April 22, 2024
Johnsons baby powder na gawa sa talc na may lavender scent.

Bakit sinabing nagdudulot ng CANCER ang JOHNSON’S BABY POWDER

Sharing is Caring

Matagal ng sinasabing nagdudulot ng cancer ang Johnson’s baby powder. Pero hindi ito nagbigay ng negative impact sa mga Filipino consumers. Dahil ito parin ang paboritong pulbos na ginagamit sa mga baby at ng mga kababaihan. Sa katunayan, kung pupunta ka sa groceries ang brand na ito ang may pinakamaraming display sa shelf.

Sa mga advertisements naman ng brand na ito, pinapakita ang moment ng pagmamahal at pag-aalaga ng isang ina sa anak. At kung di ako nagkakamali, sila ang may advertisement sa touch therapy. Haplos ng ina at ang pulbos ng Johnson’s, equals PAGMAMAHAL. Kadalasan rin sa mga advertisements na pinapakita ay ang paglalagay ng pulbos sa dibdib ni baby.

Si baby nakahiga, isang kamay ni nanay sa bote ng johnson’s baby powder at ang isa naman ay sa dibdib ng sanggol. Parang diretsong tinataktak ng ina ang pulbos sa dibdib ng anak.

Ano ang main ingredient sa paggawa ng Baby Powder

Ang main ingredient sa paggawa ng baby powder ay ang TALC. Hindi lang ang johnson’s baby powder ang gumagamit nito kundi lahat ng brand na makikita mo sa pamilihan.

Talc na ginagamit sa cosmetic products lalo na sa paggawa ng baby powder.

Ang talc ay maganda ang texture at talagang kumakapit sa balat at inaabsorb talaga ang moisture. Dahil sa maganda itong mag absorb, hindi lang ito ginagamit sa baby powder. Makikita rin itong sangkap sa mga foot powder, body powder, cream, lotion, makeup kagaya ng lipstick, foundation, eye shadow, eye liner, face powder etc. Bukod sa texture at kapasidad na mag absorb, ito rin ay sinasabing murang sangkap. Kaya mas marami pang tubo ang makukuha nila sa produkto.

Bakit nagbibigay ng CANCER ang Johnson’s Baby Powder

Ang kumpanyang Johnson & Johnson ay marami ng hinarap na lawsuits. Ayon sa mga nagdemanda sa kanila, nakuha raw nila ang cancer dahil sa paggamit ng kanilang produkto.

Ang kaunaunahang nagdemanda sa kumpanya ay si Deane Berg noong 2009. Ito raw ang sanhi ng kanyang sakit na Ovarian cancer. At libo libo pang kababaihan ang nagdemanda sa kanila dahil kagaya ni Deane Berg, sila rin ay nagkaroon ng cancer. At ang karaniwang klase ng cancer na meron sila ay ang ovarian cancer.

At ang lahat ng dahilan ng cancer na yan ay dahil sa Talc na ginamit sa baby powder.

Bakit nagiging dahilan ng CANCER ang Talc

Ang sinasabing dahilan ng cancer ay hindi ang TALC kundi ang kontaminasyon nito ng isa pang mineral na tinatawag na Asbestos. Nagkakaroon ng kontaminasyon ng asbestos sa talc dahil sa parte ng lupa kung saan namimina ang talc, malapit lang ang lugar kung saan namimina ang asbestos.

Nasa side ng mga nagdemanda ang hustisya, dahil pinatunayan nila na alam ng kumpanya na ang produkto nilang baby powder ay contaminated ng asbestos pero wala silang ginawa.

Ano ang Asbestos at bakit masama ito sa Kalusugan

Ang asbestos ay isang mineral at meron itong dalawang uri; chrysotile at amphibole. Ang pinakamayaman sa mineral na ito ay ang Asbest Russia. Ang parehong asbestos ay sinasabing nagiging sanhi ng cancer. Ang asbestos ay parang mga sinulid o fibers at ito ay matibay sa init.

Asbestos na isang mineral na namimina sa lupa. Ito rin ang dahilan ng kontaminasyon sa talc.

Ang mineral na asbestos ay ginagamit sa paggawa ng mga insulation at iba pang materiales sa paggawa ng building o bahay. Ginagamit ito sa mga fire proof na mga bagay, kagaya halimbawa ng gamit ng mga bumbero dahil ang melting point ng asbestos ay nasa 1600 degrees fahrenheit.

Mga sakit na dulot ng Asbestos

Ang exposure o paglanghap asbestos ay sanhi ng ibat’ ibang uri ng sakit sa baga kagaya ng asbestosis, scarring of the lungs, sinisira nito ang DNA ng isang tao, nagbibigay ito ng iba’t ibang uri ng cancer at isa nga dito ang cancer na tinatawag na Mesothelioma.

Paano natin bibigyan ng conclusion ang paggamit ng pulbos na gawa sa talc? Safe unless contaminated ng asbestos? Siguro nga ito ay safe kung ang pag-uusapan ay ang mga sakit na idudulot ng asbestos.

Pero paano naman ang mga sakit na maaaring idulot ng TALC? Kahit pa sabihing ito ay puro at hindi kontaminado?

Mga sakit na maaaring dulot ng Talc

May mga claims na sinasabing ang purong talc na hindi kontaminado ng asbestos ay nagdudulot ng ovarian cancer. Pero yan ay pinadedebatehan at nagsasagawa parin ng mga research. Pero ang kasiguraduhan na masamang dulot ng talc ay ang Talcosis.

Isang sakit sa baga na sanhi ng paglanghap ng pulbos. Ang iba pang sakit na dulot nito sa baga ay asthma, pnemonia at ubo.

Balik tayo sa advertisement ng johnson’s baby powder, si baby nilalagyan ng pulbos ni nanay. Sa impluwensya ng media sa mga adverts na napapanood natin, we do the same. May mga bata na halos balot na sa baby powder, dahil sa mentalidad na pag may pulbos, alagang alaga at mahal na mahal ang bata. Tapos mapapaisip tayo, bakit may asthma o sakit sa baga ang bata? O kaya, bakit nagka cancer ang bata? Bakit may cancer ka?

Baby powder na talc free na gawa sa iba't ibang uri ng starch.

Maraming paraan para hindi ilagay sa peligro ang kalusugan ng anak o ng pamilya mo. Gumamit ka ng alternatibo. Kung pagsipsip rin lang ng pawis ang kailangan mo sa ginagamit mong talc, merong mga alternatibo dito. Maaaring gumamit ng gawgaw or cornstarch, arrowroot powder o iba pang uri ng starch. Ito ang gamitin mong baby powder na TALC FREE. At huwag masyadong pa impluwensya sa media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *