April 22, 2024
Personal na review sa kasoy oil

Kasoy oil review

Sharing is Caring

Ang kasoy oil ay isang produkto na locally made sa Pilipinas. Maraming nagbebenta dito online at mukhang maraming bumibili nito. Ako ay isa sa nagorder online dahil nacurious ako, mukha kasi itong isang natural na lunas o gamot. Ginawa ko ang blog post na ito para sa aking Kasoy oil review. Pero bago tayo pumunta sa aking review, tignan muna natin ang sinasabing pwedeng gamutin ng kasoy oil.

Mga problema sa balat

Ang mga problema sa balat na sinasabing maaaring gamutin ng kasoy oil ay ang mga sumusunod;

1. Skin tags

2. Warts/Kulugo

3. Galis

4. Allergy

5. Kati-kati

6. Kalyo

7. Buni

8. An-An

9. Balakubak

10. Nunal

Mga problema sa balat na ginagamot ng kasoy oil ng Angel touch.

Paano ang paggamit ng Kasoy oil?

Ayon sa impormasyon na na-research ko sa paggamit ng kasoy oil, ang paggamit ay depende sa problema na gagamutin mo. Halimbawa ng mga problema sa balat at paraan ng paggamit nito;

Kasoy oil sa Warts/Kulugo at Skin Tags

    Lagyan ng Kasoy oil ang cotton buds, ipahid ito sa warts o skin tags at ibabad ng 10-15 minutes. Pagkatapos ay banlawan.

Kung sa nunal naman ito gagamitin, parehong paraan din ang paggamit.

Kasoy oil sa Buni at An-an

   Lagyan ng kasoy oil ang bulak, ipahid sa parteng may buni o an-an, ibabad ng 5-10 minutes. Banlawan.

Kasoy oil sa Kalyo

  Lagyan ng kasoy oil ang bulak, itapal ito sa parteng may kalyo ( gumamit ng tape para maitapal ito) at ibabad ng 20 minutes. Banlawan at kuskusin ng pumice stone.

Kasoy oil sa Kati-Kati at allergy

 Lagyan ng kasoy oil ang bulak at ipahid sa parteng makati o may allergy. Banlawan after 5 minutes.

Kasoy oil sa Balakubak

 Lagyan ng kasoy oil ang bulak, ipahid sa anit na may balakubak. Banlawan after 5 minutes.

Kasoy oil Review

Pagkatapos kong makuha ang produkto na nabili ko online, nagresearch muna ako ng mga post sa Facebook at Youtube. Mga review posts ng mga gumamit nito. Epektib daw sabi nila. Marami sa mga gumamit nito ay ginamit sa pagtanggal ng kanilang nunal sa mukha.

Pagkatapos kong mapanood ang mga reviews online, nagdecide ako na hindi gamitin ito dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Walang ingredients na nakalagay. Bilang mamimili ng isang produkto, karapatan natin na malaman ang mga sangkap o ingredients na ginamit sa isang produktong ating bibilin. Ito ay ating proteksyon. Kung magkaroon man ng negatibong reaksyon ang iyong balat o katawan, kagaya ng allergy, meron kang hint kung ano ang maaaring nag-trigger dito. Dahil sa walang ingredients na nakalagay, napaisip ako kung ano ang nagbibigay ng kulay ”pink” sa produktong kasoy oil. Isa pang issue ko dito ay ang preservative/s na nilagay. Pagdating sa cosmetics na ginagamit, isa ang preservative ang sanhi ng iba’t ibang uri ng cancer. Merong mga preservatives na masama sa ating kalusugan, pero meron naman hindi. Bilang isang mamimili, dapat tayo ay maging mabusisi sa mga produkto na ating kakainin o gagamitin. Lalong lalo na sa cosmetics o skin care. Maraming mga producers ang gumagamit ng mga kemikal na nakakasira o masama sa ating kalusugan.
  2. Walang impormasyon kung anong paraan ang paggawa ng langis (kasoy oil). Kung ito ba ay distilled o cold pressed. Kagaya sa pagbili ng mga essential oils o mga carrier oils, pinapaalam sa mga mamimili kung anong proseso ang ginamit dito. At hindi rin malinaw kung ang mani, dahon o prutas ba ng kasoy ang ginamit dito.
  3. Walang precaution sa label. Importante na ini-inform ang mamimili sa maaaring maganap o mangyari sa paggamit ng produktong ito.
  4. Nagkakasugat o nakakasunog sa balat. Kung gagamitin ko ito sa aking anit, maaaring may posibilidad na masunog ito.
Ang kulay ng kasoy oil by angel touch.

Maari nga sigurong ito ay isang natural na produkto. Pero dahil sa kulang kulang ang labelling ng product, meron isang taong kagaya ko na natatakot gumamit. Dahil sa maraming producers ngayon na ang tuon sa pagnenegosyo ay sa pagkamal lamang ng tubo. Wa pa-ke kung ano man ang mangyaring hindi maganda sa kalusugan ng mga mamimili.

Marami tayong obligasyon sa ating katawan at kalusugan dahil tayo rin naman ang magbebenepisyo nito. Marami pang maglalabasan mga produkto diyan at madali lang natin ito makuha dahil sa teknolohiya. Pero wag sanang padala sa ”sabi-sabi”, dahil epektib sa ibang tao pwede narin sayo. Gagamitin kahit hindi pa nagsaliksik tungkol sa produkto. Maganda sana kung naaasahan ang FDA ng ating bansa, unfortunately ay HINDI. Matutong manaliksik!

Maaaring hindi mo pa makikita sa ngayon ang mga negatibong epekto ng mga produkto na nabibiling mura, mga instant puti products, at iba pang produkto na madaliang makukuha ang ”desired effect”, pero sa kalaunan mapapansin mo rin ito. Ang katawan natin ay bibigay din sa kalaunan.

Maraming natural na lunas ang mga problema sa balat na kagaya ng; skin tags, warts, galis, kulugo, allergy, kati-kati, kalyo, buni, an-an, balakubak. Sa kusina, palengke o sa mga shelves ng groceries ay makakahanap ka ng natural na lunas sa mga ito. Kung ang produkto ng angel touch ay marketed as ”kasoy oil”, bakit hindi ka nalang bumili ng ”kasoy oil” sa grocery, di ba? Sa paraang ito, walang pag-aalinlangan dahil alam mong natural.

Ito naman ay isang, sabi nga nila ay ”friendly reminder” lang.

2 thoughts on “Kasoy oil review

  1. My thoughts exactly, kahit maraming nagsa2bi na effective siya. Tapos yung isang cream n nire2komend nila meron steroid.

    If it’s really effective, surely my mgde2velop nito. I’d rather wait for a safe product to come out, than be sorry.

    Thanks for your blog.

    1. Hi,May! Thanks for visiting. Narinig ko rin yung cream pero hindi ko na pinaglaanan ng panahon. Steroid,talaga? So ibig sabihin front lang ang labeling na ¨kasoy¨ 🙂 tsk,tsk,tsk, goodluck sa mga users nalang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *