April 22, 2024
Paraan ng paggawa ng jelly oil na petroleum free

Paano gumawa ng petroleum jelly na Petroleum FREE

Sharing is Caring

Bago tayo mapunta kung paano gumawa ng petroleum jelly na petroleum free, pagusapan muna natin kung ano ito.

Ang petroleum jelly ay isang produkto na napakadaling bilhin kahit saan. Available ito sa mga supermarket, maliliit na groceries at mga drugstores. At ang brand nga na sikat na kilala ng tao ay ang Vaseline. At pag sinabing vaseline, alam mong ito ay petroleum jelly.

Maraming mga sinasabing makukuhang benepisyo sa petroleum jelly lalong lalo na skin care.

Pero alam mo ba kung saan galing at kung paano ginawa ang petroleum jelly?

Saan galing at paano ang paggawa ng petroleum jelly

Ang petroleum jelly ay tinatawag din petrolatum. Kung nagbabasa kayo ng mga ingredients ng mga ginagamit nyo sa inyong balat, buhok o mga make ups, ang mababasa nyo dito ay ¨petrolatum¨.

Ang petrolatum by-product sa proseso ng paggawa ng petrolyo. Para ito ay magamit bilang hair and skin care product, ang by-product na ito ay nire-refine. Tinatanggal ang mga kemikal at amoy petrolyo na makakasama sa ating kalusugan.

Ang nakadiskubre ng petroleum jelly

Ayon sa wikipedia ang nakadiskubre ng petroleum jelly ay isang chemist na si Sir Robert Augustus Chesebrough. Siya rin and founder ng pinakasikat na brand ng petroleum jelly na VASELINE.

Vaseline petroleum jelly

Mga gamit at benepisyo ng petroleum jelly

Maraming sinasabing mga gamit at benepisyo ng petroleum jelly.

Sabi nila;

  1. Skin care– sa skin care ito ay nagpapalambot ng balat.
  2. Hair care– nakakatulong din daw ito na patibayin ang buhok at lunasan ang split ends. Marami ring nagsasabing ito raw ay pampakapal ng pilik mata at kilay.
  3. First aid– maaari din daw itong gamitin sa minor cuts and burns.
  4. Diaper rash– ito ay mina-market din na protectant at lunas sa diaper rash ni baby.

Marami pang sinasabing gamit at benepisyo nito pagdating sa skin care. Pero sa ibang tao, ang petroleum jelly ay isa sa mga produkto na dapat iwasan dahil ito ay nakakasira o nakakasama sa ating kalusugan.

Bakit sinabing masama sa katawan ang paggamit ng Petroleum jelly?

Kagaya sa ginagamit na polbos na johnson’s baby powder na ang pangunahing sangkap ay talc, ang petroleum jelly ay marami ring kontrobersiya.

Carcinogenic

Ito raw ay nagdudulot ng cancer dahil sa mga maaaring kontaminasyon ng mga kemikal na mula sa petrolyo. Magkakaroon ng kontaminasyon dahil sa hindi maganda o maiging proseso ng pagrerefine nito.

Ayon sa article ng medicalnewstoday, ang carcinogen na ito ay ang tinatawag na polycyclic aromatic hydrocarbons.

Sabi rin sa article, ang petroleum jelly ay itinuturing na ligtas gamitin. Pero kung bibili nito, bumili lamang ng brand na mapagkakatiwalaan.

Ibig sabihin, sa manufacturer o producer na established na at hindi sa mga moro-moro na kompanya. Dahil maaaring ang pagrefine ng produkto ay hindi maganda o maayos.

Comedogenic

Ito raw ay comedogenic at taliwas sa sinasabing maganda ito sa balat. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa balat kagaya ng, blackheads, at whiteheads dahil naclo-clogged ang pores. Sa ibang tao naman ay nagiging sanhi ng tigyawat.

Bukod diyan, nakakasunog ito ng balat pag ito ay na expose sa sikat ng araw.

Petroleum jelly sa balat o kutis

Para sa akin naman, ang paggamit ng petroleum jelly sa balat o kutis ay depende sa gagamit nito. Hiyangan lang kumbaga. Dahil marami rin namang tao na hiyang sa produktong ito at sabi nga nila, isa ito sa ¨must have¨ sa kanilang skin care routine.

Pero kung extra sensitive ang kutis mo o oily, mas mabuti sigurong iwasan nalang ang paggamit nito.

At kung concern ka sa kontrobersiya nito, mas mabuti ngang huwag nalang i-expose ang sarili sa produktong ito at ganon din pagdating sa sanggol o bata.

Petroleum jelly sa balat ni baby

Ang petroleum jelly ay sinabi ring makakatulong na hindi magkaroon ng diaper rash si baby. Nagbibigay ito ng proteksyon sa pagitan ng balat at dumi, ihi at ng diaper.

Maaari ninyong itry kung effective nga talaga bilang proteksyon sa balat ng sanggol o hindi.

Pero kung iisipin mo na ito ay dumadaan sa refinement para tanggalin ang kung anong kemikal ang meron dito, magiging paranoid ka dahil may chance na maaari itong maging kontaminado. At bilang isang ina, bakit mo iri-risk ang kalusugan ng isang bata at gamitin ang isang bagay na walang kasiguraduhan kung safe o hindi. Kung lamok nga ayaw mong padapuan diba?

At kung diaper rash ang pag-uusapan bumili nalang ng cream o ointment para sa problema sa rashes.

Maaari ring gumawa ng jelly oil, diaper cream o diaper rash balm na mas natural ang tema.

At kung sa paggawa ng substitute ng petroleum jelly, konting sangkap at kailangang ng TIYAGA.

Paano gumawa ng petroleum jelly na petroleum free

Ang paggawa ay ang simpleng paghahalo halo ng mga carrier oils o fixed oils at beeswax.

Para sa mga sangkap at bagay na kailangan: para sa 50 ml

  1. Castor oil 25 ml
  2. Extra virgin coconut oil 10 ml
  3. Extra virgin olive oil 10 ml
  4. Beeswax 5 ml
  5. Vitamin e gel capsule- 1
  6. Water bath
  7. Panghalo
  8. Mangkok
  9. Sangkaterbang TIYAGA

Paraan ng paggawa ng petroleum jelly

Step 1– paghaluin lahat ng sangkap (except vitamin e) sa isang heat resistant na mangkok o tasa o kung ano ang inyong gagamitin.

Step 2– ilagay ito sa hot water bath sa low to medium heat.

Step 3– pag ito ay natunaw na, hanguin mula sa hot water bath.

Step 4– haluin itong mabuti kasama ang tiyaga. Tuloy tuloy na paghahalo ang kailangan para maging jelly like ang consistency.

Step 5– Pag ito ay maligamgam na o nasa room temperature na, ilagay ang vitamin e. Haluing muli.

Step 6– pag jelly like na ang consistency at aprub na sayo, maaari na itong ilagay sa garapon o container.

Meron ka ng Jelly oil na parang vaseline pero petroleum free.

Ang Beeswax sa paggawa ng jelly oil

Mga benepisyo at gamit ng beeswax

Ang ginamit kong beeswax sa ginawa kong jelly oil ay nakabase sa temperatura ng lugar na aking tinitirhan. Para sa nakatira sa mas mainit na lugar, maaaring magdagdag ng 1/2 gram- 1 gram na beeswax. Dahan dahang magdagdag para mas sigurado.

At bilang advice, paratiang isulat ang ginagawang recipe 😀

Panoorin ang Video

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *