February 23, 2024
Ang mga dahilan ng paglagas ng buhok at pagkakalbo

Mga dahilan ng pagkalagas at pagkapanot ng buhok

Sharing is Caring

Kapag ang iyong buhok ay maganda ang bagsak, makintab, makapal, malambot at walang split ends, nagbibigay ito ng self confidence sa iyo, babae ka man o lalake. Pero kapag buhaghag, matigas, maraming split ends at manipis, ito ay nakakabawas sa self confidence. Sabi nga nila sa mga kababaihan, ang buhok ay ”Crowning Glory”. At madalas sa hindi, ang paglalagas ng buhok ay nakakabahala. Pero ano nga ba ang normal at abnormal na paglalagas ng buhok. At bakit nangyayari ito?

Mga dahilan ng paglagas ng buhok at pagkakalbo


     Una sa lahat, ang paglalagas ng buhok ay isang normal na proseso. Ang mga matandang buhok ay malalagas at mapapalitan ng panibago, ang sirang buhok (halimbawa: split ends) ay dadaan din sa proseso na kung saan ito ay makukumpuni. Meron silang panahon na mag rejuvenate at mag regenerate. Ang 50-100 piraso ng buhok na nalalagas sa isang araw ay normal lang daw. Kung ano man ang nalalagas, mapapalitan ito ng panibago.

Pero paano kung ang nalalagas ay parang hindi naman napapalitan dahil walang mga panibagong tubo at nagiging manipis na ito at naaaninag mo na ang iyong anit? Ito ay marahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang mga dahilan ng pagkalagas at pagkapanot

1. Lahi– ang pagnipis ng buhok o pagkapanot ay kadalasang namamana at nasa lahi. Sa mga caucasians o mga puti, sila ang mas prone sa hair loss pagdating sa race.

2.Edad– habang ang isang tao ay nagkakaedad, humihina rin ang katawan ng isang tao sa proseso ng ”rebuild & repair”

Ang isa dahilan ng pagkapanot ng buhok ay ang lahi

  3. Hormonal imbalance– ang estrogen ay ang pangunahing hormone ng kababaihan. Sa panahon ng pagdadalang-tao at menopause, bumababa ang estrogen sa katawan kaya nakakaranas ng paglalagas ng buhok.  

4. Stress– ayon sa isang artikulo, ang stress ay isa sa kadahilanan ng abnormal na paglalagas ng buhok. Ayon sa article, may 3 uri ng paglalagas ng buhok na nauugnay sa high stress levels.    

a. Telogen effluvium- tagpi-tagping pagnipis ng buhok.    

b. Alopecia areata- ay isang auto immune disease na kung saan ang hair follicles ay napipinsala.    

c. Trichotillomania– ito ay tinuturing na isang kondisyong mental na kung saan ang isang tao ay di mapigilang bunutin ang kanyang buhok.

  5. Nutrisyon– ayon sa artikulo ng ncbi ang kakulangan ng nutrisyon kagaya ng iron, zinc, niacin, fatty acids, selenium, vitamin D, vitamin A, vitamin E, folic acid, biotin, amino acids, at protina ( halimbawa: collagen) ay nagreresulta sa abnormal na paglagas ng buhok.

6. Sakit– ang mga ibat-ibang sakit na dahilan ng paglagas ng buhok;
1. Lupus
2. Thyroid problems
3. Cancer- kapag ang pasyente ay sumasailalim sa treatment kagaya ng chemotherapy o radiation.
4. Burning scalp syndrome
5. Polycystic ovarian syndrome

pagkalagas ng buhok sa mga kababaihan

7. Chemotherapy at Radiation therapy– pagkakalbo ang isa sa mga hindi magandang epekto.

8. Hair treatments at hair styling tools– ito ay maaaring isa rin sa mga dahilan ng abnormal na pagkalagas ng buhok at pagkapanot. Ang mga hair treatment at hair styling tools kagaya ng rebonding, straightening, coloring, curling, hair blower, ay mga sanhi ng pagkasira ng buhok. Ito ay mga chemicals at mainit na temperatura na dahilan ng physical stress ng buhok. Ito ay mga bagay na nakakapinsala sa ating hair follicles. At pag ito ay napinsala, sira na rin ang Hair growth Cycle nito.

Mga bagay na nakakasira sa buhok
Hair blower dahilan ng pagkalagas ng buhok

9. Alak at sigarilyo– kagaya sa #5, nutrisyon ang dahilan ng pagkapanot at abnormal na paglalagas ng buhok sa mga manginginom at naninigarilyo.
Dahil sa alak, nahihirapan ang katawan sa pagabsorb ng mga bitamina, mineral, at iba pang kailangang nutrisyon.

Dahilan ng pagkalagas ng buhok


Sa sigarilyo ay ganon din, ang chemical na nakukuha ng katawan mula sa sigarilyo ay nakakapinsala sa hair follicles. Ang isa pang halimbawa ay ang nicotine sa sigarilyo. Ang nicotine ay isang constrictor. Pinapakipot nito ang mga ugat na nagdadala ng nutrisyon sa ibat ibang parte ng katawan. Isa ring free radical ang sigarilyo na dahilan ng pagkasira ng selula at DNA nito.

May mga iba’t-ibang paraan para maiwasan at malunasan ang paglagas at pagpapanot ng buhok. May paraan na gamit ang siyensa kagaya ng hair transplant at meron tayong mga natural na lunas sa problemang ito. Sa sitwasyon naman na ang dahilan ng paglalagas at pagkapanot ay dahil sa chemotherapy, ang kadalasang ginagawa ng mga taong nakakaranas nito ay ang paggamit ng bandana o wig.

54 thoughts on “Mga dahilan ng pagkalagas at pagkapanot ng buhok

  1. Good evening bakit po ako napapanot hindi ko po napapansin na ganyan na pala ang ulo ko.

  2. hi,good morning.

    ano po kaya ang dahilan ng pag lalagas ng buhok ko,am physically fit,ang problema lang since mainit ang tubig na pinaliligo namin due to the weather here in qatar.
    ano po kaya ang magandang solution dito.

    Thank you and god bless.

    Ms. Sol

    1. Hi, Sol! Siguro nga yung temperature ng tubig ang cause ng hair fall mo. Pag mainit kasi, harsh ito sa hair follicles, at maaaring nawa wash off ang natural oil ng buhok kaya excessive ang hair fall. Gumamit ka lang ng lukewarm water para basahin ang buhok at anit bago mag shampoo at pagbanlaw para gentle lang sa pores ng scalp at buhok. Para sa huling banlaw, use cold water to close the pores.
      Remember: Hot/Lukewarm- opens the pores. Cold- closes the pores.
      Maganda ring gumamit ng castor oil, nakakatulong ito sa pagpapatibay ng buhok- https://diylangyan.com/carrier-oils/gamit-at-benepisyo-ng-castor-oil-sa-kalusugan-balat-at-buhok/
      It’s not an overnight remedy, but it does help. Be patient 🙂
      BLESSINGS!

  3. Hello po, Anu po kaya Ang sanhi bkit nagllagas buhok ko, nattakot po ako baka makalbo ako.
    Pag hinihila k buhok k o sinusuklay,

    1. Hi Mary Ann! Maraming dahilan kung bakit naglalagas ang buhok kagaya ng nabanggit sa blog. Try mo i- assess ang sarili mo kung saan ka nakapaloob dito. Pwede ka ring gumamit ng mga natural na lunas kagaya ng mga langis. Isa dito ang castor oil. Tiyaga lang ang kailangan dito kasi hindi mo naman agad agarang makikita ang effect. Ipahid mo sa anit mas maganda kung overnight.

      https://diylangyan.com/carrier-oils/gamit-at-benepisyo-ng-castor-oil-sa-kalusugan-balat-at-buhok/

      Blessings!

  4. hi admin,
    good day nabasa ko yun article mo
    saken kasi after ko ma fully vaccinated 2 week after nun nag start mag lagas yun buhok ko
    kaya ng worry ako nag try n rin ng aloe vera at gata ng niyog pero nag lagas parin
    ano po kaya ang sanhi? hope mapansin mo ako
    thank you and more power to you

    1. Hi, Melinz! Good day to you too. Anong klase ng vaccine ang nakuha mo? Pero unlikely na hair loss ay isa sa adverse effect. Ang hairloss kasi ay nagmamanifest rin sa mga nag+ sa virus dahil sa STRESS. Kahit yung mga negative, nai stress din tayo dahil restricted ang movement natin. Be stress free. Mahirap gawin pero IMPORTANTENG gawin para sa kalusugan ng ating pangangatawan at emotion. Avoid social media, most of the time toxic ang nakikita natin sa newsfeed natin. Pag gumsing ka sa umaga, yung first hour mo mag isip ng maganda o masaya, Gumawa ng bagay ng magbibigay ng saya sa pakiramdam mo. Check mo rin kinakain mo, dapat healthy diet. Makakatulong din ang biotin at folic acid. Maganda yan sa buhok. Kahit bumili ka lang b-complex.
      Kung sa tingin mo ay walang epekto ang aloe vera at gata, meron pa namang ibang pwedeng gamitin. Na try mo na ba na gamitin overnight ang aloe vera at gata? Pag natural na lunas din kasi ang gagamitin natin, kailangan ng pasensya dahil hindi ito agarang makikitahan ng epekto. I warm mo muna yung gata ng niyog bago mo ipahid sa anit.

      BLESSINGS!

  5. Gud am paano mo po malalaman na ang paglalagas ng buhok ay isang symtomas nga anomang sakit lalo na ang canser

    1. Hi,Renylyn. Bilang isang nurse ang suggestion ko ay magpatingin sa doktor. Huwag mag diagnose ng sarili gamit ang online info. Ang hair fall sa cancer ay sanhi lamang yan kung ang isang pasyente ay sumasailalim sa treatment: chemo o radiation.
      Huwag masyadong magisip ng kung ano anong sakit- huwag i stress ang sarili. Tandaaan na ang stress ay nagiging sanhi rin ng paglalagas ng buhok.

    2. Hello po. Ano po kaya dahilan kung bakit naglalagas buhok ko.. Konting hila ko lang or hawi.. May nalalag lag pa isa isa. D namn po ako stress,nakaka stress isipin. wala namn po sa lahi namin na manipis ang buhok.dating makapal ang buhok ngaun unti unti ko nang makita ang anit. Simula nung nag pa vaccine ako tingin ko sya ang dahilan kung bat naglalagas buhok ko. Salamat po

      1. Hi, Robert. Ang hair loss kasi nagmamanifest sa mga nag positibo sa covid 19 dahil s stress not necessarily sa side effect ng vaccine. Although di ako sure dahil wala pa akong nabasang ano mang update regarding diyan. Gamit ka ng castor oil, isa ito sa epektibong langis na maaaring gamitin. Ibabad mo overnight. Tapos pagtiyagaan mo iapply regularly. Iwas din sa kaiisip para hindi ma stress 🙂
        https://diylangyan.com/carrier-oils/gamit-at-benepisyo-ng-castor-oil-sa-kalusugan-balat-at-buhok/
        Blesings!

  6. nglalagas po ang buhok ko ano po bang shampoo ang pwedeng gamitin masama po ba na araw araw mg shampoo natatakot po kc ako bka po makalbo ako bka pwede po ninyo akong matulungan salamat po

    1. Hi, carina.Try mo magpalit ng shampoo na ginagamit mo. Kung meron kang dry hair, try mong mag shampoo every other day or every after 2 days. Hindi naman kasi pwedeng 2x a week lang ang pag shampoo kung nasa Pilipinas ka-maiinit. Pero kung may oily hair ka, kailangan ng daily washing. Check mo rin diet mo, Kailangan ang zinc, biotin, folic acid etc ng buhok para maging malusog ito. Umiwas sa stress, isa yan sa dahilan at kadalasang sanhi ng paglalagas ng buhok. Maaari mo rin i try ang mga natural na lunas na maaaring makatulong sa paglalagas ng buhok kagaya ng castor oil, aloe vera, mga essential oils kung may mabilhan ka. Kailangan mo lang dito ng tiyaga. Kung shampoo naman, narinig mo na ba yung MANE ‘N TAIL (meron itong kabayo sa label)na shampoo? Sa pharmacy ko ito nabili noon pero meron din ata sa supermarket. Maraming fake diyan,ah. Kaya ingat sa pagbili.
      I hope this helps. Blessings of light and love to you, Carina.

      1. Hello po effective poba ang mane n tail shampoo? Lalaki po kasi ako na gusto mag pahaba ngayon 11 months na ang buhok ko napapansin ko lang last last week kapag nag shshampoo ako andami nalalagas sa buhok ko hindi naman ako madalas mag shampoo, ewan ko kung namana ko to sa mama ko, manipis din kasi buhok nya pero imposible naman sa mura kong edad eh nag lalagas na buhok ko, pano poba ang tamang pag gamit ng mane n tail shampoo?

  7. Hi po,,hindi ko po maiwasan ang mag bunot ng buhok hnggang sa mapanot na khit anong gawin ko hnd ko po mapigilin magbunot ,,bukod po doon ang dami po nlalagas na buhok,,,at isa pa po normal lng po ba sa edad kng 30 na marami ng puting buhok..slmat po

    1. Hi, Kris! Pasensya na kung delay ang pag respond ko. Hindi kita dina-diagnose pero ayon sayo parang may Trichotillomania ka. Yan yung di maiwasang pagbunot ng buhok. Stressed ka ba? Since kelan ka nag umpisang magbunot ng buhok. Meron akong kaklase sa nursing school noon, parang kayo. Hindi ko pinapangako pero try kong ma contact siya para tanungin kung natigil na niya ito at kung paano niya naiwasan.

      Meron ba sa family ninyo na maaga nagkaroon ng white hair? Pero kadalasan naman sa diet ang cause.Maaaring kulang ka sa Vit b complex. Yan yung b1, b2,etc. Mura lang yan lalo na yung generic. pero ganon pa man mas maganda kung pa check up ka sa doktor para sila mismo ang mag confirm kung ano ang pangangailangan ng katawan mo.

      Be well,Kris! Sending you blessings of light, love and prosperity. Iwas STRESS!

    1. Hi, Glenda? Ibig mo ba sabihin ,uminom ka ng xanthone plus para sa myoma mo? For how long na umiinom ka na ng xanthone plus?

  8. hi po, halos araw araw napo na nag lalagas buhok ko, kahit kamay ko lang po pang suklay ko ang dami pong nalalagas, super nipis nadin po yung buhok ko tanong ko lang po kung ano po dapat Kong gawin

    1. Hi, Jai! Nag try ka ba gumamit ng mga herbal at langis? Pwede mong itry kagaya ng aloe vera, gata ng niyog, castor oil at iba pang mga nabanggit sa natural na lunas sa paglalagas ng buhok. Assess mo rin diet mo kung tamang nutrisyon nakukuha ng katawan mo. At isa pa sa importante- iwas stress.
      Blessings of light, love ang happiness to you!

  9. hi po good day , sana mapanasin po ninyo ako may problem is nalalagas na po yung buhok ko bago papo akung nanganak mga 5months na c baby .
    Vaccinated na rin po ako sa sinovac. tapos na lalagas na po yung hair ko anu kaya dahilan nito pasin ko po kasi parang ang dami ng buhok ang nawala sa anit ko.
    Salamat po.

    1. Hi, Lovely! Congratulations sa baby nyo. May cases of hairloss during pregnancy sa mga kababaihan. Ito raw ay dahil sa pagbabago ng level ng hormones natin. Maaarig stress din ang reason niyan lalo na ngayong pandemic. Iwasan mong ma stress, enjoy mo ang baby mo. Try mo rin gumamit ng natural na lunas na maaaring mong ipahid sa buhok at anit mo. Makakatulong din na pag nagpacheck up kayo ni baby banggitin mo sa doktor mo paglalagas ng buhok mo. Malamang magbibigay yun ng supplement na maaaring mong i take.

      Blesssing of love, light and happiness to you and your family.

  10. effective po ba ang mga shampoo bar (thickening) para mabawasan ang paglalagas ng buhok at kumapal? numinipis na po ang buhok ko

    1. Hi, Camille! Di ko pa kasi na try ang shampoo bar with thickening effect. Na try ko na maine & tail at nakatulong naman ito. Ngayon kasi na ako na gumagawa ng sarili kong skin and hair care products, pag gumagawa ako ng shampoo simpleng ingredients lang. Kung sa maintenance sa buhok, once or thrice a week naglalagay ako castor oil o aloe vera at iba pang mga bagay na may strenthening effect sa buhok.
      Blessings!

    1. Hi, Patricia! pareho rin lang ang causes ng brittle hair sa paglalagas ng buhok. Dry ba hair mo? Gaano kadalas ang hair cut?

      Blessings!

  11. Ask ko lang Yung Gf ko po kasi lately ay napapasin nya na naglalagas ang buhok nya 19yrs old po sya then lately din ay nararamdaman nya na parang pagod sya lagi dahil po ba ito sa stress or sa work nya kase po nag work po sya ng night.Sana po mapansin

    1. Hi, Gabriel! Stress ang salarin diyan. Years back ganayn naramdaman ko noon, parating stressed at parating pagod at hirap makatulog at kung nakakatulog man kahit 8 hours pa ito, pag nagising -pagod parin. Try niya uminom ng magnesium. Ito ang link na maaari mong basahin tungkol sa benepisyo ng magnesium sa ating katawan https://diylangyan.com/kalusugan/minerals/mga-benepisyo-ng-magnesium-sa-kalusugan/
      Pero bilang disclaimer lang, consult po ang doktor.
      Para sa buhok naman try niyang pahiran ng oil o mga halaman ( kung ano ang available) ang anit

      Blessings of light and love to you and your Girlfriend!

      1. Hello po, sa anong po kayang dahilan bakit nag susugat ang ulo hanggang sa malagas po yung mga buhok at ano po ba yung pwede igamot? Sana po masagot, Salamat?

        1. May dandruff ka ba? Dahil ba sa pagkamot kaya nagsusugat ang anit mo? Dry o oily hair ba? Sa nga dahilan ng paglalagas ng buhok na nabanggit sa blog, pwede mong i-assess kung ano ang cause ng hairloss mo.
          Blessings to you Michaella

  12. Hi po,magtatanong lang po .kasi nalalagas na Yong buhok ko simula nong fully vaccine ko (oxford)po sakin kasi simula non daming buhok nalalagas ano pong ang ilagay ko o inumin.

    1. Hi,Bel! Hindi sa vaccine yan kundi sa STRESS. Maraming kang maaaring magamit o maipahid sa anit mo kagaya ng aloe vera, castor oil, etc. Check mo rin diet mo kung nakukuha mo ba dito ang tamang nutrisyon na makakatulong sa stress. Pwede ka ring uminom ng multivitamins. Maganda rin na kumonsulta sa doctor. Regarding sa stress, try mong umiwas. Kagaya ng lagi kong sinasabi, mahirap dahil sa kinakaharap nating pandemya pero kinakailangan.

      Blessings of Light & Love to you.

  13. hi po ask ko lang bakit po pag nag sashampoo ako grabe po sya mag lagas nastress ako sa mga naiisip ko, tas may napanot sa mga part ng buhok parang feel ko numinipis sya, yung isa napanot ng konti parang 25 cens, at yung isa naman parang bilog na maliit ano ba pwede ko gawin?

    1. Hi, Abigael! Kung patches ang pagkapanot mo baka alopecia areata na yan. Mas maganda kung ipatingin mo yan sa doktor para madiagnose ka ng tama.

      Be blessed!

    1. Hi, Kristel! Try mo gumamit ng langis kagaya ng castor oil. Pwede rin spices in herbs o essential oil. Tiyaga lang talaga kung gagamit ng natural na paraan. Check mo rin kung tama ang nutrisyon ns nakukuha ng katawan mo.

      Iwas stress.

      Light & Love to you!

  14. hello po kahit ako po ayy ganun din after ko magfully vaccinated naglalagas din buhok ko bkit po ganun at anung shamppo po ba dapat gamitin

    1. Hi,Laze. Ang hairfall nagma manifest sa mga taong nakarecover sa covid 19 virus hindi dahil sa epekto ng infection kundi dahil sa stress. Wala ring sinabing ang hairfall ay dahil sa vaccination. Sa stress yan 🙂 Kung shampoo, siguro try mong gumamit ng mane n tail. Ginamit ko ito noon at effective naman sa akin. Kung accessible sayo, try mo castor oil: https://diylangyan.com/carrier-oils/gamit-at-benepisyo-ng-castor-oil-sa-kalusugan-balat-at-buhok/ apply mo sa anit sa gabi tapos wash sa susunod na araw.

      Blessings of Light, Love & Happiness to you.

  15. Hi po ano po ba sanhi ng pagkalagas ng buhok ko kac Nakita ko po na naglalagas na Ang buhok ko at sanhi po ba ito ng nababad sa Araw ng 2hours kac Nung nababad kac ako sa araw ng 2hours tas Nung Gabi napo nun Nung naligo ko tas un napo nag umpisa napo malagas mga buhok ko ngaun lng po ko nalagasan ng buhok Nung nagpaaraw ako sa sobrang init halos 2hours ako sa araw at 15 years old plng po ako normal lng poba un at totobo din po ba ulit un kac Nung may nalagas kac ako na buhok ko tinignan ko Hindi masyado nasasama ung ugat ng buhok kumpara sa binunot ko kinumpara ko clang dalawa at ung binunot ko Kasama lahat ng ugat pero ung nalalagas Hindi masyado nasasama ung ugat kunti lng sumasama na ugat normal lang po ba un at totobo ba ulit un.salamat po sa pag sagot

    1. Hi, Tedjie! oo, and sobrang pagbababad ng araw ay nakakasira sa buhok ( at siempre sa balat). tama lang ang 15 minutes kung gusto mong magbabad sa araw huwag sobrahan dahil may tinatawag tayong UV radiation na mula sa araw. Maaaring sa hair shaft lang ang damage niyan at hindi sa hair follicle. Huwag ma-stress- tutubo yan. Pahiran mo ng mga halaman o langis na nakakatulong sa pagpapatibay at pagpapatubo ng buhok.

      NATURAL NA LUNAS- https://diylangyan.com/natural-na-lunas/tamang-pag-aalaga-at-natural-na-lunas-sa-paglalagas-ng-buhok/

      Blessings of Light, Love & Happiness!

  16. Hi po normal lng po ba ung pglalagas ng buhok ko kac Nakita kulng po na naglalagas napo buhok ko matapos po ko mababad ng halos 2hours sa mainit na Araw at Nung Gabi na Nung Nung naligo Nako dun na nag umpisa na malagas ung buhok ko normal lng poba un kac 15 years old plng ako imposibling napapanot Nako kaagad normal lng po ba un at tutubo din ba ulit un

  17. Ma’am ask kulang po kung pwede kopo ba gamitin na shampoo ay ung Dove Men+Care Strengthening Shampoo may mga balakubak din kac ako at nakakatulong din ba un para tumubo ulit Ang mga buhok ko

    1. Hi, Tedjie. Chineck ko yung ingredients ng nabanggit mong shampoo kung ano ang ingredients kung bakit strengthening shampoo siya. siguro dahil sa caffeine content ng produkto. Ang caffeine kasi ay isang sitmulant.
      Benepisyo ng kape sa buhok at balat- https://diylangyan.com/active-ingredients-minerals/benepisyo-ng-kape-sa-balat-at-buhok/
      Kung sa balakubak naman, walang ingredients dun na makakatulong sa balakubak. usually kung ang shampoo ay para sa balakubak o anti balakubak, meron yan salicylic acid, selenium sulphide etc. Pero kung minor case lang naman ang balakubak mo, siguro gumamit ka muna ng natural na lunas.
      Balakubak- https://diylangyan.com/pagkain/spices-herbs/mga-herbal-na-lunas-sa-balakubak/

      Pasensiya na pero hindi ko masasabi kung OK ba yang dove shampoo na yan o hindi. Siguro pwede mong itry. Kung hindi effective, mag try ng ibang shampoo. Siguro pagkatapos mong matry ang dove shampoo, try mo rin ang mane n tail shampoo. Try mo rin gumamit ng castor oil sa gabi, massage mo sa anit bago matulog.
      Castor oil- https://diylangyan.com/carrier-oils/gamit-at-benepisyo-ng-castor-oil-sa-kalusugan-balat-at-buhok/

      Blessings of Healing to you!

  18. Hi ma’am ask kulng po kung ung aloe vera shampoo po ba ay nakakatulong para kumapal Ang buhok at tumubo at nakakatulong din po ba un para mawala Ang mga blakubak ma’am salamat po

    1. Hi, Tedjie. Maganda ang aloe vera sa buhok para tumibay, tumubo at remedy rin ito sa balakubak. Ang suhestiyon ko ay gumamit ng pure aloe vera at hindi lang shampoo. Hindi naman kasi lahat ng shampoo, kung ano ang claim nila ay epektibo.

      Blessings!

  19. Gud eve. Ask ko po ung anak ko po 16yrs.old, mahaba Ang buhok. nagkakaroon ng 2 bukol sa ulo at napapanot ung Lugar na may bukol. Ung 2 maliit napisa na po parang pimple. Marami din po Sha kuto at lisa. ano po Kaya Ang mabuting igamot. Salamat po.

    1. Hi, Raquel! Maaari akong mag suggest ng ibat ibang uri ng mga lunas na natural sayo sa sitwasyon ng anak mo. Unfortunately, pag ganyang cases, mas maganda na ipakita mo na sa doktor yan bago lumala. baka Infected yung scalp ng anak mo dahil sa mga kuto.May areas siguro na napapanot kasi naging peklat na kasi nga nagsugat sugat dahil sa pagkamot. Pag ang anit ay nagsugat at nagform na ng peklat- wala ng hair follicle yan. Ibig sabihin ay hindi na tutubuan ng buhok. Bago lumala, konsulta na sa doktor para bigyan ng tamang gamot at makita kung may infection.
      Blessings! May you be filled with love, peace and happiness.

  20. Ma’am nakakatulong po ba Ang pag shampoo ng Clear Men para matanggal Ang balakubak at nagpapatubo din po ba ito ng buhok. Tas ask kurin po ma’am kung ung rice water po ba nakakatulong din po ba un para mapatubo Ang mga buhok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *