April 22, 2024
Iron oxides na ginagamit sa paggawa ng makeup

Ano ang Iron Oxide na ginagamit sa paggawa ng MAKEUP

Sharing is Caring

Ang Iron Oxide sa madaling sabi ay bakal na nag-oxidized. Sa pag diskubre naman ng gamit nito, marami raw mga paintings na libong taon na ang edad na kung saan ang ginamit na pigments ay ang mga iron oxides. Pero ang iron oxides na ginagamit sa cosmetics ay synthetic o gawa sa laboratoryo. Dahil hindi naman pwede na kakayurin ang kalawang ng bakal at ito ang ibebenta sa mga consumers. Ang iron oxides na gawa sa laboratory ay oxidized iron din pero hindi contaminated ng mga heavy metals.

Ang iron oxide ay importante sa paggawa ng cosmetics lalong lalo na sa paggawa ng mga makeup. Ito ang magbibigay ng kulay sa iyong mga homemade na produkto.

Iba’t ibang uri ng IRON OXIDES

  1. Red iron oxide
  2. Black iron oxide
  3. Yellow iron oxide
  4. Brown iron oxide ( mixture )

Ang Iron Oxide ay isang pigment na matapang ang kulay kung ikukumpara sa MICA. Kaunti lang ang gagamitin mo dito para bigyan ng kulay ang iyong produkto. Ang isa pang kaibahan ng iron oxide sa mica ay, ang iron oxide ay matte at ang mica naman ay may shimmer o kinang.

Saan ginagamit ang IRON OXIDES sa paggawa ng MAKEUP

Ang iron oxides ay ginagamit sa iba’t ibang uri ng makeup at skin care products.

1. Lipstick- pwede itong ihalo sa mica sa paggawa ng lipstick.

Lipstick na gawa DIY, homemade o gawa sa bahay gamit ang simpleng paraan at simpleng mga sangkap o ingredients

2. Foundation- ginagamit din ito sa paggawa ng foundation, liquid man o powder.

3. Eyeshadow- maaari mo ring gamitin ang iron oxide kung gagawa ka ng eyeshadow.

4. CC cream at BB cream- sa formulation ng cc cream o bb cream, ang iron oxide ay isa ring importanteng sangkap.

5. Bronzer at Highlighter- makikita mo rin ang iron oxides sa ingredients list ng mga produktong ito.

6. Concealer- isa rin itong importanteng sangkap sa paggawa ng concealer.

7. Blush- sa mga blushes ay ginagamitan din ng mga iron oxides. Maaari kang gumawa ng cream o powder.

Paggawa ng cream blush sa bahay gamit ang mga simpleng sangkap

8. Eyebrow Cream/ Powder/ Pencil- ginagamit din ang iron oxide sa paggawa ng eyebrow cream, powder o pencil.

Iba' ibang shades ng eyebrow cream na gawa sa bahay at DIY

9. Eye liner at Mascara- ito rin ang isa sa mga pinaka importanteng sangkap sa paggawa ng eye liner at mascara.

10. Cream- sa mga cream ay ginagamit din ang iron oxides para bigyan ng kulay ang mga produktong cream based products.

Ano ang dapat gawin bago gamitin ang Iron Oxide

Ang iron oxide ay isang uri ng pangkulay na mahirap maihalo sa ibang produkto. Kung papansinin nyo ang porma nito at ikukumpara sa mica, ang iron oxides ay may mga buo buo. Ang mica naman ay mas malayong mas pino. Kaya bago gamitin, kailangan na i-grind muna ito. Gumamit ng mortar and pestle o coffee grinder.

Mortar and pestle ang isang bagay na kailangan sa pagpupulbos o pandikdik.
Coffee grinder na gamit sa pag pulbos ng mga halamang gamot o spices & herbs at iba pang mga sangkap sa paggawa ng DIY cosmetic products.

Ganyan din ang gagawin bago gamitin ang ibang pigments kagaya ng chromium, ultramarine, titanium dioxide, zinc oxide at iba pang mineral.

Mga simpleng advice sa paggamit ng IRON OXIDE

Sa gamit sa paghahalo, maganda kung meron kayong icing spatula na silicone. Mas matigas ito sa regular na spatula. Makakatulong ito sa paghahalo mo habang nilaglagyan mo ng diin o pressure.

Sa paghuhugas naman- yun lang! 😀 Dahil nga sa mas intense ang kulay nito, mas mahirap itong hugasan kung ikumkumpara sa mica. Makakatulong ang pagbabad gamit ang baking soda o suka at sabon. Hindi totally tanggal- pero pwede narin. Hindi ko pa na try ang chlorine o chlorox kaya hindi ko ito mare-recommend. Makakatulong din ang paggamit ng gloves.

Gumamit din ng mask para hindi nyo mainhale ang mga pulbos nito.

Sa pagbili ng iron oxides, basahing mabuti ang information ng binebenta. Dahil merong mga iron oxide na para sa industrial use at ito ay hindi pwedeng gamitin sa ating balat. Bumili ng iron oxide na para sa cosmetic use.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *