April 22, 2024
Mga paraan para i adjust ang ph o potential of hydrogen ng mga ginagawang cosmetic products sa bahay

Paano mag adjust ng PH o Potential of Hydrogen

Sharing is Caring

Importante ang PH o potential of hydrogen sa buhay. Mapaloob o labas man ng ating katawan, kailangan na nasa tamang ph ito. Pag sobrang acidic o sobrang alkaline ang parte ng ating katawan magdudulot ito ng karamdaman. Ganon din ang mangyayari sa ating balat at buhok. Iba’t ibang parte ng katawang panlabas, meron PH value na dapat i maintain para manatili itong healthy.

Kung gumagawa ka ng sarili mong skin and hair care products, importante ang adjustment ng PH. Sa mga sangkap na ginagamit mo, merong highly acidic at may highly alkaline diyan. Kaya dapat na iadjust sa tamang ph level o value ang mga produktong gawa sa bahay.

Pero bago tayo mapunta sa adjustment ng potential of hydrogen, ano nga ba dapat ang ph ng ating mga cosmetic products.

Mga PH value ng hair and skin care products

Ayon kay Paula’s choice ang ph value dapat ng mga produktong ginagamit ay;

  1. Cleanser- ph 4.5-7
  2. Toner- ph 5-7
  3. Sunscreen- ph 5-7.5
  4. AHA/BHA- ph 3.2-3.9
  5. Moisturizer- ph 5-7
  6. Serum- ph 4-6
  7. Vitamin c- ph 2.6-3.2
  8. Retinol products- ph 3.7-5

Iba pang mga ideal ph value ng mga produkto;

  1. Shampoo- ph 5-7
  2. Shower gel- ph 5.8-6
  3. Feminine wash- ph 3.5-4.5

Ang ginagamit para i-adjust ang ph level ng DIY na produkto

Kung babasahin nyo ang label ng mga produktong ginagamit ninyo, meron kayong mababasang citric acid ( minsan lactic acid )o sodium hydroxide.

1. CITRIC ACID- kung citric acid ang meron sa label, ibig sabihin ang original na ph level ng produkto ay mataas.

2. SODIUM HYDROXIDE- kung sodium hydroxide naman, ang produkto bago ang adjustment ay mababa.

Paano gamitin ang Citric acid o Sodium hydroxide sa pag-adjust ng PH

1. Citric acid– ang citric acid ay maaari ninyong gamitin sa pag adjust ng ph level tunaw man o hindi. Pero mas advisable na i dilute mo muna ito. Yung iba nagda-dilute ng 10% citric acid para i-adjust ang ph. Ako naman ay gumagamit ng 20% concentration ng citric acid.

Para sa 10g- tunawin ang 2g ng citric acid sa 8g na tubig.

Gumamit ng dropper pag mag-a-adjust ng ph ng produkto.

Sa video na aking ginawa sa ph adjustment, gumamit ako ng hindi natunaw na citric acid. Ginagawa ko ito kung nag-a-adjust ako ng pure liquid. Pero kung cream o serum, mas mabuti kung diluted ang gagamitin.

2. Sodium hydroxide– ang sodium hydroxide naman ay gagamitin mo kung gusto mong itaas ang ph level ng produkto. Ganun din ang gagawing pagtunaw sa NaOH.

Take note: ang NaOH ay ang ibubuhos mo sa tubig.

Patakan ang produkto hanggang makuha ang ph level na gusto.

In between ng paglagay ng ph adjuster at pagkuha ng ph, mag antay muna ng 30 seconds to minute.

Gumamit din ng gloves o protective measures pag hahawak ng sodium hydroxide. I-cover din ang lamesa para pag napatakan hindi ito masira. Ang sodium hydroxide ay highly alkaline. Incase napatakan ang inyong balat, gumamit lamang ng cool running water sa parte ng balat na napatakan ng sodium hydroxide.

SUBSTITUTE SA SODIUM HYDROXIDE– maraming mga diy’ers ang walang access sa sodium hydroxide. Kaya ang ginagamit nilang substitute dito ay ang baking soda o calcium carbonate. Hindi ko pa na try pero OK naman daw. Pero kung maswertehan ninyong makabili ng L-arginine, yan ang pinakamagandang gamitin para itaas ang PH ng mga DIY beauty products.

Importanteng kasangkapan sa pag-adjust ng PH

Hindi mo makikita ang level ng ph ng produktong ginagawa mo kung wala kang kasangkapan. Ang PH strip o PH meter ay importante dito. Ang ginamit ko sa video ay ph strips pero mas maganda kung merong ph meter dahil makikita dito ang actual o eksaktong ph value ng produkto.

Kailan ina adjust ang PH ng produktong homemade o DIY

Maaari mong iadjust ang ph ng produktong homemade bago o after na nalagay na ang preservative.

Paano kinukuha ang PH value ng produktong homemade o DIY

Iba iba ang pagkuha ng ph value ng produkto. Merong nag tutunaw ng produkto at meron din puro ang ginagamit sa pagkuha ng ph value. Ginagamit ko pareho. Kung likido o hindi masyadong creamy ang produktong DIY, hindi ko na tinutunaw ang produktong DIY. Pero kung masyadong creamy, tinutunaw ko muna ito.

Potential of hydrogen ng BHA at AHA

Pagdating naman sa PH ng BHA at AHA kinakailangan na mababa o acidic ang mga ito para maging epektibo sila. Ang AHA ay dapat less than 3.85, at BHA ay dapat less than 3 ang mga PH. Pero alalahanin din na huwag bababa sa PH 2.0.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *