamin e serum

2. Basic Vitamin e face moisturizer

Vitamin e mositurizer na gawa sa bahay gamit ang vitamin e na maraming benepisyong hatid sa balat o kutis

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *