February 23, 2024
Ano ang depresyon?Paano labanan ang depression sa natural na paraan?

Mga natural na paraan para labanan ang depresyon

Sharing is Caring

Seryoso ang usapang depression o depresyon. Isa ito sa risk factors na ang isang tao ay hahantong sa pagkitil sa kanilang sariling buhay. Sa datos ng Pilipinas, tumaas ang suicide rate by 57% noong 2020. Mula sa 31st na cause of death, napunta ito sa 25th. Lahat tayo makakaranas ng depresyon sa buhay natin dahil sa mga problema na maaaring dumating sa atin. Kaya kailangang magpakatatag sa ano mang problemang darating. Maraming mga natural na paraan para labanan ito. Pero kung sa tingin mong malala ang nararanasan mo o may kakilala kang nakakaranas nito at nangangailang ng professional help, gawin na. Ilapit o lumapit na sa mga propesyonal.

Ano ba ang depresyon/depression

Ang depression daw ay sakit ng kabuuan ng katawan. Apektado ang katawan, emosyon at pagiisip. 3 ang sinasabing sanhi ng depresyon. Isa, chemical imbalance ng ating utak. Pangalawa, mga karanasan sa buhay. Pangatlo, namamana.

Pag diagnosed ka ng depression, depende kung gaano ito kalubha, mabibigyan ka ng gamot na tinatawag na anti depressant. Ang mga anti depressants na ito ay tinataas ang levels ng mga kemikal sa utak kagaya ng serotonin at noradrenaline.

Iba’t ibang uri ng depression/depresyon

  1. Major depressive disorder
  2. Persistent depressive disorder
  3. Manic depression
  4. Seasonal affective depression
  5. Psychotic depression
  6. Postpartum depression
  7. Pre-menstrual dysphoric disorder
  8. Situational depression
  9. Atypical depression
  10. Disruptive mood dysregulation disorder

Mga natural na paraan para labanan ang depression

1.Tukuyin mo kung ano ang sanhi bakit ka nakakaranas ng depresyon. Kailangan malaman ang root cause kung bakit ka nakakaramdam ng lungkot.

2. Magdasal. Maraming nangyayari sa buhay na pilit na pinapaliwanag gamit ang science na kung saan nakakalimutan natin na tayong nilalang ng Dios ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na spiritual warfare. Na tayo ay hindi lang physical kundi tayo din ay may kaluluwa. Kung naniniwala tayo sa Dios, bakit natin binabalewala ang pagkakaroon ng demonyo?

Sabi din sa bible, man shall not live by bread alone, but on every word that comes from the mouth of God. May kaluluwa tayo na kailangan ng nourishment mula sa Holy Spirit.

Kahit pa ang sanhi ng depresyon mo ay dahil sa chemical imbalance, kailangang magdasal na palayain tayo ng Dios sa nararamdamang lumbay. 🙂

3. Pagkain- pansinin ang mga kinakain. May mga pagkain kagaya ng refined grains, processed food na nagpapalala ng depresyon. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa omega 3 fatty acid, mayaman sa antioxidants, mga pagkain hindi nagpapataas ng blood sugar level, pagkaing mataas sa folic acid at alpha lipoic acid. Kumain rin ng mga pagkaing mayaman sa magnesium.

4. Essential oils- marami ring mga essential oils ang ginagamit bilang alternatibo sa paglaban sa depresyon. Maaaring gumamit ng lavender essential oil, chamomile essential oil, rose essential oil, rose de mai essential oil, ginger essential oil, ylang ylang essential oil, bergamot essential oil, cedarwood essential oil, clary sage essential oil, frankincense essential oil, rosemary essential oil, lemon essential oil, nutmeg essenial oil, orange essential oil, peppermint essential oil, jasmine essential oil, vetiver essential oil.

5. Inumin- umiwas sa kape, alak at carbonated na inumin. Uminom ng chamomile tea, lavender tea, green tea, jasmine tea. At iba pang mga spices o herbs na nakakatulong sa mood kagaya ng turmeric, thyme at marami pang iba.

6. Exercise- ang pag e-ehersisyo ay nakakatulong din sa paglaban ng depression dahil nag rerelease ng endorphins ang ating katawan. Bukod diyan, naiiba ang focus ng iyong utak.

7. Pagusapan ang nararamdaman sa ka pamilya o kaibigan. Pag nailabas mo ang nararamdaman mo sa isang taong mapagkakatiwalaan mo, kahit papaano, may kadamay ka at mababawasan ang stress na kinakaharap mo.

Pag tayo naman ang nasa sitwasyon na may kakilala, kapamilya o kaibigan na may pinagdadaanan, kailangan nating makinig. Makinig sa kanilang nararamdaman, makakatulong ito na maibsan ang bigat ng kanilang pinapasan. Huwag itatanggi ang kanilang nararamdaman.

May intances din na minsan may mga problema tayo na parang hindi natin masabi sa taong malalapit sa atin. Marami kang makakausap. Pwedeng tumawag sa programa ng DOH para sa mental health o i approach mo ang leader o pastor ng iyong simbahan, 700 club asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *