April 22, 2024
Ang mga benepisyo ng collagen sa kutis, buhok, at kuko

Ano ang mga benepisyo ng Collagen sa Kutis, Buhok, at Kuko

Sharing is Caring

Collagen

Ang collagen ay isang protina na natural na matatagpuan sa ating katawan. Ang katungkulan ng collagen ay parang isang ”GLUE”. Binubuklod nito ang ating kalamnan sa ating buto, pinapatibay ang ating blood vessel, at binubuklod ang ating lamang-loob sa ating balat. Ikumpara ang collagen sa isang ama ng tahanan, ito ang tumatayong ”haligi” na kung nawala o kulang, ang tahanan ay magigiba. 🙂

Ang collagen ay matatagpuan mo sa iba’t ibang parte ng katawan. Meron sa buhok, kutis, kuko, buto, joints, ligaments, at tendons. At ang collagen ay meron iba’t ibang uri o klase. Ayon sa article ng ncbi, ang collagen ay meron 16 na uri. Pero sa usapin ng benepisyo ng collagen sa kutis, buhok, at kuko, ang type I and type III ang sumasakop dito.

Ano ang Collagen disease

Bago natin talakayin ang benepisyo ng collagen sa kutis, buhok, at kuko, madako muna tayo sa tinatawag na collagen disease. Ang katungkulan ng collagen sa ating katawan ay hindi lang para gumanda ang kutis, buhok, at kuko. Meron din itong katungkulan sa ating kabuuang kalusugan. Ayon sa Wikipedia, Ang collagen disease ay mga karamdamang kagaya ng rheumatoid arthritis, systemic lupus erythematosus, at systemic sclerosis. Ang mga sakit na kung saan ang collagen sa katawan ay depektibo.

Ano ang mga benepisyo ng collagen sa kutis, buhok, at kuko

Kutis/Skin

Ang collagen sa ating kutis ay siyang nagbibigay ng malasutla o glow kung ito ay nagtataglay ng sapat na collagen. Sa mga kutis naman na kulang, makikitang very dull at lifeless. Ang collagen ay kinakailangan sa wound healing, ito ay para mapabilis at maiwasan ang pagkakaroon ng peklat o scar sa ingles. Ang collagen din ang nagbibigay ng firmness sa ating balat. Sa usapin naman ng ”stretches”, sa panahon na tayo ay mabubuntis, tataba o biglang papayat, ang collagen at elastin ang nagbibigay ng tibay sa hibla ng ating balat o laman. Maiiwasan nito ang pagkakaroon ng stretch marks sanhi ng mga pagkabinat.

Buhok/Hair

Ang buhok para patuloy na tumubo, lumago, at maiwasan ang abnormal na pagkalagas at pagkapanot ay kailangan ding may tamang nutrisyon. Ayon sa article ng Healthline, ang collagen ay;

  1. May taglay na amino acid na kinakailangan sa paggawa ng keratin. Ang keratin ay isang protina na nagbibigay ng tibay, ginagawang smooth at shiny ang buhok.
  2. Parang antioxidant na lumalaban sa mga free radicals na nakakasira sa buhok.
  3. Makakatulong sa problema ng pagnipis ng buhok sanhi ng edad.
  4. Prinoprotektahan ang mga sellula mula sa pagkasira na dahilan ng pagputi ng buhok.

Kuko/Nails

Kagaya ng buhok, ang keratin din ang nagpapatibay sa ating mga kuko. Ang collagen ay tumutulong na patibayin ang kuko mula sa pagkaputol at mula sa paninilaw nito. Ang brittle nails at yellow nails ay maraming sanhi, maaaring ito ay dahil sa edad, sa mga nail polish at acetone, palagiang pedicure at manicure, palagiang babad sa tubig, at fungal infection.

5 dahilan bakit nababawasan ang collagen sa katawan

  1. EDAD– Ang collagen kagaya ng unang nabanggit ay isang protina na natural na taglay ng ating katawan. Pero habang nagkakaedad ang isang tao, ang level ng collagen ay bumababa rin dahil nababawasan ang paggawa ng fibroblast ng collagen. Sabi nila, sa edad na 25 dito naguumpisa na mababawasan ng collagen ang katawan.
  2. LIFESTYLE– Ang lifestyle ay isa ring dahilan kung bakit nababawasan ang collagen sa katawan ng isang tao.

a. Sigarilyo- ayon sa article ng lung.org, ang sigarilyo ay merong 7,000 chemicals. Ang mga chemicals na ito ay sumisira sa collagen at elastin sa ating katawan.

b. Pagkaing matatamis- ang pagkain naman ng mga matatamis ay isa ring salarin sa pagkasira ng collagen sa katawan. Ito ay ang tinatawag nilang glycation, isang proseso na kung saan ito ay nagpro-produce ng enzymes na didikit o bibigkis sa collagen at sisirain nya ito.

3. UV Light/UV Rays– alam na natin na ang UV (Ultraviolet rays/light) ay isang electromagnetic radiation na nakakasira sa kalusugan ng isang tao. At ang kutis natin ang unang nae-exposed sa salaring ito.

4. Air Pollution– isa ring salarin ang hangin sa pagbaba o pagkasira ng collagen sa ating katawan. Ang hangin ay may dalang iba’t ibang uri ng dumi, chemical, mga bagay na mapinsala sa kalusugan. Ang ating kutis ang ating ”first line of defense” mula sa mga mapinsalang kemical na yan. Isang taga sala para hindi pumasok ang pollutants sa ating katawan.

5. Hormone/Menopause– ang isang babae pag nasa stage ng perimenopause o menopause ay maraming nagbabago sa katawan nito dahil sa hormonal imbalances at biglaang pagbagsak ng hormone. Partikular dito ang estrogen sa katawan. Ang estrogen ay isa sa hormone na nagco-control ng collagen sa katawan.

Epekto ng kakulangan ng collagen sa kutis, buhok, at kuko

  1. Wrinkles, age spots
  2. Sagging skin o pagluyloy ng balat
  3. Pagkalagas ng buhok at pagnipis nito
  4. Brittle nails
  5. Paninilaw ng kuko

Mga paraan para iBoost ang collagen sa katawan

Maraming pwedeng gawin para i-boost ang collagen production sa katawan para sa benepisyo ng kutis, buhok,at kuko.

  1. Pagkain– ang pagkain ay may importanteng papel na ginagampanan sa ating katawan. Ang tungkulin nito ay hindi lang para sa kutis, buhok, at kuko, kundi sa pangkalahatang kalusugan. Napakaraming pagkaing maaaring source ng collagen.

a. Bone broth- ito ay magandang source ng collagen na kung saan ang sabaw mula buto ay nagbibigay ng ginhawa sa kasu-kasuan.

b. Vitamin C– kumain ng mga prutas at gulay na mayaman sa vitamin c. Ang vitamin c ay hindi lang sa synthesis ng collagen kundi ito rin ay makakatulong sa produksyon o synthesis ng glutathione.

Benepisyo ng aloe vera sa kalusugan

c. Gelatin- ang gelatin ay gawa sa sa collagen na nakuha sa parte ng katawan ng mga hayop kagaya ng baka, baboy, atbp.

d. Aloe vera– ang halamang ito ay isa ring magandang source ng collagen, tumutulong ito sa produksyon ng collagen sa katawan. Bukod sa gamit na pampahid sa kutis, buhok, at kuko, maaari mo itong gawing smoothie at inumin.

Natural at organic na aloe vera na ginagamit sa balat at buhok at nakakain

e. Pagkaing mayaman sa Zinc mineral

2. Exfoliation– ang exfoliation ay isang mabisang paraan para mapabilis ang produksyon ng collagen sa balat. Depende sa iyong skin type, maaaring mag -exfoliate 2-3 beses sa isang linggo.

Iba't ibang uri ng panghilod sa balat o kutis para mag scrub o mag exfoliate ng balat.

3. Hyaluronic Acid– ang hyaluronic acid ay importante at umaagapay sa produksyon ng collagen sa katawan. Kumain ng mga pagkaing mayaman nito sa root vegetables. Ang kamote ay mayaman nito.

4. Green tea– ang green tea ay isang antioxidant. Sa usapin ng collagen, ito ay tumutulong at prinoprotektahan ang collagen at elastin mula sa pagkasira. Pwede rin alternatibo ang Matcha, isang inuming sikat na sikat ngayon dahil sa hatid na benepisyo.

Green tea sa tasa at tuyong dahon ng green tea

5. Honey– ang isa sa marami pang benepisyo ng honey ay ang kakayahan din nito sa produksyon ng collagen. Maaari itong pamalit sa asukal at maaari itong gamitin direkta sa iyong kutis, buhok, at kuko.

Mga benepisyo at gamit sa honey

6. Oils, butters, fats– maraming iba’t ibang uri ng oils, butters, at fats na maaaring gamitin para sa produksyon ng collagen sa katawan. At ito ay maaari mong i-incorporate sa iyong skin care o gumawa ng sarili mong skin care products.

Iba't ibang uri ng Carrier oils o Fixed oils na ginagamit sa pag dilute ng essential oils
Iba’t ibang uri ng carrier oils at butter

Halimbawa: Olive oil

Cocoa butter

Orange Essential oil

Moringa (Malunggay) oil

7. Spices and Herbs- ang mga spices and herbs kagaya ng turmeric, nettle, luya, gotu kola, at iba pang spices & herbs na makakatulong sa produksyon ng collagen. Maaaring uminom ng tea o tsaa ng iba’t ibang uri ng mga halamang ito.

Collagen pampaganda ng kutis buhok at kuko
Mga collagen supplements

Meron naring nabibiling mga suplemento ng collagen ngayon. Ang mga collagen supplements ay maaari mong mabili in capsule, in liquid form at in powder from. Kung bibili ng suplemento, makakatulong ang pagbabasa sa label ng isang produkto.

Mga skin care products na may sangkap ng Collagen

Bukod sa pagkain ng mga collagen rich foods, ang collagen ay maaari naring direktang ¨ipakain¨ sa balat o kutis gamit ang mga skin and hair care products na may sangkap na collagen.

So far, ang nakikita kong uri ng collagen na ginagamit sa paggawa ng mga cosmetics ay ang hydrolyzed collagen. Maaari mo itong gamiting isa sa mga sangkap kung gagawa ng cream products, serum, toner at makeup. Abot kaya ito sa bulsa at madali ring gamitin ang hydrolyzed collagen sa formulation ng mga produktong maaaring i-DIY sa bahay.

Mga skin care products na may collagen

1.Basic collagen body lotion

Body lotion na may sangkap na collagen
Panoorin ang YOUTUBE Video

2. Basic collagen eye serum

Homemade o DIY eye serum na may ingredient o sangkap na Collagen
Panoorin ang YOUTUBE Video

3. Basic collagen facial serum

Sariling gawa sa bahay o DIY na face serum na may sangkap na Collagen.
Panoorin ang YOUTUBE Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *