April 22, 2024
Turmeric powder o luyang dilaw na maraming nutrisyon at iba pang benepisyo

Mga Benepisyo ng Turmeric

Sharing is Caring

Ang luyang dilaw o Turmeric sa ingles ay isang rhizome na katulad ng luya na mula sa perennial plant. Ito ang spice na ginagamit na sangkap sa pagluluto ng curry. Ito ay halos kasing hugis ng luya at ang pinagkaibahan lang nito ay ang kulay. Maraming gamit at benepisyo ang luyang dilaw. Ito ay isang natural na pangkulay, ginagamit bilang natural na lunas at sa skin care.

Ang benepisyo ng turmeric bilang natural na lunas ay matagal ng naitala sa libro ng Ayurveda at Traditional Chinese Medicine. Ginagamit ito sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Sa TCM, ang turmeric ay ginagamit kung ang isang tao ay may mahina o problema sa sirkulasyon ng katawan.

Sa Ayurvedic medicine naman ay sa sirkulasyon din, digestion, balat at problema sa atay.

Mga Benepisyo ng Turmeric sa Kalusugan

Ang curcumin ay ang pangunahing active ingredient ng turmeric. Ayon sa article ng Healthline, ang curcumin ay isang anti inflammatory at malakas na antioxidant. Ang compound na curcumin ay makakatulong na maiwasan o lunasan ang mga iba’t ibang uri ng karamdaman.

Bukod sa curcumin, ang turmeric ay meron ding mga taglay na vitamins at minerals. Meron itong vitamin a, vitamin c, vitamin b12 & 6. Kung minerals naman, ito ay may taglay na iron, potassium, niacin, zinc at iba pang mga nutrisyon.

  1. Kanser
  2. Mga sakit sa Puso
  3. Arthritis
  4. Alzheimer’s disease
  5. Depression at Insomia
  6. Blood sugar
  7. Psoriasis at Eczema
  8. Liver detox
  9. Anti bacterial

Paggamit ng luyang dilaw o turmeric bilang panlaban sa Kanser

Kagaya ng bawang, luya, clove, cinnamon at iba pang herbal, ang luyang dilaw o turmeric ay dumadaan sa maraming pagaaral. Ayon sa isang article, ang curcumin sa luyang dilaw ay nakitaan ng anti cancer effects sa kanila pre clinical at chemical studies.

  1. Angiogenesis- may kakayahan ang turmeric o luyang dilaw na pigilan ang pagtubo ng bagong blood vessels ng isang malignant na tumor.
  2. Carcinogenesis- ang luyang dilaw ay maganda ring gamitin bilang prevention ng pagkakaroon ng kanser dahil may kakayahan itong pigilan ang pormasyon o pag buo ng cancer cells sa katawan.
  3. Tumor growth- nakakatulong din ang turmeric sa paglaki ng cancerous na tumor.

Paano gamitin ang Turmeric o luyang dilaw para mapakinabangan ito

1.Sangkap sa Pagkain– ang pinaka madaling paraan ng paggamit ng Turmeric o Luyang dilaw ay ang paghahalo nito sa mga nilulutong ulam.

2. Gawing Tsaa– sa paggawa ng tea gamit ang turmeric, dagdagan ng luya. Pakuluan ang luyang dilaw at luya. Lagyan ng lemon o calamansi at honey para mabalanse ang lasa. Maganda rin kung lagyan ng konting durog na black pepper o paminta.

3. Milk & Turmeric– magpakulo ng gatas at turmeric. Lagyan ng honey at inumin habang maligamgam. Pwede mo rin itong dagdagan ng iba pang sangkap na healthy rin sa katawan kagaya ng;

a.Cinnamon powder o stick

b. Clove

c. Cardamom

d. Luya

Ang pag inom ng turmeric milk o tinatawag nilang golden milk ay makakatulong sa paglaban sa insomia at kung nakakaramdam ng depresyon.

Paghalo haluin lamang ang mga sangkap at pakuluan. Isa ito sa paraan na mai incorporate natin ang luyang dilaw sa ating katawan. Maaaring tignan ang video sa paggawa ng turmeric milk sa diylangyan youtube channel.

4. Ipahid sa masakit na kasukasuan– maaaring gumawa ng turmeric infused oil gamit ang oil infusion. Gumamit ng langis na gustong gamitin at ito ang gagamitin sa pag infuse. Meron naring nabibiling turmeric essential oil sa mercado na maaaring gamitin.

5. Gumawa ng Pain balm– ang turmeric ay maaaring gawing pain balm. Gumamit ng mga infusions ng cayenne pepper, at luya. Lagyan ng beeswax para maging solido ang produkto.

Gusto panoorin ang video sa paggawa ng natural na pain balm?

Benepisyo ng Turmeric sa Balat

Ang turmeric ay maaari ring gamitin sa skin care. Dahil sa antioxidant property nito na curcumin, makakatulong ito sa;

  1. Age spot o hyperpigmentation
  2. Wrinkles
  3. Pimples o tigyawat
  4. Oily skin
  5. Facial hair

Paano gamitin ang Turmeric sa Balat

Para sa pagpapaputi ng BALAT, Wrinkles, Facial hair

Mga Sangkap

  1. Turmeric powder- 1/4 teaspoon
  2. Gram flour- 2 tablespoon
  3. Milk/Tubig/Yogurt

Paghaluin ang mga sangkap. Gumawa ng paste-like consistency gamit ang gatas o tubig o yogurt. I-apply ito sa bagong hilamos na mukha. Pabayaan ng 3-5 minutes o hanggang sa matuyo. Tantyahin ang oras ng pagbababad dito dahil may posibilidad na magkulay ito sa balat. Pagkatapos ay basahin ito ng tubig at i-scub ang mukha. Banlawan.

Parte ng katawan ng tao na kadalasan ay maitim

Maaari itong gamitin 3 beses sa isang linggo para sa oily skin at 1-2 beses naman sa normal o dry skin.

Ang turmeric ay maaaring kulayan ang inyong balat. Maaaring bawasan ang pulbos ng luyang dilaw o bawasan ang minutos sa pagbababad ng mask.

Gusto panoorin ang VIDEO?

Maaari rin itong gamitin sa kili-kili, tuhod, siko at iba pang parte ng katawan na may pangingitim.

Ibang masks na maaaring gawin gamit ang Turmeric

  1. Turmeric at tomato juice
  2. Turmeric at Sandalwood powder– maaaring gumamit ng isa sa mga sumusunod sa paggawa ng paste; hydrosol, tubig, gatas o yogurt. Maganda rin itong gamiting pang tone ng pores sa mukha.
  3. Turmeric at Lemon juice– maaaring gamiting substitute ang calamansi o lime.
  4. Turmeric at Honey– maaari rin itong gamiting spot treatment sa tigyawat para sa may sensitibong balat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *