April 22, 2024
Natural na lunas sa manipis na kilay at pilik mata. Mga langis na pampakapal at pangpahaba.

Pampakapal ng Kilay at Pilik mata

Sharing is Caring

Simple lang ang pampakapal ng Kilay at Pilik mata, pumili lang ng tamang langis, kumain ng mga pagkaing masustansya na makakatulong sa pagpapakapal at pagpapahaba nito. At siempre, iwasan ang mga bagay na nakakasira dito.

Maraming mga nabibili sa merkado na sinasabing eyelash and eyebrow serum. Merong mga mahal ang presyo at merong mga mura. Mumurahin man o branded na serum, meron itong iba’t ibang uri ng kemikal.

Kung bibili ka rin lang ng mga mumurahing serum, bakit hindi ka nalang gumawa ng sarili mo. Sa paraang ito makakaiwas ka sa peligro na dulot ng mga mumurahing produkto. Dahil ang mumurahing produkto, ibig sabihin low quality o 90 percent synthetic (gawa sa iba’t ibang uri ng kemikal) ang mga sangkap na ginamit dito. At kadalasan, mga harmful chemicals ang gamit dahil ito ay mga mumurahing sangkap. Hindi dumaan sa pagsisiyasat. Gagamit ng mumurahing sangkap para maibenta rin ito ng mura. Abot kaya ng hindi mapagtanong na MASA!

Kung gusto mong umiwas sa mga kemikal na hindi mo alam kung ano ang magiging epekto nito sa iyong kalusugan, gumawa ka ng sarili mong serum na pampakapal ng kilay at pilik mata gamit ang mga natural na sangkap.

DIY Serum pampakapal ng Kilay at Pilik mata

Marami kang mga sangkap na maaaring gamitin sa paggawa ng DIY serum na pampakapal ng kilay at pilik mata.

HALIMBAWA: MGA NATURAL NA LUNAS NA PAMPAKAPAL NG KILAY AT PILIK MATA

  1. Extra virgin Olive oil
  2. Extra virgin Coconut oil
  3. Castor oil
  4. Vitamin E
  5. Aloe vera
  6. Sweet almond oil
  7. Avocado oil
  8. Argan oil

Ang mga ito ay nakakatulong sa pagpapakapal. Kahit isa lang sa kanila ang gamitin ay makakatulong na mapalago ang eyebrow at lashes. Pero sa paggawa ng serum at para mapalakas ang bisa, magcombine ng mga ito. At kung gagawa, gawing pangunahing sangkap ang CASTOR OIL.

At para sa pinakasimpleng recipe ng DIY SERUM, gumamit lang nga ilang sangkap. Ito ay sapat na para makatulong na kumapal ang kilay at pilik mata.

DIY SERUM RECIPE

Mga kailangan at sangkap;

  1. container
  2. Spoolie o cotton buds
  3. Castor oil
  4. Vitamin e
  5. Almond oil
  6. Coconut oil

Container– mas advisable kung jar container ang gagamitin at hindi tube. Mas madali itong linisin kung gagamitin man ito ulit.

Spoolie vs cotton buds– between spoolie and cotton buds, dahil hindi tayo gagamit ng preservative, mas maganda kung cotton buds ang gagamitin para pagkatapos gamitin ay itatapon na ito. Dahil kung spoolie ang gagamitin, may posibilidad na makapag introduce ng mikrobyo sa ginawang serum.

Castor Oil– gumamit ng castor oil bilang pangunahing sangkap.

Vitamin E– isa pang nourishing na sangkap na makakatulong sa pagpapalago at pagpapatibay ng buhok ng kilay at pilik mata ang vitamin e. Ang isa pang gamit ng vitamin e ay makakatulong ito na patagalin ang produktong serum dahil ito ay antioxidant.

Almond oil– ang almond ay nagbibigay din ng nutrisyon at maganda ang moisturizing properties nito.

Coconut oil– isang pang nourishing oil ang langis ng niyog. Gumamit ng extra virgin coconut oil. Sa video na aking ginawa, ang ginamit ko dito ay fractionated coconut oil.

Paraan ng paggawa ng DIY SERUM

Ang paggawa ng diy serum na pampakapal ng kilay at pilik mata ay simple lang. Paghaluin ang lahat ng sangkap sa isang container. Siguraduhing incorporated lahat ng sangkap. Kung sa tingin mo ay incorporated na lahat, maaari na itong gamitin.

Ang paggamit ay bago matulog sa gabi. Gumamit ng cotton buds o spoolie.

Ang paglago ng kilay at pilik mata

Kadalasan, makikita mo ang difference o epekto nito sa loob ng isang linggo. Kung itutuloy tuloy at walang palya sa pag-apply, sa isang buwan ay mapapansin mong mas mahaba at makapal na ito. At para lalong epektibo sa inyo ang natural na produktong ito, iwasan din ang mga bagay o dahilan ng pagnipis ng kilay at pilik mata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *