April 22, 2024
Paggawa ng oatmeal lotion

Paano gumawa ng Oatmeal Lotion

Sharing is Caring

Ang oatmeal lotion ay isa sa mga lotion na regular kong ginagawa dahil sa dami ng benepisyong hatid nito sa balat. Nagbibigay ito ng tamang moisture sa dry skin para maiwasan ang pangangati, pagbabalat o rashes. Mainam din itong gamitin sa balat na may iritasyon na sanhi ng eczema at psoriasis. Maaari itong ipahid sa likod na may mga bungang araw dahil nakakatulong itong pakalmahin ang hapdi at kati ng mga butlig.

At para sa mga nanay na nanunuyo ang kamay dahil sa paratiang naghahawak ng tubig dahil sa gawaing bahay, ang oatmeal lotion ay magandang gamiting moisturizer.

Mga sangkap sa paggawa ng oatmeal lotion

1.Colloidal oatmeal- 192 grams

2. Vegetable glycerin- 9 grams

3.Aloe vera juice- 7 grams

4. Oatmeal infused oil- 39 grams

5.Extra virgin coconut oil– 30 grams

6.Emulsifying wax- 18 grams

7.Essential oils- 3 grams ng iba’t ibang essential oils- 1.5 gram

8. Vitamin e gel cap- 3 gel capsules/2 grams

9.Preservative- 1.5 grams

10. PH- i check ang ph at iadjust ito.

Paraan ng paggawa ng Oatmeal Lotion

1.Paggawa ng colloidal oatmeal– para sa paggawa ng lotion, ang unang gagawin ay ang paggawa ng DIY colloidal oatmeal.

Sa 1 tasang tubig, lagyan ito ng 2 kutsaritang pulbos ng oats. Mas maganda kung ang gagamitin ay ang rolled oats. Paghaluin ito at itabi ng 5-10 minutes.

Pagkatapos ng 5-10 minutes, salain ito. Ang nasala ay ang tinatawag na (DIY) Colloidal Oatmeal. Kunin ang 192 grams ng likido. Ito ang gagamiting water base sa paggawa ng oatmeal lotion.

Ilagay ang vegetable glycerin, haluin at ilagay sa hot water bath.

2. Sa isang lalagyan, ilagay ang emulsifying wax, extra virgin coconut oil, oatmeal infused oil. Ilagay din ito sa hot water bath at antaying matunaw.

3. Kung ang gamit na emulsifying wax ay madaling matunaw, kahit papaano ay paabutin sa 75 degrees centigrade ang temperatura ng water ingredients at oil & wax ingredients.

4. Hanguin sa init. Gamit ang immersion blender o whisk, dahan dahang ihalo ang water ingredients sa oil ingredients.

5. Pagkatapos ma blend, pabayaang bumaba ang temperatura bago ilagay ang ibang ingredients.

6. Pag nasa below 40 degrees centigrade na, ilagay ang vitamin e, alove vera juice (maaari rin itong isama sa water ingredients sa hot water bath) at essential oils. Haluin muli o i blend muli.

7. Ilagay ang preservative.

8. Haluing muli para maincorporate ang mga sangkap sa cool down phase.

9. Kunin ang potential of hydrogen at i-adjust ito.

10. Ilagay sa container o jar at tuluyang palamigin bago takpan.

Meron ka ng Oatmeal LOTION 🙂

Paggawa ng oatmeal lotion
Panoorin ang VIDEO

Mga langis sa paggawa ng oatmeal lotion

Maaaring gumamit ng ibang langis o carrier oil bukod sa ginamit ko sa recipe. Maaaring gumamit ng extra virgin olive oil, sesame seed oil, sunflower oil at iba pang langis na available para sa iyo o abot kaya mo.

Ang oatmeal infused oil naman ay aking sariling gawa. Gamit ang carrier oil na extra virgin coconut oil at oatmeal.

Mga essential oils sa paggawa ng oatmeal lotion

Ang mga essential oils na ginamit ko sa paggawa ay, lavender essential oil, lemon essential oil, at pine essential oil. Ito ay may mga healing benefits sa inflammation kagaya ng rashes. Meron itong mga soothing properties lalo na ang lavender essential oil.

Kung gagamit ng lemon essential, siguraduhing hindi magpapaaraw at gumamit ng sunscreen kung maaarawan. Ang lemon essential oil ay phototoxic.

Gumamit ng essential oil na gusto mo, pumili ng may healing benefit. Maaari mo ring i-skip kung ayaw mong lagyan ng essential oils.

Aloe vera juice

Ang aloe vera juice ay ang reconstituted powder. Kung wala ka nito maaaring gumamit ng aloe vera gel. Maaari mo itong isama sa hot water bath kasama ng colloidal oatmeal. Kung walang gel o ayaw gumamit ng aloe vera, magdagdag ng 7 grams sa water ingredient.

Preservatives

Parating i-check ang percentage ng paggamit ng preservative sa manufacturer ninyo. Ang ginamit ko sa paggawa ng oatmeal lotion ay minimum lamang yan.

Consistency ng oatmeal lotion

Thick ang consistency ng oatmeal lotion, kaya technically, ito ay cream . Kung gusto ng thinner ang consistency, dagdagan lang ito ng tubig. Kung gagamit ng tubig, make sure na ito ay distilled o boiled. Maaari ring gumamit ng hydrosols kagaya ng lavender, rose, aloe vera, etc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *