April 22, 2024
Gamit at benepisyo ng chamomile o manzanilla o mansanilya sa kalusugan, kutis o balat at buhok

Gamit at Benepisyo ng Chamomile o Manzanilla

Sharing is Caring

Ang Chamomile o Mansanilya/Manzanilla ay ang klase ng tea o tsaa na ating madalas binibili kung hirap tayo sa pagtulog sa gabi. Dahil totoo naman na nakakatulong ito. Dahil ang isa sa benepisyo ng manzanilla ay ang sedative effect o kakayahan nitong magpa KALMA. Noong unang panahon nga daw sa Europe, ang chamomile ay ang numero unong herbal na ginagamit nila bilang natural na lunas sa INSOMIA. Bukod diyan, ginagamit din daw nila ang chamomile bilang natural na lunas sa problema sa tiyan at mga sakit sa kasukasuan.

Maraming claims ang binanggit ng medicalnewstoday tungkol sa mga benepisyo ng chamomile o manzanilla. Meron itong benepisyo sa kalusugan at benepisyo sa balat o kutis.

Mga benepisyo ng Chamomile sa Kalusugan

  1. Nakakatulong daw ito na lunasan o bawasan ang menstrual cramps. Sa pag inom ng tsaa ng mansanilya sa loob ng isang buwan, magkakaroon ng improvement sa mga kababaihan.
  2. Nakakatulong din daw ang manzanilla kung meron kang diabetes dahil nagpapa baba ito ng blood sugar. Pero hindi dapat ito gamitin bilang pangunahing lunas kung meron kang sakit na diabetes. Ito ay parang supplement lamang.
  3. Ito rin daw ay maaaring may anti estrogenic effect sa mga kababaihan. Kaya maaari daw itong makatulong na maiwasan ang osteoporosis.
  4. Ang chamomile ay sinasabi ring anti inflammatory.
  5. Ang chamomile ay sinasabi ring tinatarget ang cancer cells at may kakayahan na pigilan ang pagtubo ng cancer cells. Pero ito ay sinasabing wala pang katiyakan kung ganito rin ang epekto sa katawan ng tao. Dahil sa ginamit nga sa research ay sa mga hayop pa lamang.
  6. Kagaya ng nabanggit ko sa taas, ang chamomile nga ay sleep inducing, anti anxiety o stress reliever. Kaya kung nakakaramdam ng anxiety, stressed ka o hindi ka makatulog, try mong uminom ng chamomile tea o tsaa ng manzanilla.
  7. Kung nakakaramdam naman daw ng sipon, makakatulong ang steam inhalation ng chamomile.
  8. Ang manzanilla ay maaari ring gamitin sa mga problema sa balat pag may inflammation, may eczema. At nakakatulong din ito sa paghilom ng sugat.

Mga Benepisyo ng Chamomile sa Balat at Buhok

Marami ring benepisyong hatid ang chamomile sa ating balat at buhok. Sa katunayan, maraming cosmetic brands ang gumagamit ng chamomile extract o chamomile essential oil sa kanilang mga skin and hair care products.

Kung may nababasa kayong chamomilla recutita extract o matricaria recutita flower extract, yan ay extract lamang ng chamomile.

Ginagamit yan sa mga hair and skin care products dahil sa mga benepisyong hatid.

  1. Inflammed skin– kagaya ng nasa article ng medicalnewstoday, ang chamomile ay isang anti inflammatory dahil meron itong bisabolol. Ang salitang bisabolol ay mababasa nyo rin sa list of ingredients ng produkto.
  2. Dry skin– ang manzanilla ay nakakatulong na palambutin ang dry skin.
  3. Dandruff o balakubak– ang manzanilla ay maaari ring gamiting lunas sa balakubak o dandruff lalo na kung ang anit ay inflammed na o nagsusugat sugat na. Makakatulong ang chamomile na pawiin ang hapdi at kati dahil sa calming properties nito. Bukod sa balakubak, napapalambot din nito hindi lang ang balat kundi pati rin ang dry hair.
  4. Wrinkles, hyperpigmentation– kagaya ng green tea, ang chamomile ay meron din polyphenols na nakakatulong na bawasan at i delay ang oxidation ng balat mula sa environmental stresses o pollution. Ito ay nakakatulong din na iregenerate at irejuvenate ang ating kutis.
  5. Toning effect– nakakatulong din ito na gawing firm ang balat at sa balat na may open pores.
  6. Under eye– isa pang benepisyo nito ay ang lunasan ang eyebags at tired eyes dahil sa soothing effect nito sa ating balat.

Paano gamitin ang Chamomile o Manzanilla

Napakasimple lang ng paggamit ng chamomile sa skin and hair care. Gagawa ka lang ng tea o tsaa nito at ito ang gamitin sa buhok o balat. Maaari ring gumawa ng chamomile extract para gamiting sangkap sa paggawa ng iba’t ibang uri ng cosmetic products sa bahay.

Iba't ibang gamit at benepisyo ng tsaa o tea ng chamomile o manzanilla/mansanilya.

Paano gamitin ang chamomile tea sa Balat at Buhok

Gumawa ng chamomile tea. Ang tsaa nito ang gagamitin sa iyong balat. Ia-apply mo ito sa sa iyong balat na nangangailangan ng lunas. Maaari ring mag facial steam gamit ang manzanilla.

Kung sa buhok at anit naman, gawing panghuling banlaw ang tsaa ng manzanilla.

Bukod sa paggamit lang ng tsaa ng chamomile, maaari mo rin itong i-upgrade.

Paano gumawa ng Chamomile toner sa Bahay

Mga sangkap ng paggawa ng chamomile toner

  1. Tsaa ng chamomile- 89.8g
  2. Chamomile extract- 5g
  3. Vegetable glycerin- 5g
  4. Preservative– 0.2g

Paraan ng paggawa ng chamomile toner

  1. Antaying bumaba ang temperatura ng chamomile tea sa 40c.
  2. Ilagay ang chamomile extract, glycerin, at preservative.
  3. Aluging mabuti.

Maaari na itong gawing toner sa mukha at pwede rin itong gawing body spray pang refresh sa panahong napaka init.

Ang paggawa ng extract ng chamomile o manzanilla ay madali lang gawin.

Ang toner ay maaari rin ninyong lagyan ng chamomile essential oil, allantoin, aloe vera leaf extract, extract ng iba’t ibang uri ng spices & herbs at iba pang sangkap na magandang gamitin sa mukha.

Kung ayaw ninyong lagyan ng preservative, gumawa lamang ng 30g-50g na toner at ilagay ito sa ref para tumagal ng 5-7 araw.

Paano gumawa ng chamomile toner na pampaputi ng balat

Ang DIY chamomile toner ay maaari mo ring gamitin para paputiin ang balat. Meron itong mild whitening effect. Para dagdagan pa ang epekto nito bilang skin whitening, maaari itong lagyan ng vitamin c. Dikdikin lamang ang vitamin c at ihalo sa chamomile tea. Ang vitamin c na ascorbic acid na iniinom bilang supplement ay unstable, kaya gumawa lang ng good for 3 days to 1 week.

Paano gumawa ng DIY Chamomile cleanser

Para sa may mga balat na sensitibo, mature skin, normal skin, dry skin at pati narin oily skin, pwede kayong gumawa ng chamomile powder cleanser. Pwede mo itong ihalo sa iyong facial cleanser o facial wash o gamitin as is bilang facial scrub.

Mga sangkap ng chamomile cleanser

  1. Chamomile powder- 1 tablespoon
  2. Oatmeal powder– 1 tablespoon
  3. Powdered milk- 1/2 teaspoon

Paraan ng paggawa DIY chamomile Cleanser

  1. Paghaluin ang chamomile at oat. Dikdikin ito gamit ang mortar and pestle o coffee grinder. Ang texture ay depende sa gusto mo.
  2. Ihalo ang powdered milk.
  3. Paghaluin ang 3 sangkap. Kung merong kang chamomile essential oil, maaari mo itong patakan ng 1-3 patak.
  4. Ilagay sa isang container. Iwasang mabasa ng tubig o mapasukan ng moisture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *