April 22, 2024
Mga gamit at benepisyo ng kaolin clay sa balat o kutis at buhok. Ibat ibang paraan ng paggamit ng kaolin clay

Gamit at benepisyo ng Kaolin Clay

Sharing is Caring

Ang kaolin clay ( china clay ) ay isa sa mga clay na napakaraming gamit kung gagawa ng homemade skin and hair care products. Kung sa benepisyo naman ang pag uusapan, marami rin itong hatid sa kutis, buhok at anit. Ito ay ang clay na napakadali ring gamitin. At ang pinaka simpleng paggamit nga nito ay ang paglagay lang ng tubig. Gawin itong paste like ang consistency, meron ka ng facial mask.

I-apply mo ito sa mukha, leeg, katawan, sa anit at buhok. Mag antay ng 5-10 minuto pagkatapos ay hugasan.

Ang kaolin clay ay hindi kasing kumplekado ng bentonite clay. Ito ay versatile sabi nga nila. Maaari mo rin itong lagyan ng mga bulaklak kagaya ng rose, gumamela at iba pang flowers na may hatid na benepisyo sa buhok at balat. Maaari ring lagyan ang kaolin clay ng mga gustong spices & herbs.

Iba’t ibang gamit sa Kaolin Clay

Ang kaolin clay ( kaolinite ) o kilala rin sa tawag na china clay ay ginagamit sa;

  1. Makeup– ginagamit itong filler sa mga foundation, blushes, eyeshadow, body powder at marami pang iba. Bukod sa ginagamit itong filler, ito ay anti caking din.
  2. Lipstick
  3. Lotion at cream o moisturizer– ginagamit din itong sangkap sa lotion para sa mga balat na oily.
  4. Facemask– ang paggamit bilang face mask ang primary na gamit sa clay na ito.
  5. Deodorant– maaari mo rin itong isama bilang sangkap sa paggawa ng deodorant. Ito ay may kakayahan na mag absorb ng moisture at amoy.

Mga benepisyo ng kaolin clay sa balat

  1. Sensitive at mature skin– ang kaolin clay ay ang clay na recommended sa may sensitive at mature skin dahil ito ay banayad sa kutis.
  2. Dark spots o age spots, wrinkles– may kakayahang lunasan ang mga problema sa balat na dulot ng free radicals. Banayad nitong tinatanggal ang mga dead skin cells para magkarooon ng panibago at healthy skin.
  3. Toxins at pores– nakakatulong din ito na magtanggal ng toxins sa ating balat at linisan at tanggalin ang dumi na nanuot sa ating pores. Ito ay astringent din kaya meron itong kakayahan na itikom ang naka ngangang pores 😀
  4. Oily skin– para sa merong oily skin maaari ring gamitin ang kaolin clay para mabalance ang produksyon ng langis sa balat ng mukha.
  5. Scalp & hair– maaari mo itong gamitin sa anit at buhok para matanggal ang mga nakasiksik na dumi at chemicals mula sa mga hair care products. Kung meron kang oily hair & scalp, makakatulong din ang kaolin clay sa problemang ito.

PAANO GAMITIN ANG KAOLIN CLAY

  1. Mask– gumawa ng paste like consistency gamit ang tubig o hydrosol. I pahid ito sa mukha. Pagkatapos ng 5-10 minuto banlawan ito. Ganon din ang gagawin kung gagamitin sa buhok at anit.
  2. Cleanser– maaari mo rin itong idagdag sa ginagamit mong cleanser sa mukha man o katawan.
  3. DIY Products– idagdag mo ito bilang sangkap sa mga homemade o DIY na produkto.

Paano gumawa ng kaolin clay mask na may flowers, spices & herbs

Kung meron kang kaolin clay, dagdagan mo pa ito ng mga bulaklak, spices & herbs o mga dahon na may benepisyo sa balat. Gamitin ang tuyo at napulbos na halaman.

Pagsasamahin mo lang ang halaman at kaolin clay. Maaari mong lagyan ito ng fragrance oil kung gusto mong may amoy o essential oil kung gusto mo naman ng dagdag benepisyo. Ilagay sa garapon na may takip para hindi mapasukan ng tubig o moisture.

Kagaya sa ginawa kong rose face mask, ito ay napakadaling face mask na maaaring gawing ng may sensitive skin o mature skin.

Rose clay facial mask na gawa sa kaolin clay at rose petal powder
Panoorin ang VIDEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *