Marami sa atin ay hindi pa alam kung ano ang essential oil at paraan ng paggamit dito. Kung nanonood kayo ng show ni Darla ng ABS-CBN, na kung saan ay binag-raid (6:55) nya si KC Conception, mapapanood nyo dun na meron syang essential oil sa kanyang bag. Sa mga bag-raid ni Darla ay nakitaan rin ng mga essential oils sina Angel locsin, Ma’am Gina Lopez, Alex Gonzaga at nabanggit nga nya dito na producer/manufacturer ang kanyang kasintahan ng mga essential oils. Marami siguro sa atin na iniisip na parang K-POP na kelan lang sumulpot sa mercado.
Ito ay matagal ng ginagamit sa mundo, at katunayan libo-libong taon na ang nakakaraan nang ito ay ginamit ng mga tao.
Essential Oils sa Biblia
Sa Old testament ng Exodus 30:22-25, nabanggit dito ang myrrh,cinnamon, calamus, cassia, at olive na gagawing langis upang gawing pangpahid. Sa panahon raw na yan, ang pag-gamit ng sagradong langis (Anointing oil) ay para lamang sa mga pari at hari, walang karaniwang tao na pwedeng gumamit o gumawa nito dahil ito nga ay sagrado.
Sa New Testament naman, halimbawa sa James 5:14-15, nabanggit dito ang pagpahid ng langis sa mga may sakit kaakibat ng dasal. At sa paraang ito, ang may sakit ay gagaling. Ilan lang yan sa mga nabanggit sa Biblia tungkol sa ”langis”.
Ang tanong, ” ito bang nabanggit ay ang kilala nating ngayong- Essential Oils?”. Hindi natin alam, dahil may mga teorya na sumasalungat dito. Ang sabi nila, ang mga ”langis” na binanggit sa Biblia ay hindi ang mga langis na tinatawag nating -Essential Oils.
Pero para sa akin, isa lang ang totoo. Ang katotohanan na bago ginawa ng Dios si Adan, sinigurado nya na lahat ng kailangan ni Adan ay meron na. Andiyan na ang araw, meron siyang gabi para sa panahon ng kanyang pagpapahinga, andiyan na ang iba’t-ibang uri ng spices & herbs, iba’t ibang uri ng mga prutas at gulay. Lahat ng kailangan nya para mabuhay, ginawa muna ng Dios.
Essential Oils noong unang panahon
At para sa bahagyang halimbawa naman ng mga bansa na kung saan ay gumamit ng Essential Oil sa kanilang gamutan, ang isa diyan ay ang China. Ayon sa article, ang unang pag-gamit daw ng China ay naitala nuong 2697-2597 BCE.
Sa Ayurvedic Medicine na 3,000-5,000 years na ang tanda, kung titignan mo ang natural remedies nila para sa mga lunas sa sakit, kasama dito ang paggamit ng Essential Oil.
At nung Dark ages/Middle ages naman, ang paggamit ng essential oil at iba pang halamang gamot para sa lunas ng mga sakit ay tinuligsa ng simbahang katoliko. Dahil ang mga sakit daw ay sanhi ng spiritual at ng hindi kung ano pa man. Tinuligsa, kinulong, at binitay ang mga manggagamot noon at hinalintulad ang paggamit ng pamamaraang ito sa ”witchcraft”.
Sa atin sa Pilipinas, ang mga nanay, at lola natin ay nakitaan nating gumamit ng langis ng niyog bilang pangpahid. Kapag tayo ay may ubo, sipon, lagnat, pinapahiran ang ating dibdib, likod, talampakan at iba pang parte ng ating katawan para mabigyan ng lunas ang karamdaman.
Ang langis ng niyog ay hindi Essential Oil kundi ito ay klase ng Carrier oil o vegetable oil o tinatawag ding fixed oil. Pero isa lang ang ibig sabihin, kagaya ng sinabi ni Hippocrates, ” The way to health is to have an aromatic bath and scented massage.” Ito ay ang mga natural na gawain mula sa sinaunang panahon at ipinamana sa mga sumunod na henerasyon. Makaluma pero epektibo. Natural na handog ng ating kalikasan para sa ating kalusugan.
Ano ang Essential Oil
Ang Essential Oil ay galing sa mga chemical compounds ng iba’t ibang uri ng pagkain, iba’t ibang uri ng spices & herbs, o ng mga puno. Ito ay maaaring manggaling sa mga ugat, buto, dahon, tangkay, balat, bulaklak, at iba pang parte ng mga halaman o puno. Depende sa parte ng halaman, bago maging Essential oil ito, ito ay gagamitan ng isa sa 3 paraan, Distillation, Expression, Solvent extraction at Carbon Dioxide Extraction.
Ang Essential oil ay may iba’t-ibang presyo. Depende sa paraan ng paggawa, availability at uri ng halaman. Ang Rose oil halimbawa ay mahal na uri ng Essential Oil kung ikukumpara mo ito sa Lemon Essential oil. Ayun sa Bois de Jasmin, para makagawa ng 1kilo ng langis ng Rose ay kailangan ng 4 na tonelado ng rosas. Ang iba pang mahal na essential oil ay ang sandalwood essential oil, tuberose essential oil, agarwood essential oil at marami pang iba.
6 na paraan sa paggamit ng Essential Oils
Ang essential oils ay ginagamit sa iba’t ibang paraan dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugang physical, mental o emotional, at spiritual.
1 . Aromatherapy
Ang aromatherapy ay isang alternative medicine na gumagamit ng ”amoy” (aroma) gamit ang essential oil para magpagaling ng karamdamang pisikal, pag-iisip at pati spiritual. Maraming mga paraan kung paano i-diffuse ang essential oil para mapakinabangan ang benepisyo ng aromatherapy.
2. Massage/Pagmamasahe
Ang Essential Oil ay ginagamit ding isa sa mga sangkap ng mga langis sa pagmamasahe. Ang pagmamasahe gamit ang essential oil ay maraming benepisyo.
3. DIY Beauty products o cosmetics
Kung mapapansin mo sa mga beauty products o skin care products ngayon ay may mga sangkap na essential oil o carrier oil. Halimbawa, sa facial wash ay may sangkap na tea tree essential oil. Ang isa sa benepisyo ng tea tree ay sa problema sa tigyawat.
Gamitin itong sangkap sa paggawa ng DIY beauty products o DIY cosmetic products.
Halimbawa
a. DIY Perfume o cologne
b. DIY Lotion
c. DIY Face cream o serum
d. DIY Ointment
e. DIY Shampoo o conditoner
F. DIY Hair & nails care products
g. DIY Body & Face mist spray
4. Household use– ang Essential oil ay maaari ring gamitin bilang
a. DIY cleaner
b. DIY fabric Conditoner
c. DIY air freshener- kagaya ng linen spray, toilet freshener
D. DIY sanitizer
5. Meditation at concentration
Ang Essential Oil ay ginagamit din sa meditation. Ito ay nakakatulong na pagtibayin ang focus habang ikaw ay nagme-meditate.
6. Magical o spiritual
Kagaya ng mga gemstones o mga semi precious stone, ang essential oils ay sinasabing may vibrational frequencies din. Ito ay makakatulong daw para i-shift o pataasin ang iyong ”energies.”
Sa Mahika/Majika naman, isa rin itong sangkap o importante sa kanilang ritual. Ginagamit ito sa paggawa ng spell, sa paggawa ng potion at iba pa.
Ano ang iba’t ibang uri ng Essential Oils
Ajowan
All spice
Angelica root
Balsam of peru
Basil- Holy basil, Thai basil
Bergamot
Bitter almond
Black pepper
Blue cypress
Calamus
Cardamom
Carrot seed
Cassia
Catnip
Cilantro
Clary sage
Cinnamon
Colophony
Cornmint
Coriander
Costus root
Croton
Cypress
Dalandan (Orange)
Echinacea
Eucalyptus
Fir needle
Geranium Rose
Grapefruit
Horseradish
Hyssop
Jasmine
Juniper
Lemongrass
Lime
Mandarin
Marjoram
Melissa
Mugwort
Mustard
Myrrh
Neroli
Nutmeg
Oakmoss
Orange
Oregano
Palmarosa
Parsley seed
Patchouli
Pine
Sage
Spearmint (mint)
Star anise ( chinese star anise )
Tarragon
Thyme
Turmeric
Valerian
Wintergreen
Wormseed
Ylang ylang
Hindi lahat ng essential oils na nasa taas ay maaaring gamitin. Ang iba dito ay masama sa katawan ng tao. Kaya kinakailangan na alamin ang mga gabay sa paggamit ng essential oils bago gumamit.
Mga dapat gawin bago gumamit ng essential oil
Ngayong alam mo na kung ano ang essential oil, iba’t ibang uri at paraan ng paggamit nito, bago gumamit, narito pa ang mga dapat gawin:
- Pag-aralan ang mga benepisyo ng essential oil at aromatherapy.
- Alamin ang mga gabay sa paggamit ng essential oil.
- Authentic vs Fake na essential oil– dapat alam mong tumingin ng fake vs authentic na essential oil
- Mag patch test ng essential oil na gusto mong bilhin at gamitin para malaman kung wala kang allergy nito.
San po pede gamitin ang lavander at sakura essential oil?
Hi, Miss Bernadette! Para sa uses ng lavender essential oil, please visit my blog- https://diylangyan.com/natural-na-sangkap/essential-oils/gamit-at-benepisyo-ng-lavender-essential-oil/
Para naman sa sakura o cherry blossom essential oil, maaari itong gamitin sa iyong skin care pero i-dilute mo muna ito sa carrier oil. Pwede mo rin itong ihalo kung gagawa ka ng mga skin care products o perfume. Maaari rin itong i-diffuse dahil meron itong stimulating at uplifting benefits.
Maaari mong gamitin ang search bar ng site na ito para sa carrier oil at kung paano mag diffuse ng essential oil.
Thank you for visiting my site. HAPPY 2021, may you be blessed with love, health, wealth, peace & happiness.