April 22, 2024
Paggamit ng baking soda sa alipunga o athlete's foot

Paano gamitin ang baking soda sa alipunga.

Sharing is Caring

Kagaya ng an-an, buni, ang alipunga ay isa ring fungal infection. Ang Baking Soda ay isa sa mga natural na lunas sa alipunga o athlete’s foot . Ang Sodium Bicarbonate ay may anti-fungal properties na makakatulong para malunasan ang problema sa alipunga.

Paano gamitin ang baking soda sa alipunga

     Simple lang kung paano gamitin ang baking soda sa alipunga. Pero sa paraan ng natural na lunas na ito, kailangan ng pasensya at consistency sa paggamit.

Paraan ng paggamit para sa Lunas sa Alipunga

  1. Ibabad ang paa– sa 1-2 litro ng maligamgam na tubig, haluan ng 3-5 kutsarang baking soda. Ibabad ang bagong hugas na paa sa maligamgam na tubig ng 20-30 minuto. Kung kaya ng panahon, gawin ito 2 beses sa isang araw. Sa pagbababad ng paa sa maligamgam na tubig at baking soda, napapalambot nito ang balat at kuko. Sa paraang ito ay mas madaling matanggal ang mga old layer ng balat. Pagkatapos maibabad ay gawin ang number 2.
Gamit ang baking soda sa pagbababad ng paa sa maligamgam na tubig para sa natural na lunas sa alipunga

2. Pahiran ng baking soda paste– haluan ng tubig ang 5 kutsara ng baking soda hanggang sa makagawa ng ”paste-like” consistency. Ito ay ipahid sa talampakan, sa mga daliri ng paa, sa mga singit singit nito at sa mga kuko.

Ang paraan ng paghalo ng baking soda at tubig para ipangkuskos o exfoliate sa kutis o balat.

Ipangkuskos ang baking soda para matanggal ang mga dead and infected skin na dulot ng fungi. Gawin ang pagkuskos ng kahit limang (5) minuto.Gumawa pa ulit ng mixture kung kinakailangan o wisikan lang ng tubig pag natuyo. Pagkatapos ay banlawan ang paa at punasan ito ng malinis na tela o tuwalya. Huwag masyadong patuyuin, hayaang medyo mamasa-masa para sa pangatlo o susunod na paraan na gagawin.

3. Foot Powder–   pagkatapos gawin ang number 2, gamitin ang baking soda bilang foot powder. Gawin itong foot powder kagaya rin sa paraan ng pag-gamit ng nabibiling foot powder. I-apply ang baking soda sa mga daliri ng paa, talampakan, sakong.

Baking soda o sodium bicarbonate mga benepisyo nito sa kalusugan

Kung gagamit agad ng sapatos, siguraduhing tuyo ang paa bago magsuot ng medyas at sapatos. Maaari ring maglagay o budburan ng baking soda ang loob ng medyas. Pwede ring lagyan ang sapatos para mahigop o maabsorb nito ang mabahong amoy ng sapatos. At para mapuksa ang mga mikrobyong kagaya ng fungi na namumugad sa loob.

Gabay sa paggamit ng Baking soda sa alipunga

Gamitin ang baking soda sa alipunga ng hanggang pitong araw o isang linggo. Obserbahan kung sa paggamit mo ay meron bang pagbabago. Kung sa tingin mo ay walang epekto sayo, maaaring gumamit ng ibang natural na lunas sa alipunga. May mga langis kagaya ng essential oil, maaaring gumamit ng mga halamang herbal o spices & herbs.

HUWAG MAHIYA. Ipatingin sa doktor kung kinakailangan para mabigyan ng nauukol na gamot bago lumala ang sakit sa balat.

Ang tela o tuwalyang ginamit sa pagpupunas ng paa ay huwag ng gamitin ulit. Kailangan na itong labhan, at kung kinakailangan ibabad ito sa baking soda at white vinegar. Dahil maraming benepisyo ang paggamit ng baking soda at white vinegar sa labahan.

Pwede ring gumawa ng DIY Baking Soda Foot powder at iba pang DIY Foot powder o DIY foot deodorant gamit ang mga natural na sangkap na makikita mo sa iyong kusina.

Foot powder na gawa sa baking soda.

Maaari ring gumawa at gumamit ng DIY Baking Soda soap na gagamitin mong pangsabon sa paa.

Sabi nga sa ingles, Prevention is Better than CURE. Kaya importante na gawin ang tamang pagaalaga sa kalusugan para matibay o malakas itong lumaban sa mga mikrobyo na nagbibigay ng sakit sa ating katawan. Maging malinis sa katawan at kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *