April 22, 2024
Review sa kings herbal. Mga benepisyo nito sa kalusugan at mga sangkap na ginamit sa paggawa nito.

Ano ba ang Kings herbal supplement

Sharing is Caring

Marami parin sa atin ang naniniwala sa natural na lunas pag tayo ay may sakit. Kung pwedeng iwasang uminom o gumamit ng synthetic na gamot, atin itong iiwasan kung may ibang option. Sa ating bansa, ang kings herbal supplement ay masasabi nating ”trusted” na produkto pagdating sa natural na lunas o suplemento. Ito ay matagal na sa mercado at marami ring nagpapatotoo na epektibo ito sa mga gumamit. At kung tama ang memorya ko, nasa IBC 13 palang ang BITAG ni Ben Tulfo, sikat na ang produktong ito. Nagkakaroon nga ng documentation ang show ni Bitag sa mga may sakit na umiinom nito.

Pero ano nga ba ang Kings herbal supplement?

Ang Kings Herbal at si ka Rey Herrera

Bago tayo mapunta o talakayin kung ano ang Kings Herbal, madako muna tayo sa taong gumawa nito. Kung napanood nyo ang segment ng Rated K ni Korina Sanchez, na-feature dito si Ka Rey.

Mula sa isang dukhang ama, nagkasakit at gumaling sa sakit na cancer dahil sa mga halamang gamot na kanyang ininom. Sa kanaisan din nyang makatulong, ibinahagi din daw nya ang kanyang kaalaman sa mga taong may sakit. Dahil siguro na experience nyang yan, na kung saan ay sa halamang gamot sya gumaling, nainspire ito na pagtuunan ng pansin ang mga iba’t ibang uri ng pagkain at mga herbal.

Mga pagkaing bilang natural na lunas ayon kay Hippocrates.

I would assume na sa kanyang pagsasaliksik at sa kaalamang bigay ng Diyos, nakapag formulate sya ng isang supplement na nakatulong sa mga kababayan nating may sakit at naniniwala sa natural na lunas

Ano ba ang kings herbal?

Ang Kings Herbal ay isang food supplemement na gawa sa iba’t ibang uri ng gulay, prutas at herbal. Ito ay mga organic na produkto na ang company mismo ang nagtatanim. Ibig sabihin hindi ito ginamitan ng mga kemikal kagaya ng mga inorganic na fertilizers o mga pesticide o insecticide.

At hindi lang daw ito nakakatulong mapagaling ang karamdaman kundi pinapalakas din ang ating immune system. Kaya ito ay hindi lang para sa may sakit, kundi ito ay maaari mo ring inumin bilang supplement.

Isa sa mga videos ni Korina Sanchez sa kanyang social media, pinakita nya dito na umiinom sya ng produktong ito bilang supplement. Ang isa pa sa naniniwala sa produktong ito ay si Gabby Conception. At ayon nga sa kanila, araw araw daw nila itong iniinom. At gamit na nila ito bago pa man sila naging endorser ng produkto.

Ako naman ay umiinom lang nito kung sa tingin ko ay kulang ang nakakain kong prutas, gulay at naiinom na mga herbal na tsaa. Halimbawa sa mga panahong walang oras sa paghahanda ng mga masustansyang pagkain. Pero sa unang try ko sa paginom nito, sa unang 1 buwan, 3 beses sa isang araw.

Ang experience ko sa paginom ng Kings herbal

Sa aking experience sa pag-inom ng Kings Herbal sa unang 1 linggo ay – sabihin ko nalang na- panahon ng general cleaning ng aking katawan. Dahil sa first, second and third day, para akong nanghihina at inubo ako ng sobra. At sa nabasa ko, ito nga raw ang epekto. Sa unang araw ay parang lilinisin nito ang iyong katawan. Nilalabas nito ang mga basura. Pagkatapos nun ay maginhawa at parang malakas na ang aking pakiramdam.

Ano ang mga sakit na nagagamot ng Kings Herbal

Ayon sa nabasa ko na brochure na nakalakip sa nabili kong produkto, ang mga sakit na maaaring magamot ng Kings Herbal ay ang mga sumusunod;

  1. Diabetes
  2. Arthritis
  3. Cancer
  4. Leukemia
  5. Kidney disease
  6. Prostate cancer
  7. High blood pressure

Siempre kung iinom nito, kailangan ding isaalang alang ang inyong health status. Kagaya ng kung meron kayong maintenance na gamot o umiinom ng ibang suplemento.

HALIMBAWA:

a. Aspirin

   b. Ticlodipine

   c. Ginkgo Biloba

   d. Ginseng

   e. Warfarin

   f. Heparin 

At kung kayo ay ooperahan sa darating na 1 linggo, ang herbal na ito ay hindi pwedeng inumin.

Ano ang dosage ng Kings Herbal?

Ang dosage ng kings herbal ay 30ml pagkagising sa umaga o 20-30 minutes bago mag-agahan. Yun naman umiinom dahil may sakit, 30ml, three times a day.

Ano- ano ang mga sangkap ng Kings Herbal?

Napakaraming mga sangkap ang Kings Herbal, ito ay iba’t ibang uri ng mga herbal, prutas at gulay.

  1. Carrot roots
  2. Eucalyptus leaves
  3. Makabuhay stem
  4. Squash fruits
  5. Taro roots
  6. Bitter gourd fruits
  7. Malunggay leaves
  8. Mirade berry fruits
  9. Sugar beet roots
  10. Tomato fruits
  11. Amaranth leaves
  12. Avocado seeds and leaves
  13. Black bean seeds
  14. Black plum leaves and fruits
  15. Broccoli leaves
  16. Chinese orange fruits
  17. Cilantro leaves and roots
  18. Corn fruits
  19. Ginger roots
  20. Guava fruit and leaves
  21. Jute leaves
  22. Lemon fruit
  23. Lime fruit
  24. Mango leaves
  25. Oregano leaves
  26. Pandan roots and leaves
  27. Pennywort leaves
  28. Queens flower leaves
  29. Red bean seeds
  30. Shiny bush leaves
  31. Spinach leaves
  32. Star apple leaves
  33. Sugar apple fruits
  34. Taheebo leaves
  35. Tea leaves
  36. Thorn apple fruits
  37. Velvet apple fruits
  38. Wild tea leaves
Mga ingredients ng kings herbal
Nutrition Facts ng Kings Herbal
  1. Calories

   2. Total fat

   3. Saturated fat

   4.  Cholesterol

   5. Total carbohydrates

   6. Sugar

   7. Sodium

   8. Vitamin A

   9. Vitamin C

   10. Calcium

   11. Iron

   12. Magnesium

   13. Potassium

Paano mo maiiwasan na makabili ng FAKE na Kings Herbal

Para hindi naloloko matutong magsaliksik. Nabanggit ko nga sa simula ng blog na ito na ang produktong ito ay matagal na sa merkado. Dahil sa tiwala ng mga mamimili, established na ito, at popular.

At kung popular at established na, maraming mga taong gagayahin makapag kamal lang ng pera.

Kung titignan mo ang Lazada at Shopee napakarami doon ang nagbebenta ng produkto sa murang halaga. At meron ka ring makikita sa mga malls o tindahan na nagbebenta nito sa murang halaga. At kung hindi ka mag-iisip ng tama at ang nasa isip mo lang ay ”MAPAPAMURA” ka, bibilin mo ito. Ang ending, na-peke ka at nilagay mo sa panganib ang iyong kalusugan o kalusugan ng iyong mahal sa buhay. At hindi lang yan, nilustay mo pa ang iyong pera.

Bumili sa legit na distributor para maiwasang makabili ng fake na kings herbal. Kung may nahanap kang nagsabing distributor nito, manaliksik ka at magtanong ka muna bago mag-order.

Bago ako nakabili sa isang distibutor o supplier, marami akong research na ginawa . Tinignan ko muna at pinakiramdaman kung legit ba o hindi. Nagsend din ako ng message sa Bitag page at nagtanong kung paano ako mag order ng herbal. Dahil sa isip ko noon ito ay mas siguradong legit at orig ang produkto. Unfortunately, hindi nabasa ang message ko,hahaha!

Pero may nahanap naman ako. Ito ata ang pinakamalaking distributor ng kings herbal, si Rollie Bartolome at meron din itong facebook page. Pero kung ang gusto nyo ay kumuha sa mismong lugar ninyo o kung may mga katanungan kayo, may ibang paraan para ma contact sila. At kung hindi pa kayo kontento, panoorin ang video ni ka Rey sa Rated K. Sa huli ng video ay meron itong information kung papaano sila mako-contact.

Halos lahat naman ng impormasyon makukuha mo na dahil sa teknolohiya ngayon. Kailangan lang ng tiyaga para hindi mapeke.

6 thoughts on “Ano ba ang Kings herbal supplement

    1. Hi, David. Kung supplement lang naman siguro ay OK lang. Pero mas maganda po kung tanungin ninyo ang doktor para sa health status ninyo.
      Thanks & Blessings to you.

    1. Hi, Nelissa.Pwede mo pong tanungin ang doktoc re: paginom ng herbal. Kasi may meds na contracindicated at kung post op patient ang iinom.
      BLESSINGS!

    1. Hi, Jeff! Wala pong sinabi sa brochure tungkol sa gallstone. Mas mabuti siguro kung tanungin ang supplier nito. Pero minsan kasi yung mga supplier, maka benta lang sasabihing lahat ng sakit.

      Blessings of health and happiness to you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *