April 22, 2024
Sangkap na sodium pca na ginagamit sa paggawa ng skin and hair care products

Gamit at Benepisyo ng Sodium PCA

Sharing is Caring

Ang Sodium PCA ay ¨sodium salt of pyrrolidone carboxylic acid ( PCA ) ¨. Ito ay isang natural na produkto na maaaring manggaling sa langis, halaman at prutas. Ginagamit ito sa skin and hair care products dahil sa moisturizing at hydrating benefits nito sa buhok at balat. Tinutulungan nito ang balat at buhok para maging malambot at maiwasan ang pagkatuyot.

Ang isa pang maganda sa sangkap na ito ay maaaring gamitin ng may iba’t ibang uri ng skin type o hair type ( normal, dry o oily ). Bukod diyan, ito at compatible sa halos lahat ng sangkap na ginagamit sa formulation ng hair and skin care products.

HUWAG LANG sa mga sangkap na Nitrosating agents kagaya ng DEA o TEA.

Gamit ng Sodium PCA sa hair and skin care

Ginagamit ang sodium pca sa iba’t ibang uri ng hair and skin care products. Maaaring makita mo ito sa mga sumusunod;

  1. Creams, moisturizers, lotions
  2. Serum
  3. Masks
  4. Gels
  5. Cleanser
  6. Toner
  7. Shampoo
  8. Conditioner
  9. Makeup- mga makeup kagaya ng foundation
  10. Lipstick
  11. Deodorant
  12. Baby wipes

Mga benepisyo ng Sodium PCA sa balat at buhok

1.Hydrating & Moisturizing

Kagaya ng hyaluronic acid, HYDRATION ang pangunahing benepisyo ng Sodium pca. Kaya ito ay kabilang sa mga sangkap ng mga produktong ginagamit sa balat at buhok. Ina-absorb ng sodium pca ang moisture sa hangin para punuan at panatilihing moisturized ang iyong balat.

2. Anti-aging

Ang PCA o Pyrrolidone carbon acid ay isang natural na bahagi ng Natural Moisturizing Factor o NMF ng ating balat. Kagaya ng glutathione o collagen, ang level ng NMF ay nababawasan o bumababa dahil sa ating edad, exposure sa iba’t ibang uri ng pollution, sobrang exposure sa ilalim ng araw atbp. Sa dahilang yan kaya naglalabasan ang kulubot sa mukha at nagiging dry ang balat. Sa paggamit ng skin care product na may sangkap na sodium pca, ginagaya nito ang tungkulin ng NMF. Tinutulungan nitong bawasan ang mga signs of aging at ibalik muli ang hydrated at healthy looking na balat.

3. Anti-static

Ang sodium pca ay may anti-static properties din. Kaya maganda itong gamitin sa hair care products kagaya ng liquid soap, shampoo at hair conditioner. At kung sobrang prone kayo sa static dahil nakatira kayo sa lugar na dry ang hangin, magandang gumawa ng body cream o lotion na may sodium PCA.

4. Buhok

Hindi lang nito pinapalambot ang tuyong buhok at anit, tinutulungan din ng sodium PCA na patibayin ang bawat hibla ng buhok para mabawasan ang paglalagas nito. May abilidad din itong gawing makintab o shiny ang buhok.

5. Non-comedogenic

Kung prone ang iyong balat sa blackheads, whiteheads o pimples, yan ay dahil sa mga ginagamit na sangkap sa produktong pinapahid sa balat. Ang sodium pca ay isa sa mga cosmetic ingredients na ginagamit na non-comedogenic. Siguro next time, bago bumili ng cosmetics, makakatulong na basahin ang list of ingredients ng bibilhing produkto.

6. Anti-inflammation

May claim din na ang isa sa benepisyo ng sodium pca ay ang anti inflammatory properties nito. May mga pagaaral daw na ito ay ginamit sa treatment ng eczema. Ito ay hindi rin irritating sa balat kaya hindi lang ito recommended sa normal, oily o dry skin, pwede rin itong gamitin sa mga produktong may sensitive skin.

Gabay sa Paggamit ng Sodium PCA

INCI– Sodium pca

Usage rate– depende sa manufacturer. Magkaiba ang percentage of use sa leave on products at rinse off products.

Solubility– water

Color & texture– clear

Ginagamit sa– skin and hair care products

Benepisyo– hydrating, moisturizing, anti-aging, non-comedogenic, anti-static, anti-inflammatory

Protective measures sa paggamit– gloves

Storage– takpang mabuti at ilayo sa sinag ng ilaw at araw.

Kojic acid serum na may Sodium PCA

Ang kojic acid serum na aking ginawa ay ginamitan ko ng sodium pca. Kung proseso ang pag-uusapan ay madali lang ito gawin, pero ang kojic acid ay unstable o heat sensitive na sangkap kaya ingat sa pagpapainit ng formula.

Ang recipe na ito ay basic lamang. Madaling gawin at simpleng mga sangkap ang ginamit.

MGA SANGKAP SA PAGGAWA NG KOJIC ACID FACIAL SERUM

  1. Water- 10g
  2. Niacinamide- 0.6g
  3. Kojic acid powder- 0.2g
  4. Witch hazel- 7.04g
  5. Hyaluronic acid powder- 0.1g
  6. Vegetable glycerin- 2g
  7. Sodium PCA- 0.02g
  8. Preservative-0.04g

PARAAN NG PAGGAWA NG KOJIC ACID FACIAL SERUM

  1. Ihalo ang hyaluronic acid powder sa vegetable glycerin. Haluing mabuti at itabi.
  2. Paghaluin ang water, witch hazel, niacinamide, at kojic acid powder. Haluin ito at ipainit sa hindi lalagpas sa 40 degrees centigrade. Pag natunaw na ang kojic acid powder, hanguin ito sa init.
  3. Ihalo ang sodium pca sa pinainit na sangkap. Haluing mabuti.
  4. Lagyan ng preservative. Ang ginamit ko sa video ay geogard 221.
  5. Isunod naring ihalo ang pinagsamang hyaluronic acid powder at glycerin.
  6. Haluing mabuti ang mga sangkap.
  7. Itabi ito ng ilang oras o overnight.
  8. I-adjust ang ph o potential of hydrogen ng DIY kojic acid facial serum.
Homemade o gawa sa bahay na kojic acid serum
Panoorin ang VIDEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *