April 22, 2024
Paraan ng paggawa ng homemade o DIY vaporub na parang vicks.

Paano gumawa ng Homemade Vaporub

Sharing is Caring

Sa simpleng paghahalo ng menthol crystals sa iba’t ibang uri ng langis, konting patak ng essential oils>>meron ka ng vaporub. Ganyan ka simple ang paggawa nito. Pag natutunan mo kung paano gumawa nito, laking tipid ang mangyayari sa bulsa lalong lalo na sa panahon ng iba’t ibang sakit. Mga sakit sa nakukuha sa panahon na mainit, maulan, o malamig.

Magagamit mo ito sa panahon na may lagnat, ubo, sipon o trangkaso. At hindi lang yan, dahil sa ito ay homemade, maaari mo itong icustomize sa paraan na gusto mo.

Kaya enjoy ang ¨DIY¨ 😀

Paano gumawa ng homemade vaporub

Sa paggawa ng homemade vaporub, kailangan mo ng mga sangkap.

Gawa tayo ng more or less 21 ml na vaporub.

MGA SANGKAP

  1. Homemade jelly oil 20ml
  2. Essential oils- gumamit ako ng 2 uri ; rosemary essential oil at eucalyptus essential oil. Gumamit ng gusto nyong essential oil na makakatulong sa ubo, sipon, o lagnat. Gumamit ng mga 15-20 drops.
  3. Menthol crystals- 0.2 grams.
  4. Vitamin E gel capsule- 1

Paraan ng paggawa ng homemade vaporub

Step 1. Paghaluin ang homemade jelly oil at menthol crystals sa isang mangkok na gagamitin sa pagtunaw ng dalawang sangkap na ito. Ikaw ay gagamit ng water bath.

Step 2. Tunawin ito sa low to medium fire. Hindi masyadong malakas na apoy para maiwasan na masobrahan sa init at kumulo ang mga sangkap. Dahan dahan lamang.

At pag ito ay tunaw na, hanguin ito mula sa hot water bath at haluing mabuti. Ito ay para siguradong incorporated ang menthol crystals sa langis.

Pag ang temperatura ay nasa room temperature na, maaari ng ilagay ang vitamin e at mga essential oils na gagamitin.

Step 3. Butasin ang vitamin e gel capsule at pigain ang laman nito. Bukod sa maganda ito sa balat, ang vitamin e ay mapipigilan na maoxidize ang ginawang produkto.

Step 4. Patakan ng 15-20 drops ng essential oil na gagamitin o depende sa gusto mo. Maraming essential oils na maaaring gamitin na makakatulong bilang natural na lunas sa sipon, ubo o lagnat. Maaaring gumamit lemon essential oil, citronella essential oil, peppermint essential oil at marami pang iba.

Pagkatapos patakan ay muli itong haluin, siguraduhin naikalat lahat ang mga sangkap sa langis.

Step 5. Pag napaghalo ng mabuti, maaari na itong ilagay sa napiling sisidlan. Huwag munang takpan, pabayaang lumamig ito at mag solidify.

Meron ka ng Homemade vaporub!!!

Ang nagawang homemade vicks vaporub.

Ganyan kadali gumawa.

Langis na gagamitin sa paggawa ng vaporub

Ang homemade jelly oil ay parang petroleum jelly ang texture pero gawa lang sa mga langis at wax. Kung walang homemade Jelly Oil, maaaring gamitin ang mga langis na ito;

  1. Castor oil– 10 ml
  2. Coconut oil- 4 ml maaari ring extra virgin coconut oil
  3. Olive oil-4 ml maaari ring extra virgin olive oil
  4. Beeswax- 2 ml

Paghaluin ang mga sangkap na yan sa isang heat resistant na mangkok. Pag ito ay natunaw na, hanguin sa apoy at haluin. Ilagay ang menthol crystals. Madali lang matunaw ang menthol crystals kaya maaaring gawin ang paraang ito.

Kailangan dito ang matagalang paghahalo para maging jelly like ang consistency. Ilagay na ang essential oils at vitamin e pag nasa room temperature na ito o 40 degrees centigrade and below. Muling haluin hanggang sa makamit ang jelly like consistency ng produkto.

Maaari bang gamitin ang petroleum jelly bilang substitute?

Pwede naman gawing substitute ang petroleum jelly sa paggawa ng vaporub. Ito ay kung wala kang issue sa mga kontrobersiya nito.

Ang paggamit ng beeswax sa paggawa ng vaporub

Ang beeswax ay maaaring i-adjust depende sa temperatura ng inyong lugar o depende sa consistency na gusto mo. Sa recipe na ginamit ko, ito ay para lamang sa semi solid to runny consistency. Maaaring magdagdag ng 1 to 1 1/2 grams ng beeswax sa medyo mainit na lugar. Laruin ang recipe para makuha ang gustong consistency at texture. Dahan dahang magdagdag ng beeswax. Kung may ibang uri kayo ng wax, maaari itong gamiting alternatibo.

Ang paggamit ng menthol crystals sa paggawa ng vaporub

Ang percentage ng menthol crystals na ginamit sa recipe ay hindi gaanong maanghang. Kung ikukumpara ito sa usual na nabibiling vicks vaporub, very light lang ang menthol feel at smell nito.

Maaaring ilaro at magdagdag ng mga 0.5 % to 1 % kung gustong mas maanghang pa ang homemade vaporub ninyo. Huwag ding kalimutang tanungin ang pinagbilhan nito ang percentage sa paggamit ng menthol crystals. Kasi minsan, ang percentage ng paggamit ay nakadepende sa manufacturers. Tanungin ang pinagbilhan para siguradong hindi ka sumosobra sa paggamit.

Ang paggamit ng essential oil sa paggawa ng vaporub

Bear in mind na sa recipe na ito ay gumamit ng essential oils. Ang recipe na ito ay hindi maaaring gamitin sa bata lalong lalo na sa mga baby. Ang essential oil ay siksik o concentrated. Kaya kung gagawa ng para sa mga bata o mga sanggol, gumamit ng recipe na aakma sa kanilang edad.

Maaari nyo ring panoorin ang video demonstration nito

Panoorin sa YOUTUBE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *