April 22, 2024
Essential oils at iba' ibang gamit dito

Ano ang Essential Oil at paraan ng paggamit dito

Sharing is Caring

Marami sa atin ay hindi pa alam kung ano ang essential oil at paraan ng paggamit dito. Kung nanonood kayo ng show ni Darla ng ABS-CBN, na kung saan ay binag-raid (6:55) nya si KC Conception, mapapanood nyo dun na meron syang essential oil sa kanyang bag. Sa mga bag-raid ni Darla ay nakitaan rin ng mga essential oils sina Angel locsin, Ma’am Gina Lopez, Alex Gonzaga at nabanggit nga nya dito na producer/manufacturer ang kanyang kasintahan ng mga essential oils. Marami siguro sa atin na iniisip na parang K-POP na kelan lang sumulpot sa mercado.

Ito ay matagal ng ginagamit sa mundo, at katunayan libo-libong taon na ang nakakaraan nang ito ay ginamit ng mga tao.

Essential oils at iba' ibang gamit dito

Essential Oils sa Biblia

      Sa Old testament ng Exodus 30:22-25, nabanggit dito ang myrrh,cinnamon, calamus, cassia, at olive na gagawing langis upang gawing pangpahid. Sa panahon raw na yan, ang pag-gamit ng sagradong langis (Anointing oil) ay para lamang sa mga pari at hari, walang karaniwang tao na pwedeng gumamit o gumawa nito dahil ito nga ay sagrado.

Ang pagbanggit ng essential oils sa biblia
dav

Sa New Testament naman, halimbawa sa James 5:14-15, nabanggit dito ang pagpahid ng langis sa mga may sakit kaakibat ng dasal. At sa paraang ito, ang may sakit ay gagaling. Ilan lang yan sa mga nabanggit sa Biblia tungkol sa ”langis”.

Ang tanong, ” ito bang nabanggit ay ang kilala nating ngayong- Essential Oils?”. Hindi natin alam, dahil may mga teorya na sumasalungat dito. Ang sabi nila, ang mga ”langis” na binanggit sa Biblia ay hindi ang mga langis na tinatawag nating -Essential Oils.

Pero para sa akin, isa lang ang totoo. Ang katotohanan na bago ginawa ng Dios si Adan, sinigurado nya na lahat ng kailangan ni Adan ay meron na. Andiyan na ang araw, meron siyang gabi para sa panahon ng kanyang pagpapahinga, andiyan na ang iba’t-ibang uri ng spices & herbs, iba’t ibang uri ng mga prutas at gulay. Lahat ng kailangan nya para mabuhay, ginawa muna ng Dios.

Essential Oils noong unang panahon

     At para sa bahagyang halimbawa naman ng mga bansa na kung saan ay gumamit ng Essential Oil sa kanilang gamutan, ang isa diyan ay ang China. Ayon sa article, ang unang pag-gamit daw ng China ay naitala nuong 2697-2597 BCE.

   Sa Ayurvedic Medicine na 3,000-5,000 years na ang tanda, kung titignan mo ang natural remedies nila para sa mga lunas sa sakit, kasama dito ang paggamit ng Essential Oil.

  At nung Dark ages/Middle ages naman, ang paggamit ng essential oil at iba pang halamang gamot para sa lunas ng mga sakit ay tinuligsa ng simbahang katoliko. Dahil ang mga sakit daw ay sanhi ng spiritual at ng hindi kung ano pa man. Tinuligsa, kinulong, at binitay ang mga manggagamot noon at hinalintulad ang paggamit ng pamamaraang ito sa ”witchcraft”.

  Sa atin sa Pilipinas, ang mga nanay, at lola natin ay nakitaan nating gumamit ng langis ng niyog bilang pangpahid. Kapag tayo ay may ubo, sipon, lagnat, pinapahiran ang ating dibdib, likod, talampakan at iba pang parte ng ating katawan  para mabigyan ng lunas ang karamdaman.

Ang langis ng niyog ay hindi Essential Oil kundi ito ay klase ng Carrier oil o vegetable oil o tinatawag ding fixed oil. Pero isa lang ang ibig sabihin, kagaya ng sinabi ni Hippocrates, ” The way to health is to have an aromatic bath and scented massage.” Ito ay ang mga natural na gawain mula sa sinaunang panahon at ipinamana sa mga sumunod na henerasyon. Makaluma pero epektibo. Natural na handog ng ating kalikasan para sa ating kalusugan.

Ang sabi ni Hippocrates sa paggamit ng essential oil

Ano ang Essential Oil

Ang Essential Oil ay galing sa mga chemical compounds ng iba’t ibang uri ng pagkain, iba’t ibang uri ng spices & herbs, o ng mga puno. Ito ay maaaring manggaling sa mga ugat, buto, dahon, tangkay, balat, bulaklak, at iba pang parte ng mga halaman o puno. Depende sa parte ng halaman, bago maging Essential oil ito, ito ay gagamitan ng isa sa 3 paraan, Distillation, Expression, Solvent extraction at Carbon Dioxide Extraction.

Ang Essential oil ay may iba’t-ibang presyo. Depende sa paraan ng paggawa, availability at uri ng halaman. Ang Rose oil halimbawa ay mahal na uri ng Essential Oil kung ikukumpara mo ito sa Lemon Essential oil. Ayun sa Bois de Jasmin, para makagawa ng 1kilo ng langis ng Rose ay kailangan ng 4 na tonelado ng rosas. Ang iba pang mahal na essential oil ay ang sandalwood essential oil, tuberose essential oil, agarwood essential oil at marami pang iba.

Gamit at benepisyo ng rose essential oil

     

6 na paraan sa paggamit ng Essential Oils

Ang essential oils ay ginagamit sa iba’t ibang paraan dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugang physical, mental o emotional, at spiritual.

1 . Aromatherapy   

Ang aromatherapy ay isang alternative medicine na gumagamit ng ”amoy” (aroma) gamit ang essential oil para magpagaling ng karamdamang pisikal, pag-iisip at pati spiritual. Maraming mga paraan kung paano i-diffuse ang essential oil para mapakinabangan ang benepisyo ng aromatherapy.

Babaeng lumalanghap ng bulaklak

2. Massage/Pagmamasahe
   Ang Essential Oil ay ginagamit ding isa sa mga sangkap ng mga langis sa pagmamasahe. Ang pagmamasahe gamit ang essential oil ay maraming benepisyo.

Benepisyo ng pagmamasahe gamit ang essential oil

3. DIY Beauty products o cosmetics
    Kung mapapansin mo sa mga beauty products o skin care products ngayon ay may mga sangkap na essential oil o carrier oil. Halimbawa, sa facial wash ay may sangkap na tea tree essential oil. Ang isa sa benepisyo ng tea tree ay sa problema sa tigyawat.

   Gamitin itong sangkap sa paggawa ng DIY beauty products o DIY cosmetic products.

Halimbawa

a. DIY Perfume o cologne

b. DIY Lotion

c. DIY Face cream o serum

d. DIY Ointment

e. DIY Shampoo o conditoner

F. DIY Hair & nails care products

g. DIY Body & Face mist spray

4. Household use– ang Essential oil ay maaari ring gamitin bilang

a. DIY cleaner

b. DIY fabric Conditoner

c. DIY air freshener- kagaya ng linen spray, toilet freshener

D. DIY sanitizer

5. Meditation at concentration
    Ang Essential Oil ay ginagamit din sa meditation. Ito ay nakakatulong na pagtibayin ang focus habang ikaw ay nagme-meditate.

6. Magical o spiritual
  Kagaya ng mga gemstones o mga semi precious stone, ang essential oils ay sinasabing may vibrational frequencies din. Ito ay makakatulong daw para i-shift o pataasin ang iyong ”energies.”

Sa Mahika/Majika naman, isa rin itong sangkap o importante sa kanilang ritual. Ginagamit ito sa paggawa ng spell, sa paggawa ng potion at iba pa.

Ano ang iba’t ibang uri ng Essential Oils

Ajowan

All spice

Angelica root

Balsam of peru

Basil- Holy basil, Thai basil

Bergamot

Bitter almond

Black pepper

Blue cypress

Calamus

Cardamom

Carrot seed

Cassia

Catnip

Cedarwood

Gamit at benepisyo ng cedarwood essential oil na nasa brown bottle

Chamomile

Gamit at benepisyo ng chamomile essential oil o manzanilla essential oil

Cilantro

Clary sage

Cinnamon

Citronella

Gamit at benepisyo ng Citronella essntial oil.

Clove

Clove essential oil sa brown bottle.

Colophony

Cornmint

Coriander

Costus root

Croton

Cypress

Dalandan (Orange)

Elemi

Essential oil na nagmula sa pilipinas na may ibat ibang gamit at benepisyo

Echinacea

Eucalyptus

Fir needle

Frankincense

Geranium Rose

Ginger

Mga benepisyo at gamit sa ginger essential oil

Grapefruit

Horseradish

Hyssop

Jasmine

Juniper

Lavender

Mga benepisyo ng lavender essential oil.

Lemon

Gamit at benepisyo ng Lemon essential oil

Lemongrass

Lime

Mandarin

Marjoram

Melissa

Mugwort

Mustard

Myrrh

Neroli

Nutmeg

Oakmoss

Orange

Oregano

Palmarosa

Parsley seed

Peppermint

Gamit at benepisyo ng Peppermint essential oil

Patchouli

Pine

Rose

Gamit at benepisyo ng rose essential oil

Rosemary

Gamit at benepisyo ng rosemary essential oil

Sage

Sandalwood

Sandalwood powder at sandalwood essential oil

Spearmint (mint)

Gamit at benepisyo ng mint o spearmint essential oil

Star anise ( chinese star anise )

Tarragon

Tea tree

Gamit at benepisyo ng tea tree essential oil sa kalusugan, balat o kutis at buhok

Thyme

Turmeric

Valerian

Wintergreen

Wormseed

Ylang ylang

Hindi lahat ng essential oils na nasa taas ay maaaring gamitin. Ang iba dito ay masama sa katawan ng tao. Kaya kinakailangan na alamin ang mga gabay sa paggamit ng essential oils bago gumamit.

Mga dapat gawin bago gumamit ng essential oil

Ngayong alam mo na kung ano ang essential oil, iba’t ibang uri at paraan ng paggamit nito, bago gumamit, narito pa ang mga dapat gawin:

  1. Pag-aralan ang mga benepisyo ng essential oil at aromatherapy.
  2. Alamin ang mga gabay sa paggamit ng essential oil.
  3. Authentic vs Fake na essential oil– dapat alam mong tumingin ng fake vs authentic na essential oil
  4. Mag patch test ng essential oil na gusto mong bilhin at gamitin para malaman kung wala kang allergy nito.

2 thoughts on “Ano ang Essential Oil at paraan ng paggamit dito

    1. Hi, Miss Bernadette! Para sa uses ng lavender essential oil, please visit my blog- https://diylangyan.com/natural-na-sangkap/essential-oils/gamit-at-benepisyo-ng-lavender-essential-oil/
      Para naman sa sakura o cherry blossom essential oil, maaari itong gamitin sa iyong skin care pero i-dilute mo muna ito sa carrier oil. Pwede mo rin itong ihalo kung gagawa ka ng mga skin care products o perfume. Maaari rin itong i-diffuse dahil meron itong stimulating at uplifting benefits.
      Maaari mong gamitin ang search bar ng site na ito para sa carrier oil at kung paano mag diffuse ng essential oil.

      Thank you for visiting my site. HAPPY 2021, may you be blessed with love, health, wealth, peace & happiness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *